"Seems like my tummy wants food, not you," pang-aasar ko bago ako tumayo, pero nahila niya ako at niyakap. Napapikit ako at sinubukang huminahon. But he started to plant small kisses on my shoulder habang ang mga kamay niyang nakapalibot sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya dahil hindi niya ako pinakakawalan. So, this is him when he's into someone?

"Come on, I'm starving. Hindi rin ako nakakain nang maayos kagabi sa dinner. I know, ikaw rin," wika ko sa pagitan ng mga ginagawa niyang pangingiliti.

"Give me five more minutes. I'll cook for us," he whispered as he continued doing his business with my body. Wala naman akong nagawa kundi hayaan na lang siyang gawin ang gusto niyang gawin sa katawan ko. Nararamdaman ko pang sinisinghot niya ang amoy ko at hindi ko mapigilang matuwa sa ginagawa niya. He's showing a lot of affection towards me, and I feel so loved by him. Kahit na gusto niya palang ako. I feel so fortunate.

Just like he promised, he presented himself to cook for our breakfast. Hindi ko lang sigurado kung ano ang niluluto niya, pero may kung ano-ano siyang kinalikot mula roon sa refrigerator ko na hindi ko alam kung may laman pa ba.

I gave him a loose shirt and pants, but he rejected them so many times, dahil ano raw ang silbi kung huhubarin din. Natawa na lang ako sa kaniya. May balak pa talaga siyang gawin ulit kahit nakarami na kami kagabi. Isinuot ko na lang sa ulo niya iyong damit para tuluyan niya nang isuot.

I never noticed that days would pass swiftly when you're happy. Pero hindi ako nalulungkot ngayong magkakahiwalay kami dahil uuwi na siya. Binuo namin ang tatlong araw ng masasayang alaala. Paminsa'y nanonood kami at nagkukwentuhan, sabay na kumakain at naliligo, magkayakap na natutulog at gumigising. Para kaming mag-asawa. Hindi tuloy mawala sa isip ko ang balang araw na maaaring magkasama kami kung mag-level up ang relationship naming ngayo'y wala pa.

He never asked about my feelings toward him, which is why I never had the chance to confess. Pinili ko na lamang na ilihim muna dahil hindi naman niya ako nililigawan para umoo ako. Hindi ko rin alam kung anong balak niya sa aming dalawa, pero aminado naman akong masaya ako at kuntento sa kung anong namamagitan sa amin.

Dumating ang araw ng Lunes na excited akong pumasok sa Marcus University dahil ilang oras lang kaming hindi nagkasama ni Ismael ay abot langit na ang pagka-miss ko sa kaniya. Sinadya ko talagang agahan ang pagpasok kung sakaling madatnan ko si Ismael nang maaga sa room dahil siya naman ang first subject namin.

I was on my way to our classroom when I suddenly felt something was wrong around those students in the corridor. Naririnig kong may pinagbubulungan sila at pinag-uusapan. Mukhang chismis. Ang aga-aga. Sabagay, ngayon ko lang napansin kasi hindi naman ako ganito kaagang pumasok.

"Girl, narinig mo na ba ang balita? May dine-date na raw si Professor Mondalla!"

Napatigil ako sa paglakad at biglang napalingon sa mga babaeng naroon sa may bintana. Humakbang ako paatras para mas marinig pa ang pag-uusap nila. Ako ba ang tinutukoy nila? Sandali, nakarating ba sa kanila na tatlong araw naroon sa bahay ko si Ismael? Paano?

I bit my lower lip as I maintained my composure. Hindi maaaring makarating ito sa faculty dahil paniguradong magagaya si Ismael kay Professor Sybill.

Bumuntong-hininga ako at nanatiling nagkukunwaring nag-aayos ng sintas, kahit na heels naman ang suot ko para marinig ko pa sila.

"Oo, nakita ko kanina! May kasama siyang babae kanina sa kotse niya! Bumaba pa nga, eh! Ang chika, lower year daw!"

Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko. Para akong tinakasan ng lakas. Maging ang mga kamay ko'y hindi na naigalaw pa ang sarili. Even my knees can't stretch to stand up again to walk away from what I heard.

"Gosh, so totoo nga ang issue noon? Siya ba ang babaeng nakasama ni Professor Mondalla sa Island Motel Bar?"

Nawala ang sigla sa sistema ko at napalitan ng sama ng loob. Ayokong maniwala dahil chismis lang naman ito. Wala akong patunay na totoo ang mga sinasabi nila. Paanong mayroong dine-date si Ismael kung kakaamin niya lang sa akin na gusto niya ako? Marami ba kaming gusto niya?

"Sure ba kayo?" sabat ng isang babae.

"Oo! May picture kaya ako! Nakuhanan ko kanina kasi alam kong hindi kayo maniniwala! Kalat na kaya 'to sa mga group chats."

I tried my best to stand up and walk towards them. Mabilis kong hinablot ang phone ng babaeng nagpaparanya sa picture na nakuhanan niya. Nanginig ang mga kamay ko sa nakita ko. Sana hindi ko na lang pala tiningnan.

It was real. Ismael is with another woman...seems younger than me.

Bumigat ang paghinga ko habang pinipigilan ang galit na namumuo sa dibdib. Ibinalik ko sa kanila ang phone bago ko sila tinalikuran. Padabog akong naglakad, hindi papunta sa classroom kung hindi papunta sa opisina ni Ismael.

I can't believe he'd do this to me. Akala ko totoo siya. Isa lang palang kasinungalingan ang lahat. Hindi ako makapaniwala. Pinagtatawanan niya kaya ako kung gaano ako katanga para sa kaniya? At pumayag pa akong manatili siya sa akin ng tatlong araw. Nakakapanliit. Ligayang-ligaya pa ako sa mga ginawa namin. Hindi naman pala dapat.

Malakas kong binuksan ang pinto at nakita kong nag-aayos na ng gamit si Ismael. Mukhang papunta na siya sa klase namin.

He was surprised to see me. He even flashed his smile effortlessly, lying that he's happy to see me.

Magsasalita palang siya nang bigyan ko siya nang malakas na sampal.

"Don't dare talk to me again! I hate you!"

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum