II - I'm Only Yours

Start from the beginning
                                    

"Can you drop me off by my condo?" utos ko sa driver nang makaupo na sa backseat.

"Ah hindi po sa mansyon, Miss Dee?"

Cute din nito ni kuya, sabi nang sa condo e. Nginitian ko lang ito at inilingan.

"No, manong. Sa condo po."

"Saang condo po?" tanong niya nang sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan.

"The nearest one, manong."


Tumikhim lang ito at tsaka ako tinanguan.


Natandaan kong hindi ko pala na-replyan si Rain dahil inuna ko ang magpaalam kay Papa.



🍯Honey Wifey👰🏻‍♀️

Hon, I need you.

Read

Wifey, are you okay? Nasaan ka ngayon?

typing...


Mabilis niya lang nabuksan ang reply ko at nagre-reply na siya ngayon. Ganoon lang din kabilis ang pagdating ko sa pinakamalapit na condo ko. Bumaba na ang dalawang bodyguard na nakaupo sa magkabilang gilid ko pati na rin ang isa pa na nasa passenger seat. Bago ako bumaba, may pakiusap muna ako sa driver.

"Manong, can I have the key to this car? Bigyan ko na lang po kayo ng cash pang-grab."

"Nakasunod po sa atin yung ibang security, Miss Dee."

Napalingon naman ako sa likod at nakita ko ang isang black van. 

"May masasakyan naman po kami. Heto ho, Miss." dagdag pa niya at sabay na inabot sa akin ang susi.


"Thanks, Manong." hinablot ko na ang susi at tsaka lumabas ng kotse. Nagdire-diretso lang ako at ramdam ko namang hindi na ako sinusundan ng bodyguards. Napalingon ako saglit at nakita kong paandar na ito paalis sa harap ng condo.



Pagpasok ko ng lobby ay nakarinig ako ng mga singhap. Ngumiti lamang ako nang malumanay, hindi ko na pinansin ang mga taong naglabas ng phone at 'yung mga nagbubulungan nang tumuturo pa sa akin.

"Ow em ji si Michelle Dee"

"Ang ganda niya talaga puwedeng pang-Binibining Pilipinas"

"Tangek, pang-Miss Universe na agad"

"Galing ata siya sa event nila e, ang sexy niya"

"Sana all ganyan ang jowa"


Bigla naman ako nakaramdam ng hiya nang may halong inis. Alam ba nilang naririnig ko sila dahil kahit bumubulong sila ay medyo malakas pa rin naman ang boses nila na para bang sadyang pinaparinig sa akin? Nagdire-diretso na lamang ako papasok ng elevator. Buti na lang at wala akong kasabay.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Where stories live. Discover now