"Ano na namang pag-uusapan natin?"

"I'm sorryㅡ"

"Stop!" He closed the book and glared at me. "Kung yan lang din naman ang sasabihin mo, lumabas ka nalang. I don't have time for your bullshits!" Ouch! I felt my heart skip a beat and it's hurting me.

I smiled kahit pa naramdaman ko na anytime tutulo na ang luha ko. "Don't worry, maybe.. maybe this will be the last na time na mag-uusap tayo. Gusto ko lang sabihin na, kahit pa nagkaroon ako ng amnesㅡnakalimutan kita, alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ikaw pa rin ang nilalaman nito." Sabay turo kung nasan ang puso ko. "I am not here to beg para bumalik ka sa'kin, but I'm here to say goodbye. Napagtanto ko na you have your freedom pala. At wala ako sa lugar para kunin yun sa'yo. I'm sorry for everything, again. And thank you, thank you for searching for me yesterday. I appreciate it so much."

"Why are you telling me this? Para maawa sa'yo? Athena, I can still remember the way that Jamie kissed you months ago! Yes, I admit! I saw you last five months sa Australia. And guess what? Yun ang nakita ko, you two were kissing infront of my face! Tapos sasabihin mo, ako lang? Wag mo'kong ginagago, tangina!" He stood up and massaged his temple.

Naalala ko yung panahon na yun. Jamie suddenly kissed me in my lips but I didn't kiss him back. Instead, I pushed him and he says sorry to me.

"B-But I didn't kissed him..." Naging mahina ang boses ko.

"So, tinraydor ako ng mata ko, ganun ba? Hindi mo na ako maloloko. Tama na yung panloloko mo sa'kin noong tayo pa kaya hindi ko na hahayaang madagdagan pa yun!" He chuckled dryly. "Buti nalang pala nagkaroon ako ng international project noon sa Australia dahil kung hindi, baka naniwala na ako sa mga kasinungalingan mo ngayon. Psh!"

"Daren..."

"Get out of my room!"

"I swear, I didn't kissed him back."

"Didn't you say na ito na ang huling pag-uusap natin? Get out!" He angrily said kaya wala na akong nagawa kundi lumabas.

It's all my fault! Athena, it's all your fault!

Naiiyak akong bumalik sa room ko at hindi na napigilang humikbi. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.

Napagdesisyonan ko kasing hindi na ako magpaabot ng isang linggo dito. Aalis na ako bukas. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa kanya. Kung saan siya masaya, dun na rin ako. Kung sa makakahanap siya ng iba, magiging masaya nalang ako para sa kanya.

Ilang minuto din akong umiyak lang hanggang sa nakatulog.

***

"Athena, andito si Liane hinahanap ka." Bungad ni Kaede sakin sa kitchen habang may dalang tasa ng kape.

"Talaga? Where is she?" I got excited knowing that my sister is here.

"She's in the living. Wait, what happened to your eyes? They're puffy."

"Ha? Ah nanood kasi ako ng movie, yung 'Nowhere'. Sobrang kawawa kasi kaya umiyak ako hehe."

"Ow, ganun ba? Akala ko naman kung ano na."

Natawa ako. "Sige, puntahan ko muna si Liane." Tinanguan ko si Kaede at nakangiti akong dumiretso sa living. Pinipilit ang sarili na wag maalala ang nangyari kanina lang.

Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang makita ang itsura ni Liane. Umiiyak siya habang pinapatahan ni Daren.

Medyo bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa pagtama ng mata namin ni Daren pero agad din akong umiwas. "Liane, what's wrong?" Agad ko siyang dinaluhan.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now