My Luna, My Loveer

1 0 0
                                    

Saan ba ako magsisimula? Paano ko ba sasabihin ang nararamdaman? Nung dumating ka hindi ko inakalang mahuhulog ako sayo ng ganun ka lalim! Kahit hindi sigurado ay pinagpatuloy ang nararamdaman. Bawat araw na lumilipas ay ika'y minamahal ng sobra sobra. Ginawa kang mundo at sayo na umiikot ang buong buhay ko. Saan nga ba ako nag kulang? Hindi ba naging sapat pagmamahal ko para puso mo'y magmahal ng iba? Gusto ko lang naman maramdaman na ako lang. Gusto ko lang naman iparamdam mo na sapat na ako.

Sinasabi mong mahal mo ako at ramdam ko iyon. Araw araw kinikilig ang puso ko at hinahanap ang boses mo. May mga araw na hindi kita maintindihan pero pinili kng intindihin ka dahil mahal kita. Katangahan man kaso wala akng magagawa. Ganun ako magmahal eh, nagiging tanga. Sobrang available ako sayo. Isang chat mo lang agad akng nag rereply, kahit umaabot pa ng ilang oras ang reply mo naghihintay pa din ako ng may ngiti sa labi. Alam ko naman hindi lang ako mahal mo. Minahal mo ba talaga ako? O minahal mo lang ang thought na mahal mo ako?

Para kang buwan na kay gandang pag masdan pero ang hirap abutin. Para kang buwan na sa malayo ko nalang mamahalin. Hindi naman kita iniwan eh; kasi kng iniwan kita hindi mo ako nakaka usap. Walang isang ako na magrereply sa mga late messages mo. Never akng nawala sayo! Dahil parang buwan, andyan pa din ako naka sunod lang sayo.

Gusto ko ng itigil ano man ang meron tayo ngaun. Gusto ko ng umalis sa kinatatayo-an ko. Ayoko ng masaktan dahil sayo, dahil nakakapagod. Sobrang nakakapagod masaktan. Alam mo bang sa bawat araw na sinasabi kong "okay lang", "ayos lang", at "I understand" nakatago ang luhang gusto ng kumawala? Iintindihin kita hanggat sa makakaya ko. Pero ako naiintindihan mo ba? Naiintindihan mo ba kung bakit kailangan kong hanapin ang pagmamahal na sayo ay inaasam? Naiintindihan mo ba na hindi lang ikaw ang nasasaktan? Dahil ako ang tumapos sa ano man meron tayo, pero ako ang nasaktan ng sobra. Bakit? Dahil ikaw lang ang minahal ko!

Ayokong manumbat dahil hindi mo kasalanang minahal kita. Hindi mo naman ako pinilit na manatili dibah? Kailan mo ba ako pinili? Kailan nga ba? Kailan ba ako naging sapat? Ilang ulit ko gustong sabihin sayo na nasaktan ako kaya ko tinapos kng ano mang meron tayo. Sakit ang nag udyok sa akin na lumingon sa paligid at hanapin ang pagmamahal na nararapat sa akin. Sakit ang naging dahilan ko kung bakit ayoko ng bumalik sayo. Pero alam mo kahit ganun andito pa din ako nakatayo at nakakausap mo.

Loveer sa pagkakataong to ako'y aalis na sa lugar kung saan alam kong makaka usap pa din kita. Ako'y aalis na sa buhay mo at hindi na babalik pa. Mahal pa din naman kita pero ayoko ng masaktan pa dahil sayo. Tanga ako pagdating sayo eh. Kaya sa araw na isinulat ko to, ay yun ang araw na unti unti akong bibitaw. Unti unti akong mawawala sa buhay mo. Sana mapatawad mo ako.

Kasiyahan mo ang hangad ko, kahit hindi na ako ang rason ng mga ngiti mo. Sana maging masaya ka. Sana mahanap mo yung pagmamahal na inaasam ng puso't kaluluwa mo. Hindi na ako babalik Loveer. Dahil sa oras na ako'y aalis sa kinatatayo-an ko, ay hindi na ako babalik pa. Lilingon ako pero magpapatuloy sa paglayo. Paalam loveer!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RP GameWhere stories live. Discover now