Special Chapter 2

23.2K 378 48
                                    

Reyes Family

Kuya Grey!!!!! Bakit ka ba nangingialam ng cell phone ko!" Sigaw ni Ayesha, ang bunso namin ni Nicky.

Nagtatakbo siya papunta sa kuya na parang walang pakialam at patuloy lang na kumakain habang nag-aaral, pero nung nakalapit na ay sinamaan niya ito ng tingin. "I will always meddle on your affairs! Wala ka pa sa University pero napakarami mo ng boyfriend! You are just 16 years old for fucking sake!"

Hindi parin natanggal ang galit sa mukha ni Ayesha. Tumingin siya sa akin at mukhang kumukuha ng simpatya. Lagi siyang ganoon. Kapag hinihigpitan na siya ng kuya niya ay sa akin lumalapit.

I sighed. "Grey, anak, what did you to her---"

"Drop it, Mom. I just did the right thing! Kung hindi ako maghihigpit sa kanya ay hindi titigil ang pagiging play girl niyan!"

"I am not a play girl! Wala nga akong boyfriend!" Depensa ni Ayesha.

"Walang boyfriend pero nagsend ka ng Happy Monthsarry sa 15 na lalake! Group text pa yun!"

"What?!" Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan at nakita namin doon si Nicky kasama si Trisha.

"Patay." Bulong ni Ayesha.

"Patay ka talaga." Dagdag pa ni Grey at saka nagpatuloy sa pagkain habang nagbabasa.

"Good evening, 'my." Bati ni Trisha at saka humalik sa akin. Sumunod naman si Nicky. "Finish your meals first before studying, Grey." Aniya at saka humalik sa aking mga labi. 20 years have already passed. But his kisses still excites me.

"Ahem, daddy. My innocent eyes!" Untag ni Ayesha. Nicky ended the kiss short after and faced Ayesha.

"You, young lady, ano 'yung narinig ko kanina sa kuya mo? What did I tell you? You won't have a boyfriend not until you finish University!"

"Nicky... Calm down, alam mo naman ang mga kabataan ngayon. Curious lang---"

"---and curiosity leads to early pregnancy. Hindi ako papayag diyan. Kay Trisha nga na graduate na at nagtatrabaho na as a nurse eh hinihigpitan ko pa. Siya pa kaya?" Pagputol niya sa sinasabi ko kaya itinik ko na lang ang bibig ko. Takot siya sa sarili niyang multo eh. Hayaan ko na lang.

Though he stayed faithful since we reconciled, takot parin siya na mabaling ang karma sa mga anak naming mga babae. Kaya sobrang higpit niya. Trisha didn't even experience to get courted. Lahat ay takot lumapit. Pagsamahin mo ba naman si Nicky at Elios sa pagbabantay edi talagang wala na.

Hindi na ako magtataka kung tumanda siyang dalaga. Huwag naman sana.

"Dad, wala akong boyfriend. Kapag may boryfriend na ako ikaw unang makakaalam."

"Enough! Hindi ka magboboyfriend hangga't hindi ko sinasabi. Tandaan mo yan." Pinal na sabi ni Nicky. Napanguso na lang si Ayesha at saka umupo sa tabi ni Trisha na nakikipagkwentuhan sa kuya Grey niya.

Hindi niya na binuksan ang issue sa cell phone niya ngunit alam kong hindi niya tantantanan ang kuya niya kapag nakaakyat na sa kuwarto ang daddy nila. Hindi ko alam kung saan siya nagmana sa kakulitan. Si Trisha naman ay nagbago mula nung 15 years old na siya. Naging tutok siya sa pag-aaral at nagseryoso na. Ayesha is so much different.

Si Grey lang ang hindi nagbago. He is still grumpy but it was surprising that he became interested with modelling and acting. At the age of 23, he is already a famous actor. Sikat na sikat siya na ultimo pag-aaral niya ng law ay kailangan niyang itago para hindi siya pagkaguluhan ng mga fans niya. Minsan nga kapag lumalabas kaming dalawa ay todo iwas pa kami sa mga tao.

"Kamusta pag-aaral mo anak?" Tanong ni Nicky habang kumakain.

"It's okay, 'dy. Sa sched ako nahihirapan. May exam ako next week pero may shooting kami. Pinapaayos ko nga kay Tita Amy eh."

"Just don't stress yourself too much. You don't need to prove yourself to anyone, anak." Matigas na sabi ni Nicky. Something flashed in Grey's eyes but it quickly faded. He nodded but I knew better. Alam na alam ko kung bakit niya pinapagod ang sarili niya. His clenched hands won't deny that he is doing this for someone.

"Sige, kayo na ang bahala dito." Tumayo kami.

"Trisha, matulog ka na ng maaga, 'nak. Maaga pa kayo bukas. You look so tired and stressed." Hinaplos ko ang kanyang mukha. Ngumiti siya pero lalo lang akong nag-alala dahil hindi ko nakikitang ngumingiti ang kanyang mga mata. Matagal na panahon na since the last time I saw her smiled genuinely.

"Matutulog po ako agad, 'My. May pag-uusapan lang kami ni Kuya." Tumango ako kahit na sa loob ko ay gusto ko siyang makausap pa. Sinundan ko si Nicky sa aming kuwarto.

He was already in the bathroom when i entered our room. Ilang taon na lang ay magreretire na rin siya sa pagdodoktor. We have planned on travelling around the world. We planned on spending time with each other more, yung kami lang. Wala ang mga bata.

Pero paano pa namin iyon magagawa kung ganito ang mga nangyayari sa aming mga anak. We can't just leave them. Lalo ngayon na alam kong nagsisimula na nilang maranasan ang sakit ng umibig at masaktan.

Nicky woke me up from the trance. "Anong iniisip mo?" Tanong niya at saka hinila ako para tabi kaming nakahiga sa kama. He spooned me, his fingers playes with my fingers.

"I am just thinking of the kids. Nag-aalala ako. I think I will never be ready to let them live by themselves, not when I can see them hurting." I heard Nicky chuckled a bit.

"To get hurt is normal..."

"But---"

"It is normal, 'my. In front of them, I am strict and so protective but believe me, I have readied myself on seeing them cry and fail." Nagulat ako sa sinabi niya.

"I thought you told me that you were afraid that karma might hit your children?"

"Of course. I did say that." Sagot niya. "But you see, they are also entitled for their own choices. Ang magagawa lang natin para magkaroon sila ng magandang decision ay palakihin natin sila ng maayos, guide them. And I think we did well."

"You think so? Eh bakit nasasaktan sila? Don't you see Trisha's eyes? And Grey's? Hindi ka ba nababahala?" Humarap ako sa kanya. He placed my head on his chest.

"Paano sila matuto kung hindi sila masasaktan? I am worried. Alam mo yan. But I know that they will come to us when they can't take the pain anymore. And when that happens, you know what I can do for them. Just trust them, baby. Trust that we have raised them well, not to avoid the shits in life, but to surpass all the challenges."

Hindi ako makaimik matapos niyang sabihin iyon. Tama siya. Bilang magulang ay hindi natin laging mapoprotektahan ang mga anak natin. There will be a time that they'll get hurt but it's part of growing. Hindi rin natin pwedeng dikathan sila sa lahat ng gagawin nila. Everyone is entitled to choose what they want.



"Did you already understand the situation, baby?" I smiled and snuggled closer to him. I muffled yes and he pulled me even closer.

Unti-unti ay naramdaman ko ang pagkaantok. I felt comfortable like how I always do everytime Nicky encloses me wit his arms. No one could really make me feel this way. In his arms, everything seems fine. Indeed, our heartaches led us to be better, especially to Nicky.

"I love you, Nicky..." I murmured and yawned.

I felt him kissed the top of my head. "I love you, too, baby... Forever..."

You Took My All (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon