Pissed and Shocked

17.5K 259 44
                                    

Olivia.

 

“What are you doing?” Nicky looked back and smiled at me. I entered his room and sat on the chair next to him.

“Tulog na si Trisha?” I nodded. “Madali lang naman patulugin ‘yun. Lalo pagod. Maghapon ba naman kayong nagtampisaaw sa pool.”

Umiling ito at saka tumawa. Nicky always finds time for our daughter. Kahit na gaano ito ka-busy, once he promised something, gagawin niya. Malaki na ang pinagbago niya. I can say that he’s more matured and responsible now.

I looked at the table. I saw pictures. So, ito pala ang ginagawa niya?

“You’re making a collage?” I asked him.

“Yep.” I took one of the pictures. Hindi ko na napigilan ang lalong mapangiti. Grabe ang taong ito, gagawin niya talaga ang lahat.

“Hindi mo namimiss ang hospital, Nicky?” I suddenly asked him. Matagal tagal na rin. Four years na siyang tumigil sa pagdodoctor. Not that Elsa filed a case against us and our license were taken, it’s just that Nicky decided to stop being a doctor.

Sandal siyang natigilan at ibinaba ang picture at gunting na hawak niya. “Why do you suddenly ask about that?” I shrugged. “Wala lang. Baka kasi gusto mo ng bumalik sa pagdodoctor?”

 

He sighed and then stood up. Dumiretso ito sa tapat ng bintana at saka hinawi ang kurtina.

“Hindi ko pa kayang bumalik sa hospital, Olivia.”

 

“Are you still blaming yourself?” I saw how devastated he was when Elsa left him. Every day, he would make himself so tired so when the night time comes, he’d fall asleep easily. It took him a year or a two to fully recover.

Kaya ngayon tumatawa na siya, nakakangiti na ng totoo at lalong lalo na makakausap mo ng matino. But he still doesn’t want to go back to his profession. Perhaps, hindi na talaga siya mabubuo kahit kailan.

“Hindi naman sa ganoon…” He said in a low voice.

“Eh, ano?” He shrugged and went back to his seat and continued what he was doing. Ayan na naman siya. Ayaw na naman magsalita. Bahala nga siya. Hmp!

“Nga pala, may pupuntahan tayo bukas.” I said. He looked at me and raised his brow. Suplado ng lalakeng ito, pwede namang magtanong na lang eh.

“Punta tayong Tarlac. May kikitain lang ako.”

“Eh, bakit kasama pa ako?” I raised my brow and hissed. Ang sungit!

“Kasi tatay ka ni Trisha at boyfriend kita?” I grinned as he laughed at me. Ang gwapo niya lang kapag ganitong tumatawa siya.

You Took My All (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon