"Ouch! Ate!" Nakahawak ito sa pisngi niya na namumula.

Napatingin ako kay Zashi na nagpipigil ng tawa.

"So, hindi 'to panaginip?"

"The hell? You did that to know if you're dreaming or not??" iritadong ani ni Geno.

"Watch your words, Geno." ani ni Dad.

"Sorry."

"Are you alright?" napatingin ako kay Zashi. Tumango lang ako at nagpaalam muna siya na kukuha ng damit ko para makaligo ako.

Si Geno naman ay lumabas muna. Naiwan kaming dalawa ni Dad.

"I'm sorry."

"Sorry."

Sabay kaming nagsalita ni Dad.

"No! Ako dapat ang nagsasabi niyan." Nagkasabay ulit kami at pareho lang ang nasabi namin.

Napaface palm nalang ako.

"I'm your father, let me talk first." ani nito na nagrereklamo. Ginamit pa ang card niya.

"I'm sorry kung hindi ko inisip yung mararamdaman mo ng maisip kong ipakasal ka kay Elmo. Sobrang natakot ako dahil nauubusan na tayo ng oras. Hindi ko naisip na mas manganganib ang buhay mo kung natuloy ang kasal. Tama lang ang ginawa mo na tumakbo ka at umurong sa kasal.

Hinawakan ko ang kamay ni Dad at diretsong tumingin sa mga mata niya.

"Sorry din, alam ko po na kahihiyan ang dinala ko sa inyo noong araw na yun. Pero hindi ko iyon pinagsisihan."

Nginitan ako ni Dad saka ako niyakap.

"Now, I understand."

"Ang alin po?"

"I understand why you love her. Kung bakit mas pinili mo siya over Elmo. She's ten times better than him."

"You're not mad at her?"

"Hindi na. Napatunayan na niya ang sarili niya. Namangha ako sa pinakita niya. Masyado pang bata pero kung kumilos at mag-isip parang lahat kaya niyang gawin. Lalo na pag para sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi ni Dad. May kumatok kaya humiwalay si Dad sa pagkakayakap sa akin.

"Who's that?!"

Bahagya nitong binuksan ang pinto at ipinasok ang ulo niya.

"Ahm...sorry po sa interruption. Pwede ko po ba munang hiramin si—" tumingin siya sa'kin.

"No, nag-uusap pa kami. " seryosong sabi ni Dad. Alam kong biro lang iyon pero hindi nagpatalo si Zashi.

"Matutuyuan po kasi siya ng pawis. Kailangan na din niyang maligo at kumain."

Tumingin sa'kin si Dad at nag-wink pa.

"Okay, nagbibiro lang ako. Sige na, pupuntahan ko muna sila sa baba."

Nilakihan ni Zashi ang awang ng pinto para makadaan si Dad saka dala ang paper bag na tumakbo palapit sa'kin.

Nagulat ako ng bigla niya akong sunggaban ng halik pagkatapos niyang ibaba ang paper bag.

"Mmm-mm" sinabayan ko lang siya.

"I missed you!" ani niya na hinihingal pa.

"Katabi mo naman ako natulog. Tumakbo ka ba? Bakit parang—" inamoy amoy ko ang damit niya. "—amoy pawis ka?"

"Galing ako sa baba. Tumakbo ako kasi may kailangan akong asikasuhin."

"Tara na. Sabay na tayong maligo."

Pag-aya ko sa kanya. Tumayo na ako at inalalayan niya ako papunta sa cr.

Isa isa kong tinanggal ang suot ko hanggang sa panloob ang natira. Napansin kong hindi siya gumagalaw.

"Baby?"

"H-huh?"

"Maghubad ka na."

"O-oo" napansin ko kung saan siya nakatingin. Sa katawan ko syempre.
Umandar na naman ang pagka-pilya ko. Nakaharap kong hinubad ang bra ko.

"Baby."

"Yes?"

Ibinato ko iyon sa mukha niya. Natauhan naman siya ginawa ko.

"Ang manyak mo!"

"M-mauna ka na maligo."

Akmang lalabas siya ng pinto ng sigawan ko siya.

"Isa!"

Alam ko naman na nagpipigil lang siya. Pero hindi pwede ngayon dahil hinihintay nila kami sa baba.




Sisters by Fate, Lovers by Choice [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu