15

1.8K 80 2
                                    

"I'm glad na maka balik ka dito Eloise" sabi ng ama niya

Hindi naman ako pala talk kaya ngumiti lang ako

Then we're not close duhh!!

Swerte siya!! Charizz!!

Nandito kami sa kusina at hindi ko alam kung bakit dito kami dinala e pwede naman dun sa living room na lang ede maka pag usap pa kami ng maayos

May mga katulong ng nag luluto at yan ang hindi ko alam

Baka nay lason ang luto nila dito. Mahirap na mag tiwala no!

"Hmm... Actually, I don't want to go back here pero dahil sabi ng asawa ko na may nangyaring masama kay Elline kaya sumama na lang ako" saad ko na lang

Katabi ko yung asawa ko, kibali nasa gitna siya namin ng kapatid ni Eloise na lalaki

Tapos sa bawat dulo at mag kaharap ang asawa at sa harap naman namin ay ang mga kaibigan ni Elline

"How's your life without us? Himala at hindi ka na laman ng media"

Ngumiti ako ng mapakla dahil sa sinabi ni Ellie

Yung mga mata nila ay nasa akin na. Wala naman aking paki eh, ang importante sakin ay masagot ko sila ng walang takot na dala

"Well, Hindi na ako ang Eloise noon. Since you guys abandoned me parang may natutunan na ako sa buhay" sagot ko

Napatango lang yung ama ni Eloise

Ang intense ng moment na ito hihihi but I enjoy it!!

"Mr Dunvegan, it's your birth month right?" Tanong ni Mrs Keele

Napa tingin naman ako kay Niko, kailan ba birthday ng lalaking to?

"Yeah" malamig na sagot nito

Kailan ba maging matino kausap ang isang to?

"So what's your plan?" Tanong ng ama ni Eloise

Makiki birthday siguro sila

"I don't k—"

"Actually I have a plan for my husband's birthday"

Putol ko sa sasabihin niya

Kahit di ko alam kung anong araw ang birthday niya basta kung wala siyang plano mag celebrate, aba'y meron akong plano

"Then, you can share us para mapag handaan namin" sabat ni Ellie

"Siguro sa mansion na lang ng mga Dunvegan, his friends, family's, business partner or anyone else basta kilala ang asawa ko ay welcome sa mansion" panimula ko

"Hindi kaya maging dahilan iyon sa pag sugod ng kalaban?" Isa sa mga kaibigan ni Elline

So ang pamilya nila ay isa ding mafian?

Ngumiti pa ko sa kanya

"Well, kapag ako yung may plano, walang lulusot syempre HIHIHI" saad ko

Ayaw ko namang masira ang celebration ng asawa ko. Hindi ko hahayaan na may mga kalaban niya ang maka pasok sa mansion no

"Is it okay to you Love?" Tanong ko

Wow! Pinandigan ang pagiging asawa sa isang to!

I think nilalandi ko na yung asawa ni Eloise

OPERATION PLAN: Paiibigin si Aillard Nikolaus Dunvegan para tumino!

"If that's all you want, why not?" Sabi niya

Di ba dapat kapag nag sasabi ng ganyan ay ngumingiti bakit sa kanya seryosong mukha lang ang hinarap sakin?

Ang unfair!!

Reincarnated As Stupid Wife of a Mafia BossWhere stories live. Discover now