Cool Off

2K 10 45

"Wag mong isipin na hindi ka na mahal, sarili ko'y hahanapin ko lang."

//paki-play ang "Cool Off" by Yeng C. sa media. Kamsa~//

Ano nga ba ang COOL OFF? Ito yung dalawang salita na sobrang sakit pakinggan. Totoo naman diba? Ibig sabihin kelangan niyong dalawa ng space o distansya. Kelangan niyong bigyan ng panahon ang isa't isa. Masakit pero dapat.

Ano nga ba ang mga sign na kelangan niyo ng mag-cool off ?

Unang-una, kapag pakiramdam mong may hindi na tama. Yung bumibigat ang loob mo pag kasama mo sya at parang ayaw mo ng palagi kayong magkasama. Hindi naman sa may gusto ka ng iba o kinakahiya mo sya. May mga sitwasyon kase na ganun. Yung tipong OO, mahal mo pero parang may mali. Kelangan mo ng space para makapag isip kung ano bang something ang nagaganap.

Pangalawa, yung tipong pagod na pagod ka na. Mahal mo sya, pero pagod ka na. Wag mo munang paabutin sa break up. Cool off muna para makapagpahinga ka ng kaunti. Dahil kapag cool off kayo, pwede mo pang balikan pero kapag brineak mo na agad, baka wala ka ng balikan. Oh diba masakit?

Pangatlo, yung tipong bigla ka na lng kukutuban. May something sa pakiramdam mo na mapapaisip ka kung tama bang nakipagrelasyon ka sa isang tulad nya. Kumbaga, hindi ka pa sure. Kelangan mo ng space para mag isip!

Pang-apat, yung tipong alam mo ng may mali talaga! Yung hindi na sya masyadong caring sayo. Wala ng sweetness at wala ng pagmamahal. Mag cool off kayo para marealize nya kung ano sya kapag kasama ka nya. Hndi ba? Baka malay mo, pag medyo nagpahinga ka, marealize nya na dapat inalagaan ka nya.

/sample convo/
Girl: Babe, bakit ganun?

Boy: Ano yun?

Girl: Babe, bakit ka ba ganyan? Nag iba ka na.

Boy: Nag iba? Ako pa rin naman to ah. Ako pa din to Babe, yung lalaking mahal ka.

Girl: Yung ugali mo. Nakakapagod na. Pakiramdam ko kase may mali e.

Boy: Walang mali. Okay?

Girl: Seryoso ka ba talaga saakin?

Boy: OO NAMAN! MAHAL KITA.

Girl: Bakit ayaw mong makipagpalitan ng sim card?

Boy: Ehh kase...

Girl: Hindi ko maintindihan.

Boy: Babe naman.

Girl: Natatakot ka ba?

Boy: OO natatakot ako! Sorry na.

Girl: Bakit ka matatakot? Hayst.

Boy: Dahil alam kong magagalit ka, babe.

Girl: Hindi naman kase ako magagalit kung wala kang ginagawang masama. Kung seryoso ka at mahal mo ako, hindi mo ako paiiyakin at lolokohin. Pero bakit parang iba yung nararamdaman ko.

Boy: Tama na. Aalis na ako.

Girl: Ang sabe mo hindi moko sasaktan, sabi mo di moko paiiyakin. Nangako ka na hindi mo ko iiwan!

Boy: Ang sakit na ng pinagsasabe mo e. Pinagbibintangan mo na ako. Babe naman.

Girl: Pagod na ako. Mag cool off muna tayo dahil baka marealize mo yung mga nagawa mong mali.

(Madrama ba? Real life yan. Hahahaha! Hugot! -____-")

Readers, sobrang sakit ang cool off. Once na nagcool off kayo, hindi na maibabalik ang dating closeness niyo. Yung kahit na magkaayos kayo, ibang iba na yung dati at ngayon.

Thank you for reading! ;)))

Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!