'Gaga ka talaga freshie yon'

'And so???? kunwari lang naman wahahahha'

'Pano pag walang pake'

'Ulol may pake yan pag wala libre kita ng milktea'

'Pag meron?'

'Kiss mo siya eme cream puff lang sapat na teh'

'k'

Sineen nalang din ako ni Maya pagkatapos niyang react-an ng laugh 'yung last reply ko. Puro memes lang naman kasi talaga ang dahilan ba't kami may mga Tiktok account. Tapos sila Maya at Ali ang source ko lagi dahil kada bukas ko lagpas pa sa singkwentang videos ang sine-send nila sa'kin. Love language na siguro namin 'to. Kung hindi ganito magiging jowa ko sa future, 'wag nalang.

Sobrang boring kaya binuksan ko nalang ulit 'yung TV at nanood. Kapag kaya hiningi ko 'yung details ng Netflix dito ibibigay kaya nila sa'kin? Ang mahal ng 50k, 'no! Tapos ang ginawa ko lang naman dito humiga. Dapat may libreng live band 'yung package eh. Nakakalula ba naman 'yung presyo. Literal na isang sem na namin 'yun sa MedTech.

Hindi ako makahanap ng papanoorin kaya nag-tiktok muna ako para maghanap ng recommendations. Gustuhin ko man sanang mag-aral pero wala akong notes dito. Hirap na hirap pa naman akong mag-aral pag walang highlight 'yung papel ko, parang lumalayo sa utak ko 'yung mga binabasa ko kung walang kulay. Ang hirap mag-retain kapag walang anything sa papel, pakiramdam ko hindi ako natututo.

No'ng wala pa rin akong mahanap sa tiktok, nag-settle na lang akong panoorin 'yung nasa main banner ng Netflix. 'Di pa naman ako sanay manood ng American movies. Parang nasanay na kasi 'yung mata ko na multitasking... Nabo-boring-an tuloy ako. Kaso ayaw kong mag-start ng series! Imbes na mag-aaral ako, mag-ba-binge watch na naman ako. Parang tanga. 'Di na nga ako makapag-aral dahil nandito ako sa hospital.

Magp-play palang sana 'yung movie pero biglang tumunog 'yung phone ko.

'Forgot to ask if you have allergies'

'Shrimp lang hehe'

'Is chinese food okay? Just without the shrimps'

'Oki langgg thank youuu huhu'

'Okay gotchu'

Halos ilang minutes palang nagpe-play 'yung Wild Child sa screen, biglang bumukas 'yung pinto at pumasok si Sergio na nakapagpalit na rin ng damit at may bitbit na maliit na slingbag at paper bag.

"Sorry if I took a while, had to wait the parents," sambit niya bago inilapag 'yung bag niya sa may couch at 'yung paperbag naman sa lamesa sa harapan ko. "They were in Conrad a while ago so I asked for takeouts."

Napatango naman ako at binuksan 'yung paperbag. Si Sergio naman tinulungan din akong ilabas 'yung mga food. Sobrang dami! Kinuha na nga niya 'yung isa pang lamesa tapos do'n pinatong 'yung iba. Hindi pa naman ako malakas kumain!

"China Blue?"

He nodded and smiled, "Our go-to if we're craving for Chinese food," sagot niya bago binuksan 'yung isa. "This is peking duck and here's the sauce. You get the wrap first and then spread some sauce, add the duck and the cucumber and spring onions if you'd like."

Napatango na lang ako kahit sa totoo lang tinitignan ko palang lahat ng dala niya parang automatic napapa-compute na 'yung utak ko.

"Kumain ka na?"

Sergio smiled at tumango, "Just eat what you can," sambit niya. "I checked all the ingredients. No shrimp so... you're good."

Napaawang ang labi ko.

the stars above us (medtech series #2)Where stories live. Discover now