Chapter2

1.7K 45 1
                                    


HETO na ang pinakahihintay ng lahat ang Christmas vacation. At masaya ako kasi pinayagan ako ng Mama na pumunta sa probinsya nina Drake.

"Tita, payagan n'yo na ang baby boy. Saka malay n'yo po makakita ng chiks si Renato sa pupuntahan namin," pabirong sabi ni Drake sa Mama ko habang naghahapunan kami.

"Naku, kayong dalawa talaga puro kalokohan ang nasa isip n'yo. Oo nga pala pasabi sa Nanay mo na magpapalabada kami bukas." Isang tango na lamang ang isinagot ni Drake bilang tugon sa sinabi ng Mama ko. "O, dalhin mo na itong sobrang ulam ha," dagdag pa ng mama ko.

"Naku, Tita 'wag na...."

"Hindi, dalhin mo." Wala nang nagawa pa si Drake sa kagustuhan ng Mama. Hmmm! Pakipot pa ang loko. Ang totoo alam ko namang gusto niyang dalhin ang binalot na ulam.

"Salamat po!" simpleng sagot ni Drake.

Mahirap lamang sina Drake. Ang ina nito ay isang labandera. At tulad ko matagal ng namayapa ang tatay nito. Mabuti na lang at matalino si Drake kaya nakakuha ng scholarship ni Mayor.

SABADO nang umaga ay nakahanda na ako para sa naiibang bakasyon. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako makakaranas ng tinatawag nilang Out-of-Town vacation. Sawang-sawa na ako sa mga nakikita ko sa aming bayan. Kahit ipikit ko pa ang aking mga mata hindi ako maliligaw. Ganoon ko kabisado ang buong bayan ng Pototan, isang malaking bayan ng Iloilo.

Wala sa isip ko kung saan ako dadalhin ni Drake. Ang alam ko masaya ako habang mabilis niyang pinapaharurot ang old model owner type jeep na tanging alaala ko sa aking yumaong ama.

"Putcha Bro, baka kalas-kalas na ang makina nito bago tayo makarating sa Isla."

Natuwa ako sa aking narinig. Isla? Mukhang mag-e-enjoy ako. Ang simple kong ngiti ay nauwi sa isang halakhak. "Oo nga Bro, baka hindi mo namamalayan tumilapon na tayo."

"Huwag naman! Ayaw kong mamatay na virgin pa ako," wika nito sabay kindat sa akin.

"Umiral na naman 'yang libog mo."

"Uy, nagsalita ang laging nahuhuli ng nanay na_" Hindi na niya ipinagpatuloy ang sasabihin dahil isang malakas na hampas ang ibinigay ko sa kanya. "Oppps! Loko ka ha! Mamaya mabitiwan ko ang manibela. Bro, ano nga pala ang kinakanta mo kapag naliligo sa banyo?" Sa sinabi niya ay pasamantalang nagtama ang aming paningin saka muling nagtawanan. At sabay naming kinata ang jingle namin habang naliligo.

Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang dulas, ang sarap sarappppppppp!

Kay saya ng bawat minuto. Pakiramdam ko ito na ang pinakamasayang bakasyon. Halos tumalon ako sa aking kinauupuan nang makita ko ang kanang kamay niya na pansamantalang bumitaw sa manibela at umakto ito na parang naglalaro ng patotoy.

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang laki, ang tigas

Natigilan ako sa pagtawa nang mapagmasdan ko ang buong paligid. Kay ganda ng sikat ng araw na tumatama sa buong palayan. Malinis at sariwa ang hangin. Tumayo ako. At dahil walang bubungan ang owner type jeep ay malaya akong nakatayo. Itinaas ko ang aking dalawang kamay. Whey! Ang sarap ng hangin. Nagulat ako nang inihinto ni Drake ang pagmamaneho.

"Bro, bakit? 'wag mong sabihin na na-inggit ka sa akin dahil nakakatayo ako?" usisa ko sa kanya. Nagkasalubong ang aking mga kilay nang bumaba siya ng sasakyan.

"Jingle lang ako baka kasi mapa-ihi ako sa kakatawa," tugon niya sa akin. Napangiti ako nang makita ko siyang umiihi sa palayan. May kung anong kalokohan ang pumasok sa aking isipan. At agad akong bumaba ng sasakyan at dahan-dahang lumapit sa kanya. Bigla ko siyang inakbayan at sabay turo sa hinahawakan niya.

"L-loko ka talaga!" malakas niyang sigaw sabay palag. At wala na siyang nagawa pa dahil nakita ko na ang tinatago niya.

"Bro, mukhang hindi na yata lumaki 'yan," pabiro kong sabi. Nakita ko kung paano namula ang mukha niya. Lumapit siya sa akin at akma niya akong huhubuan. At kahit alam kong mahigpit naman ang suot kong walking shorts ay tumakbo ako hanggang sa maghabulan kami na parang mga bata. Naabutan niya ako at isang malakas na batok ang natanggap ko. At muli kaming naghabulan pabalik sa aming sasakyan.

Habol ang paghinga nang maka-akyat ako ng sasakyan. Pawisan kaming pareho. At tulad ko hinihingal din siya sa sobrang pagod pero hindi hadlang ito para muli niyang patakbuhin ang aming sasakyan. Napapikit ako nang umalingawngaw sa speaker ng sasakyan ang paborito kong kanta. At muli ako napamulat nang bumilis na ang pagmamaneho ni Drake. Hindi ko maipaliwanang ang kaligayahan ko habang pinagmamasdan ko ang kaibigan ko.

Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago pag ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito

Hindi ko napigilan ang sumunod sa awitin. At dahil sa lakas ng kanta ko ay napasabay na rin si Drake. Muli akong tumayo at itinaas ang aking dalawang kamay.

Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di mo malaman ang tungo kung saan
Pero sama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko......

Akala ko mapipigil ko
ngunit lalong nahuhulog sa'yo
Magaang dalhin kay sarap lambingin
yun nga lang ay kaibigan kita

Mapalad ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad ni Drake. At hindi lang siya kaibigan dahil kapatid na rin ang turingan namin sa bawat isa. Lahat ng kalokohan magkasama kami kaya wala na kaming itatago sa bawat isa. Ganyan na kami ka-close!

Hiram Lamang (boyxboy)Where stories live. Discover now