Chapter 2

4 1 0
                                    

Nang makarating ako sa hospital ay agaran akong sinalubong ng nurse at pinuntahan namin sa OR ang mama ko, kita ko kung paanong nir-revive ng mga doctor na nandoon.

Parang nadurog naman ang aking puso nang makita si papa roon na mismong ginagawa ang lahat para mabuhay si Mama. Tumayo lamang ako doon ssa pintuan at pinanonood ang ginagawa nilang pagr-revive kay mama.

THIRD PERSON'S POV;

"Ma" rinig ko ang pag bigkas ni Maria Crisanta habang nakadungaw sa pintuan ng OR. Nabalitaan nitong nadisgrasya ang kaniyang ina, sumalpok ang sasakyan ng minamaneho ng ina nito sa malaking truck dahil nawalan daw ito ng preno. Hindi mapakali si Maria Crisanta sa pagdungaw at halos hindi nito napansin ang mga luha na tumutulo sa kaniyang pisngi mula sa kaniyang mga mata. Tapos nito ay uupo naman at itataklob ang dalawang palad sa kabuuan ng mukha at doon ibinubuhos ang pag-iyak. Nakakaawa nitong tingnan.

Maya-maya ay lumabas ang doctor, sa pagkakaalam ko ay ama niya ito. Si Doc William Scott Villanueva at ang may ari nitong hospital kabilang na dito ang inang nadisgrasya.

Dumeretso ang ama nito sa anak at sinalubong nito ng tingin pareho. Lalong naiyak at humagolgol si Maria Crisanta dahil lumingo-lingo ang kaniyang ama sa kaniya kasabay ng pagpatak ng mga luha nito. Parehong dinadama nila ang lungkot at sakit nang magyakapan ito.

Tila nadurog ang puso nilang pareho ngunit wala na silang magagawa pa. Si Crisanta ay hindi talagang matigil sa pag-iyak.

Exam day na ni Maria Crisanta ngayon at halos wala ito sa sarili na nag-aayos ng mga libro at mga papel na puno ng sulat nito habang isinisilid sa kaniyang bag.

Magmula ng mangyari sa kaniyang ina ay hindi na ito nakikipag-usap sa kaniyang mga tao sa paligid. Iniintindi naman ito lalo ng kaniyang ama.

Matapos rin ng araw na iyon ay sobrang down na down si Maria Crisanta at halos hindi na kumakain, nagkukulong sa kwarto at pinipilit na makapag review.

Ngayon ay pupunta na ito sa international school para sa kaniyang board exam. Wala pa rin sa sariling naglakad papalabas hanggang marating ang parking lot sa kanilang likod bahay at isinampa ang sarili na makasakay doon. Pinaandar nito ang sasakyan at maya-maya ay tumawag ang nobyo nito.

Hindi niya nito napansin ang tawag dahil nakavibrate ang telepono niya at wala sa sariling nakatuon ang paningin sa daan. Makalipas din ng isang araw magmula ng mawala ang kaniyang ina ay hindi niya nakausap ang nobyo, tinatawagan niya ito sa araw na iyon ngunit sobrang busy ng linya at halos text nito ay hindi nireplyan ng nobyo. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Crisanta ng araw na iyon ngunit kahit ganoon ay inintindi nito ang kabusy-han ng nobyo. Mag-isa nitong hinarap ang pagsubok na iyon sa kaniyang buhay sa araw na iyon.

Nakarating na si Maria Crisanta sa international school at dire-diretsong naglalakad papasok sa loob. Binati siya ng guard na nakabantay sa parking lot ngunit hindi ata nito narinig dahil sa malalim na iniisip.

Natapos na rin ang exam ni Maria Crisanta matapos ang ilang oras, alas dos na ng hapon ng matapos at wala na naman siya sa sariling sumampa sa sasakyan at hindi nito namalayan ang biglang pagyuko sa manibelo, doon ay tumulo ang kaniyang mga luha at humihikbi. Gulat naman itong napaiktad ng biglang napindot ng noo niya ang beep ng manibela, kung kaya nagbalik siya sa huwisyo. Pinahid niya ang sariling luha at pinatahan ang sarili sa pag-iyak. Dumeretso ito sa cafe matapos magmaneho ng isang oras paalis sa international school. Dala ang bigat ng kaniyang nararamdaman at halos hindi na alam ang kaniyang mga tingin.

Nandito ngayon si Maria Crisanta sa loob ng kaniyang kwarto, nagdadalawang-isip ito kung magsasabi sa kaniyang nararamdaman sa kaniyang nobyo. Dahil magmula nang mamatay ang ina nito ay hindi nito nabalitaan ng nobyo at walang nagsabi nito kahit sino. Walang alam ang kaniyang nobyo sa nangyari, dahil na rin sa sobrang busy ay talagang kahit sa kanilang relasyon ay wala itong oras. Ngayon lamang ay napag-isipan ni Maria Crisanta na tipahin ang telepono at tawagan ang boyfriend nito, ngunit gulat siyang naptitig dahil sa iilang missed calls at flood text ng nobyo. Hindi niya ito nasagot. Natutop niya naman ang kaniyang sarili. Tinawagan niya ang kaniyang boyfriend ngunit naka ilang ring iyon hanggang sa mamatay ang linya ay walang sumagot. Tumawag siyang muli ngunit gano'n pa rin ang nangyari, kung kaya't naisipan niyang tingnan ang message ng kaniyang nobyo. Lahat ng text ng kaniyang nobyo ay puro iyon pagd-drama, inintindi naman niya ito at nagtext na humihingi ng tawad.

Nasa gitna na ng pag aayos sa sarili si Maria Crisanta upang matulog ngunit kumatok ang kanilang isang kasambahay na halos masisira na ang pintuan nito dahil sa sobrang lakas at walang tigil na pag sigaw mula sa labas at tinatawag siya nito ng daglian upang lumabas. Naalerto naman si Maria Crisanta.

"Ma'am! Ma'am! Dalian niyo po si Sir!! Ang papa niyo po!" sigaw ng kasambahay nila. Nang buksan ni Crisanta ang pinto ay hihingal hingal ang kasambahay na babae at bumaba na sila sa labas. Nadatnan ni Maria Crisanta ang kaniyang ama na bumubula ang bibig at nakahiga sa sahig, nanlaki ang mga mata nito at natutop ni Crisanta ang sarili at natakpan ang bibig. Dali-dali niyang hinawakan ang pulsohan ng ama at inutusan ang kasambahay.

"Lorna, tawagan mo yung number ng hospital dali!!" anang Crisanta sa kasambahay at dali-dali na kumilos ang kasambahay at tinipa ang telepono doon.

"Papa, please.. keep breathing" nag-aalalang sabi ni Maria Crisanta sa ama, tumingin lamang ang ama nito sa anak at wala sa sarilin ngumiti kahit na bumubula ang bibig.

Ilang minuto lang ay dumating na ang ambulansya at dali-daling pinapasok ni Lorna ang nurse na babae at lalaki, diretso itong tumakbo sa gawi nila Crisanta at dahan-dahan na binuhat nila ang ama ni Crisanta. Umalalay naman ang anak habang pinatatatag ang loob habang umiiyak at alalang-alala na sa sitwasyon ng ama.

Sumakay at sumama si Maria Crisanta papunta ng hospital at hawak hawak nito ang kamay ng ama maging ang ulunan nito. Hindi pa rin matigil ang ama nito sa pagbubula ng bibig at ng ilang sandali ay nag BP ang isang nurse. Matapos ay hinawakan ang pulsuhan nito. Ngunit ng ilang sandaling pag-iyak ni Maria Crisanta ay tumigil na sa pagbubula ang bibig ng kaniyang ama at takang tumitig si Crisanta dito.

"Papa?" nag-aalalang ani Maria Crisanta.

"Pa? Papa?" ani muli Crisanta ngunit wala itong natnanggap na tugon mula sa ama. Iniyugyog niya ito habaang tinatawag ang ama ngunit walang tugon ito sa anak. Doon ay hinawakan ni Crisanta ang pulsuhon ng ama sa kamay at sa may leeg ngunit bigla na lamang ay nawalan ng balanse si Maria Crisanta at muntikan ng matumba kahit na nakaupo lamang ito dala na rin sa mabilis na pagpapa andar ng sasakyan (ambulansiya).

Hindi na alam ni Maria Crisanta ang tamang gawin dahil sa isip nito ay sinasabing kompirmado na niyang wala nang buhay ang ama.

"Your Crazy Love" Where stories live. Discover now