Ang Alamat

1 0 0
                                    

Noong unang panahon meron isang diwata ang nagbabantay sa isang lihim na gubat na balot ng masasarap at masasaganang mga puno ng prutas. Halo halo at iba't-ibang makukulay na bunga.

Ito ang tahanan ng Makiling ang diwata ng kasaganahan. Masayang nakikipaglaro kasama ang mga hayop sa gubat

Matagal ding naging payapa ang kaniyang paraiso, ngunit hindi nagtagal nagkaroon din siya ng hindi inaasahan bisita.

Isang binata galing sa labas ng gubat. Nagulat ang binata sa kaniyang nakita na punong na puno ito ng mga bunga, hindi makapaniwala ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita, siya ay natakam sa mga naglalaguang mga prutas. Dali dali siyang dumampot at kumain ng bunga sa puno, siya ay gutom na gutom at tuwang tuwa.

Ngunit hindi nag tagal siya ay nadiskobre ng Makiling. Kumulog at nag-itim ang kalangitan, nagalit si Makiling dahil sa kaniyang pagnanakaw at biglaang papasok sa kaniyang gubat.

Natakot ang binata, agad rin siyang humingi ng tawad at sinabing siya daw ay taga-kabilang baryo at gutom na gutom, siya daw ang naglakbay para hanapin ang ma-alamat na gubat ng Pinilakang Putik. Dahil sa isang delubyo na kaniyang naranasan.

Sila daw at inaatake ng mantinding tagtuyot na halos kitilin na sila ng araw sa kawalan ng ani at tubig na tanging alikabok at buhangin nalamang ang kailangan kainin. Malayo ang kaniyang nilakbay kaniyang daing, siya ay humihingi ng tulong sa Diwatang si Makiling. Bagkos ang kaniyang pamilya ang at mga kaibigan ay nagdurusa na sa isang malupit na delubyo.

Awang awa si Makiling sa kwento ng binata inalalahayan at pina balik siya na may dalang bunga nga kaniyang paglalakbay, siya daw ay bumalik at ihatid ang mga tao sa kaniyang tahanan, para sila ay magsalo-salo at magkasiyahan.

Makalipas ang ilang linggo nagkabalik ang binata kasama ang kaniyang gutom na gutom na baryo, mga bata at matatanda ay agad ang binigyan ng pagkain at tubig, pinagaling ang may sakit, at binigyan lakas ang mga taong mahihina, pinuri at minahal siya nga kaniyang mga tao tinuring siyang diyosa ng mga tao, Isang magiting na tagapagligtas ang maalalamat na si Makiling.

At sila ay masayang nagsama-sama sa loob ng mahabang panahon.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 23, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Ang MakilingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora