Tumango ako. "Ano ba pa itatawag ko sa 'yo?"

Naka-tingin siya sa akin na bahagyang naka-kunot ang noo kaya kinunutan ko rin siya ng noo. Ano ba trip nito? Parang okay naman kagabi tapos biglang may topak na naman? Masyado namang maaga para maging menopausal siya?

"Fine," sabi niya na parang pinag-isipan pa niya nang mabuti kung itutuloy niya ang outreach program niya.

Ngumisi ako. "Salamat!" sagot ko.

Medyo naiinis din ako sa pabago-bago na mood swings niya pero ayoko siyang sabayan. Kapagod. Bahala siya d'yan. Basta ang bago kong motto sa tao na 'to ay unless sabihin niya directly sa akin na may problema siya o kung anuman, chill lang ako. Masyado na akong maraming iniisip para isama ko pa ang pabago-bago niyang mood doon.

"Zoom na lang ba?" tanong ko kasi originally lunch kami pero umuwi na siya.

"Sumasakit nga mata ko," sagot niya.

"Fine... Saan ba? 'Wag malayo. Kakatamad magcommute."

Umirap siya. "Nanghihingi ka na naman ng Gcash?"

Inirapan ko rin siya. "Bibigyan mo ba ako?"

Sumandal siya sa may paanan ng couch niya. Nakaupo kasi siya sa sahig. Mukhang doon siya nagta-trabaho o kung anuman ang ginagawa niya. Sinuklay niya rin iyong buhok niya gamit ang mga kamay.

"Tinatamad akong magdrive," sabi niya.

"Di naman kita pinagddrive," sagot ko.

"Sendan kita ng Grab," sagot niya. "Nakakahiya naman sa 'yo. Baka mainitan ka sa commute," sabi niya na ramdam na ramdam ko iyong sarcasm.

Nagka-jowa na kaya iyong taong 'to? Kung meron man, sigurado ako na nakapa-haba ng pasensya ng taong 'yon... Kasi paano niya natatagalan 'tong si Atty. Marroquin? Madalas parang ang sarap niya itapon sa ilog!

"Siguraduhin mo lang na naka-charge 'yan sa credit card mo at baka bigla akong pagbayarin ng cash. Layo-layo ng condo mo."

Binwisit pa ako ni Atty. Marroquin. Kinailangan ko na na tapusin iyong FaceTime dahil malapit ko ng i-google kung paano ko siya masasakal through the phone.

Agad akong nag-ayos nung nagsend siya sa kin ng tracking link nung grab.

'Ito na, mahal na prinsipe.'

'Di yan cash ha!'

'Hindi pero dala kang cash just in case.'

Lecheng 'to! Ang layo nung condo niya tapos naka-grab ako?! Tapos baka ako pa pagbayarin? Hamak na working student lang ako! Sana pinag-Angkas niya na lang ako!

Dahil wala akong tiwala kay Atty. Marroquin, pagdating na pagdating pa lang nung sasakyan ay tinanong ko agad kung bayad na ba 'yon. Bayad naman daw. Salamat naman kasi nung tinanong ko kung magkano, almost 700 pesos kasi rush hour!

Grabe... maging Valedictorian na rin kaya ako gaya niya para sa future ay afford ko na iyong condo niya sa 42nd floor at 700 pesos na Grab ride?

Pagdating ko sa condo niya ay nag-log-in ako sa guest book. Dumiretso na ako sa elevator dahil naitawag na pala ni Atty. Marroquin na dadating ako. Malamang kasi tamad 'yon. Asa pa ako na babain niya ako sa lobby para sunduin.

Pagpasok ko sa condo niya, agad akong nakaramdam ng gutom kahit busog pa naman ako roon sa sandwich na nilibre ni Niko.

"Magoovernight ka ba dito?" tanong niya na may weird expression sa mukha. Baka natatae siya.

"Laptop saka notebook at reviewer," sabi ko kasi nakatingin siya sa backpack ko. Bahagya siyang tumango. "Kasama ba ako sa lunch mo o papanoorin lang kita?"

Alter The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon