Chapter 15

353 8 3
                                    

Deilla

Problemado ako habang nasa labas ng disciplinary office. Kanina pa kami naghihintay rito sa labas pero hindi pa rin sila lumalabas hanggang ngayon.

"Ano na kayang nangyari?" bulong ko kay Luisa.

"Hindi ko rin alam. Kanina pa sila sa loob. Ito kasing si Kuya, e!"

Bumuntong hininga ako at sumulyap sa mga kaibigan ni Alaric. Medyo malayo kami sa kanila. Kanina pa sila nag-uusap. Habang tumatagal, mas lalo akong nakokonsensya... at nahihiya.

Tama ang sinabi ni Boyett kanina. Intern na si Alaric, graduating na. Hindi maganda na mukhang magkakarecord pa siya ngayon. Paniguradong maganda at malinis ang record niya sa school, kaya mas lalo akong nanlulumo na maaaring mabahiran iyon dahil sa akin.

Sa ilang buwan kong nakilala si Alaric, hindi mahirap maintindihan kung gaano niya binibigyang halaga ang pag-aaral niya. Tuwing nagkukwentuhan kami, palagi niyang sinasabi na gusto niyang makapagtapos para sa mga pangarap niya, at para sa pamilya niya. I liked that about him. In fact, it was what propelled me to study harder, too.

"Ang hirap n'yan, baka matanggal pa siya sa Latin honors! Kapag may record na, ligwak na!" iling ni Boyett.

Umawang ang labi ko. Mas lalo akong hindi mapakali.

"P-Pwede kayang pumasok sa loob? Ako na lang ang magpapaliwanag..." nanginginig na ang boses ko.

"Hindi yata pwede, Deilla. Sila lang ang pinapasok. Paparating na ang parents namin, siguro tinawagan na rin 'yong kay Alaric."

Napakurap-kurap ako. Nakakahiya sa mga magulang ni Alaric! Ako ang pahamak sa kaniya! Ako ang hadlang sa mga mithiin niya!

Without thinking twice, I started walking to the disciplinary office. Hindi pwedeng nakatayo lang ako rito, nakatunganga habang naghihintay sa kanila. I need to do something, especially that I'm the root cause of this mess!

"Deilla! Saan ka pupunta?!"

"Anong ginagawa ni Deilla?" tanong ni Morrigan kaya napatingin din ang ibang kaibigan sa akin ni Alaric, naalarma.

Luisa followed me behind but before she could pull me back, I had already opened the door. Lahat sila sa loob ay gulat na napatingin sa akin. Iritado akong tinignan noong Dean.

I don't think I could do this without the adrenaline. So while I still have it rushing in my body, I spoke up.

"Deilla," nag-aalalang tawag ni Alaric.

"What do you think you're doing? Hindi kita pinapasok dito!"

Hindi magkaintindihan ang sekretarya ni Dean. Nakikita ko sa kaniya ang udyok na palabasin ako, pero hindi niya magawa para sa hindi malamang dahilan.

"I-I just want to... clarify things... about what happened earlier," I said clearly, because I wanted everyone to hear what I intended to say.

Kumunot ang noo ni Jude. Umamba si Alaric na tatayo at paalisin ako pero inunahan ko na siya.

"Wala pong kasalanan si Alaric Olavidez. Hindi po siya ang nagsimula ng gulo. Bigla na lang po siyang sinugod at nanlaban lang siya bilang depensa sa sarili."

Jude scoffed. Dumapo ang mga mata niya kay Luisa na kararating lang sa tabi ko. He looked at her in disbelief. Napabuntong hininga si Luisa at pumikit nang mariin.

I know this is hard for her, but I'm not here to defend Alaric just because I like him. I'm telling the truth the way it is. And sometimes, telling the truth could really hurt somebody, especially when they're on the far side of it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Dusk Kisses Dawn (Rancho dela Roca Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon