Chapter 12

198 2 0
                                    

Alaric

Pabalik-balik ang tingin ko sa mga mata niya, sinusubukang basahin siya... sinusubukang intindihin siya.

She went out of her way to explain to me. Oo at naging malamig nga ako kanina. Hindi ko napigilan. Nakipagpalit ako ng table sa kasama ko dahil ayaw ko nang magawi sa table nila Deilla at Jude... habang ganoon ang pinag-uusapan nila.

Wala naman silang ginawang mali sa akin pero pumakla ang pakiramdam ko. Hindi ko gustong maging malamig at mailap kanina pero wala akong ganang makisalamuha.

Iniisip niyang galit ako sa kaniya. Nasanay siguro siya na ako palagi ang waiter sa table niya — at hindi ko siya masisisi dahil sinasadya ko nga namang makipagpalitan sa mga katrabaho ko maliban kanina. But then, did she really have to wait for me here? Para saan? Para sabihin sa aking hindi niya sinagot si Jude?

Na may iba siyang gusto. Na magboboyfriend siya... pero iba.

Hindi ko maipagkakailang nakaramdam ako ng kaginhawahan na marinig sa kaniya iyon. Pero lamang ang kuryosidad ko sa kung sino ang tinutukoy niya, at mas lalong lamang ang takot para sa maaaring sagot.

"Hindi mo na kinailangang pumunta rito ng ganitong oras. Hindi ako magagalit sa 'yo dahil doon," namamaos kong sinabi.

Napakurap siya. Kung hindi ako nagkakamali, nakitaan ko ng dismaya ang kaniyang mukha. Tila may inaasahan siyang iba mula sa akin.

Tumikhim ako. I knew she was leading me to something... she most probably wanted to me to ask who she was talking about. But I didn't bite. Or more like... I was afraid to bite.

Magkaiba ang mundo naming dalawa. Anak siya ng amo ko, trabahante nila ako. Iskolar ng nanay niya. Being the only daughter, I know just how protective the dela Rocas are to her. They would definitely want someone... her equal.

I'm hardworking. I take my studies seriously, and I have my plans for my future carefully laid out in my mind. Pero sa sistema sa panahon ngayon, talong talo iyon ng pera.

At paano nga kung sabihin niyang... ako ang gusto niya? Gusto ko rin siya. Alam kong kapag narinig ko sa kaniya iyon, hinding hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Pero tamang panahon ba ito para pagtuonan ko ng pansin ang ganitong bagay?

May sakit si Papa. Hindi maayos ang lagay ng pamilya namin ngayon. Ako ang inaasahan na katuwang ni Mama. Nasa kalagitnaan ako ng internship. Hindi kalaunan, aalis ako ng rancho para maghanap ng trabaho sa Maynila... at dalhin ang pamilya ko roon.

Ilang buwan na lang, makakapagtapos na ako at gusto kong pagtuonan ng pansin ang career ko. Gusto kong matupad ang mga pangarap ko... ang mapabilang sa isang prestihiyosong firm... ang makakuha ng malalaking proyekto... ang makita ang mga proyekto ko sa malalaking lungsod. Gusto kong iahon ang pamilya ko sa hirap.

Hindi ko lang ito pinangarap habang lumalaki. I am fully committed to it... that I work and study hard to achieve all of it.

I'm in the middle of probably one of the biggest turning points in my life. Do I have time for this? Or more like... is this the right time to fall in love?

"Hindi ko gusto si Jude," ulit niya. "May iba akong gusto..."

Tumikhim ako at unti-unting tumango. Tila tinutulak niya ako sa dulo ng bangin... at kung hindi ko pipigilan ang sarili, tuluyan akong mahuhulog.

"Umuwi ka na, Senyorita. Ihahatid na kita. Baka hinahanap ka na."

She looked stunned. Napaiwas ako ng tingin dahil alam ko sa sarili na alam ko ang iniisip niya. Alam ko ang gusto niyang gawin ko.

Till Dusk Kisses Dawn (Rancho dela Roca Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon