Chapter 14

391 3 1
                                    

Alaric

Ang tagal kong pinigilan ang nararamdaman ko para kay Deilla. Pero nitong mga nakaraang araw, tila nawala ang lahat ng pag-aalinlangan ko.

Kahit pa tila hindi ko makontrol ang nararamdaman ko, ayaw ko pa ring biglain si Deilla. Wala siyang karanasan sa mga ganitong bagay. Bilang bunso ng pamilya, may pagka sheltered siya. Nanliligaw na ako sa kaniya at buo ang loob kong hintayin kung kailanman niya ako sasagutin. Isa pa, kailangan ko ring kausapin ang mga magulang niya.

"Hoy, Alaric!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Tumatakbo si Morrigan palapit sa tambayan namin sa school. Sa likod ng library, sa ilalim ng puno, at malapit sa canteen.

May klase kami ni Boyett mamayang ala una. Dito kakain sila Morrigan ng tanghalian nang nabalitaang nandito kami sa campus.

"Oh? Kumusta ang quiz?"

"Basic!" naupo si Morrigan sa tabi ko.

"Huh? Basic?" sabay pa sila Vickie at Martha nang sinabi iyon.

Natawa si Boyett. "S'yempre, basic lang 'yan kay Morrigan! Baka top 1 'yan sa regionals ng MTAP noong high school!"

Sinamaan siya ng tingin ni Morrigan. Napangisi ako, naaalala na napilitan lang siyang sumali roon.

Bumuntong hininga si Martha at naupo sa tabi ko sa bench. Sa kabilang gilid ay si Morrigan. Magkatabi naman sa kabila sila Boyett at Vickie. Hawak ni Boyett ang mini fan ni Vickie habang kumakain siya.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Martha.

"Oo, Martha. Saktong ala una ang pasok namin."

Tipid lang na ngumiti si Martha. Simula noong birthday ko, tila matamlay siya. Bumuntong hininga ako, iniisip kung anong pwedeng gawin sa sitwasyon naming dalawa.

Kindulit ako ni Morrigan. Nilingon ko siya.

"Hoy, ikaw. Anong mayroon sa inyo ni Senyorita?" nang-aakusa niyang bulong.

Taga rancho rin si Morrigan. Halos kapitbahay lang namin ang pamilya nila. Magkaibigan na kami simula pagkabata at wala yata akong maitatago sa kaniya.

"Nanliligaw ako kay Deilla," diretsahan kong sagot.

Naramdaman kong medyo naestatwa si Martha sa gilid ko. Saglit lang nanlaki ang mga mata ni Morrigan pero agad ding nakabawi.

Hinintay ko na sabihin niyang ang kapal ng mukha ko, o na ang tayog ng pangarap ko, dahil pareho naming alam kung gaano kaprotective ang mga dela Roca kay Deilla. Himala kung magustuhan nila ako para sa anak nila. Alam ko na 'yon pero... gusto ko pa ring subukan. Magsisikap ako – for my family, and to deserve Deilla.

"Sinasabi ko na nga ba, e! Anyway, good luck!" ngumisi siya.

"Hindi ka ba... nagdududa?"

"Nagdududa kung sasagutin ka?" lito niyang tanong.

"Nagdududa kung karapat dapat ba ako para kay Deilla," I swallowed hard.

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman hindi?"

Tinutop ko ang labi ko. Agad niyang nakuha ang sinasabi ko.

"Dahil ba mayaman sila at trabahante ka nila?" tanong ni Morrigan. "Hindi ka mayaman pero hardworking ka! Matalino, responsable, at may plano sa buhay! Daig niyon ang mayayaman niyang manliligaw!"

I bit my lip. Lumalim ang iniisip ko, nangangamba na hindi ako magustuhan ng mga magulang niya. Maayos ang relasyon ko kay Don Adelio. Magiliw siya sa akin... pero pagdating sa anak niya, ibang usapan iyon.

Till Dusk Kisses Dawn (Rancho dela Roca Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon