Chapter 2

371 11 1
                                    

Alaric


"Uy, Alaric, p're!" sigaw ni Boyett mula building ng registrar nang matanaw akong palapit.

Kumaway-kaway pa sa akin ang gago. Umiling ako at pinaypay ang hawak na envelope sa sarili habang naglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Sabayan pa ng mga babaeng bumabati sa akin kaya mas lalong nagiging marindi ang paligid. Napabuntong hininga ako nang nakarating na sa buildng at nakasilong.

"Ang tagal mo! Kanina pa ako rito! Hindi ako makapila dahil gusto ko sabay tayo!" reklamo niya.

"Ba't mo pa kasi ako hinintay?" tinulak ko siya dahil dikit na dikit siya sa akin.

Sinulyapan ko ang mahabang pila sa registrar. Huling linggo na ngayon para mag-enroll sa panibagong taon kaya dagsa ang mga tao. Ngayon lang ako nagkalugar dahil halos araw-araw ay nag-aangkat sa rancho. Isa pa, kumuha rin ako ng raket sa isang maliit na restaurant malapit sa rancho para dagdag kita na rin.

"E, ikaw 'yong gusto kong tumingin ng grades ko, e. 'Di ko kayang tignan! Baka talsik na ako sa engineering dahil sa second sem noong nakaraang taon!"

Napailing ako sa kanya at tinulak siya sa may pilahan. May nabangga pa siyang ilang babae na napatingin sa amin. Nakasimangot nang lumingon, at pagalit na sanang magsasalita ngunit nang nakita kami ni Boyett ay umamo ang kanilang mukha. Ang dalawa ay nagsikuhan pa.

"Sorry," Boyett apologized.

"Okay lang," namula ang pisngi noong babae sabay iwas ng tingin.

Nilingon ako ni Boyett at bahagya akong tinulak. Tinulak ko ang kamay niya sa aking dibdib at tinuro ang unahan. Umabante na ang pila pero hindi siya umula kaya nagreklamo ang mga nasa likod. Natawa ako.

"Ang iinit naman ng ulo ng mga tao rito," natatawang bulong sa akin ni Boyett.

"Gago," natawa ako at tinulak siya.

Nang sa wakas ay kami na ang susunod, hindi mapakali sa pagtayo si Boyett. Tinulak niya ako para ako ang maharap sa mataray na registrar.

"Ikaw na kumuha ng card ko!" utos niya sa akin.

Bumaling ako sa registrar. "Robert Besin at Alaric Olavidez, BSCE 3-1."

Malakas na nagtipa ang registrar habang ngumunguya ng bubble gum at hinahanap ang pangalan namin sa desktop niya. Nilingon ko si Boyett na hindi mapakali sa tabi ko. Maya-maya pa ay binigay na sa akin ang dalawang card, pati na rin ang dalawang kopya ng enrollment form na fifill-up-an namin bago magtungo sa cashier.

Lumayo kami sa pila para makagulo at naupo muna roon sa sementadong bench sa building. Hindi na mapakali si Boyett samantalang kalmado lamang ako. Inabot ko sa kanya ang card pero ibinalik niya sa akin iyon.

"Ikaw na ang tumingin kung pasado ako o hindi! Kaya nga kita hinintay, e!"

I glared at him and opened his card first. Mariin siyang pumikit. Hindi ko rin siya masisi na ganito ang kanyang reaksyon dahil mahirap nga naman ang naging ikatlong taon namin sa engineering.

I scanned his grades. May dalawang 2.25, at ang mga natira ay kung hindi dos ay 1.75 na. Napangisi ako, masaya para sa kaibigan dahil nakita kong nagpursigi talaga siya nitong nakaraang semestro.

"Ano? Ano?! Ba't tahimik ka? Bagsak?!" maingay niyang tanong, hindi makatingin sa card niya.

"Pasado, gago," sabi ko at sinalampak ang card niya sa kanyang dibdib.

Nanlalaki ang kanyang mga mata at tinignan ang card niya. Boyett is actually smart – not in theoreticals but in practical applications. May mga tao talagang ganoon. Hindi magaling sa libro, pero mahusay ang kamay gumawa. Nanalo pa nga sa competition ng engineering department ang ginawa niyang scale model ng isang building na earthquake proof na ang pundasyon. Pulyido siya gumawa.

Till Dusk Kisses Dawn (Rancho dela Roca Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon