CHAPTER 26 [Island part 9]

48 45 0
                                    

Kluen  POV*

Palubog at patapos nanaman ang araw. Hanggang ngayon ay wala parin talaga akong maalala. Isang kwintas ang napansin kong suot ko. Kanino naman kaya galing ang isang ito? Tiningnan ko itong mabuti. Saan ko ba kasi ito nakuha. Sino ang taong nag bigay nito sakin

"Mag isa ka lang ba? " tanong ng isang lalaki na nakatayo sa tabi ko.

Matangkad ito at may itim na itim na kulay ng buhok. Napaka amo ng kaniyang mga mukha. Ngunit bago siya sa paningin ko.

Hindi ko alam Kung sino siya. kanina pa kasi ako rito nakaupo At kanina pa ako nakamasid sa dagat. Habang nag iisip kung kanino galing ang kwintas na suot ko. Ni hindi ko nga napansin na may tao dumating pala.

Tumango lamang ako bilang pag tugon rito.

"Ako nga pala Haeji" aniya sabay haya ng kamay. Hindi ko alam kung makikipag kamay ba ako o hindi. dahil hindi ako basta basta humahawak sa isang tao. lalo na kapag hindi ko naman kilala.

"Klowni" pagpapakilala ko na hindi inihaya ang kamay.

"Pwedeng umupo sa tabi mo? " aniya.

Muli akong tumango bilang pag tugon. Sa pag kakataon na ito. parang unti unti kong nakakalimutan ang lahat ng mga nangyari ngayong araw.

"Ngayon lang kita nakita rito. Bago ka lang ba? " - Haeji

" Bago?" hindi ko alam kung bago lamang ako sa lugar na ito. dahil wala talaga akong maalala.

"Sorry. Napakadaldal ko na siguro sa dami ng tanong ko sayo"
-Haeji

"Hindi naman" maikling sagot ko rito.

" Ang totoo ay wala kasi akong matandaan sa mga nakaraan ko" dagdag ko.

" Ay ganon ba. Btw Desperas bukas sa fiesta pupunta ka ba? "
- Haeji

"Oo"

"Hmm. Pwede ba kitang i invite sa bahay namin" - aniya na nakatingin na ngayon sa akin.

"Sure " nakangiting sagot ko.

Tutal naman ayokong makita si janon bukas diba hahaha. may dahilan ako para hindi siya makita.

Saglit pang nanahimik ang buong kapaligiran.

" Saan ka nga pala nakatira?" tanong niyang muli.

"Diyan lang sa tabi tabi" syempre hindi ko pwedeng sabihin yung exact location noh. Baka mamaya kidnapper pa toh edi nasundan ako.

Pero impossible naman yata. Napakapogi niya para maging kidnapper.

Kung kidnapper ka sige kidnapin mo ang puso ko at wag mo ng patakasin pa chariz.

Tumawa siya ng mahina.

"Palagi ka dito? " ako naman ang nagtanong sa kaniya.

"Hindi naman. Paminsan minsan lang kapag gusto kong mapag isa" he said then chuckled.

"Mag kaiba pala tayo"

"Eh ikaw. Bakit ka pumupunta rito? "
He asked me

"Kapag may iniisip ako haha"

" So you mean. may iniisip ka ngayon kung bakit ka nandito? "
-Haeji

Marites din pala tong si haeji ano.

"Yes. Pero ayoko ng alalahanin pa hahah"

"Kakaiba ka rin talaga miss Klowni. Kanina ay parang malalim ang iniisip mo. Ngayon naman tumatawa kana"
- Haeji

"Ganon naman kasi dapat hindi ba. Gaano man kalalim ang iniisip mo huwag mong hayaan na malunod ka nito" wika ko habang nakatingin sa dagat.

"Wait malulunod yata ako. Tulungan mo nga ako klowni! "
- Haeji

Pag bibiro nito.

"Para kang sira haha"

" lalim ng sinabi mo"
-Haeji

Muling nanahimik ang buong paligid. parehas kaming nakatingin sa dagat ngayon. May kadiliman na rin at lumalalim na ang dagat.

"Sir Haeji tara na po!"Sigaw ng isang matandang lalaki na nakatayo sa di kalayuan. "Sige ho manong paki antay lang ho ako saglit riyan! "

"hmm yung sumigaw si manong Fernan. kasama ko siya palagi sa tuwing aalis ako" - Haeji na nakatingin pa sa kinaroroonan ni manong fernan. "Btw klowni mag kita nalang tayo bukas sa Simbahan" Aniya ng nakangiti at tsaka nag paalam na. Naiwan naman akong nakaupo parin.



Juen POV*

Kanina ko pa napapansin na parang aligaga itong si janon. Ano bang nangyayari sa kaniya. Kanina pa siya palakad lakad sa tapat ng pinto. Hindi ba siya nahihilo. Ako kasi kanina pa nahihilo kakasunod ng tingin sa kaniya.

"Uy janon. Mag tigil ka nga diyan! Kanina pa ako nahihilo sayo"

"Why?"

Abat nag tanong pa si g*go. kanina pa
umiikot ang paningin ko kaka balik balik niya.

"You no hindi mapakali is that you"

PAK!

"Aray!" sabay tingin sa likuran. "Mali English mo! " sulpot ni Ellie."Ikaw nga mag paliwanag hyst!" hinatak ko si ellie at iniharap kay janon.

" Y-yow. yo-Tagalog nalang kasi orb hirap mag english" - Ellie sabay tingin nito sakin. "Ikaw kasi janon. Bakit ba kasi hindi ka mapa-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang dumating si miss everything.

"Bat ngayon ka lang " tanong ni janon rito.

Eh??

(¬_¬)

I smelled something fishy.

Kaya pala kanina pa siya aligaga. Hindi kaya ehe-mmm sabi nga nila the more you hate the more you love. (♥ω♥ ) ~♪

"Orb?"
-Ellie

Grabe ako yata ang kinikilig sa kanilang dalawa.

"Orb!"
-Ellie

"Ay palakang mukhang pwet ng manok! "Gulat na sigaw ko ng marinig ang malakas na boses ni Ellie malapit sa tenga ko.

"Wow ha pwet ng manok talaga orb! "

"Isa pang sigaw mo ellie sasabog yang mukha mo! " Pananakot ko rito. Humina tuloy pandinig ko. Walang hiya talaga tong si Ellie eh.

"Eh kasi naman orb. Kanina ka pa nakatulala tapos ngumingiti diyan. Para kang adik" nandidiring aniya.

"Isa pa talaga ellie sasabog kana"
Sabay tingin dito ng nanlalaki ang mga mata.

"Sabi ko nga mananahimik ako. Tara na nga " - Ellie

Ngayon ko lang napansin na kami nalang palang dalawa ang nasa labas. Mga walang hiya yun ah matapos kung maging concern iniwan ako ng walang pasabi.

( ̄へ ̄)

Pumasok na rin kami sa loob. Habang papasok ay panay ang tingin ko sa dalawa. Para kasing may something talaga sa kanilang dalawa. Ano kayang tinatago ng dalawang to. Hindi kaya..... teka kinikilig yata ako.

Itanong ko kaya kay janon mamaya. Ay wag na pala baka magalit. Alam niyo naman iyon si insan napaka sungit.

Tama kayo mag pinsan nga kami ni janon. Kaya naman palagi kami ang magkasama niyan. Ibinilin din kasi siya sakin ng mom niya. Ayoko namang sirain yung pangako ko kay tita. At isa pa napaka lapit sakin ng mom niya.


@AkdaNiClara

 UNEXPECTED FAN MEET Series #1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu