CHAPTER 20 [Island part 3]

81 59 0
                                    


Kluen

**********

Palubog na ang araw malapit ng mag gabi at dahil wala naman na akong nararamdaman na kahit ano, nag presinta akong samahan si nanay cosette na mag luto. narito kami ngayon ni nanay cosette sa tabing dagat nag iniihaw ang isdang uulamin namin para mamaya.

Habang kausap naman ni boy manyak si juen. napansin ko na parang ang bilis nilang maka close ang isat isa. Parang matagal na silang magkakilala halos kanina pa kasi sila mag kausap. At tsaka isa pa kanina pa sila panay tingin rito sa pwesto namin. Parang may pinag uusapan sila na kung ano.

"Kamusta ang pag ihaw mo riyan ineng, okay lang ba hindi kaba riyan nangangawit kaka paypay " pabirong pag tatanong saakin ni tatay lardo na kararating lamang " Yes ho tay lardo" agad na tugon ko naman rito " Oh siya at papasok muna ako sa loob kayo na munang bahala riyan ni cosette" aniya sabay pasok sa loob ng kubo.

Medyo kanina pa nga ako nangangawit rito. tagaktak narin ang pawis ko na kanina pa dumadaosdos sa noo ko.

Ibinalik ko ang attention ko sa pag pay pay ng iniihaw na isda. Maya maya pa ay nagulat na lamang ako ng may tumabig saakin " Ako na " ani nito sabay agaw saakin ng pamaypay na hawak ko " Naks janon dumadamobs" rinig kong bulong ni juen sa isang tabi.

Bumulong pa naririnig din naman "="

Hinampas naman ito ng pamaypay ni manyak boy.

Iniwan ko muna sila para umupo sa isang tabi. nag punas ako ng pawis na kanina pa tumatagaktak dahil sa init
" Hi miss everything " bungad na bati nito saakin. Tumango ako bilang pag tugon sa bati niya " Pwedeng umupo sa tabi mo " aniya tumango akong muli bilang pag sang ayon.

" Thanks! " ani nito sabay umupo sa tabi ko, Malawak naman ang upuan kaya kasya naman kami " Hmmm ehem kamusta kana pal- este kamusta ka miss everything? " pag tatanong nito saakin " Okay lang naman ikaw kamusta pakiramdam mo? " pag tanong ko rito dahil may benda pa ang mga braso nito.

" Ako? okay na okay ako miss everything ako pa ba " aniya sabay smile pa na parang wala siyang nararamdaman na kahit ano mang sakit sa katawan " Nakakabilid ka rin ano, kahit naka benda pa yang braso mo napaka confident mo" nakangiting ani ko rito.

Tumingin ako ng diretso sa dagat, napaka gandang tanawin lalo na pag gabi. Yung mga isla na matatanaw mo mula rito sa kinauupuan namin at mga bituwin na nagsisiliwanagan sa langit.

Kahit napaka lalim ng dagat, may mga isla paring nakalutang roon. May mga tao kaya sa isla na naroon.

"Anong tinitingnan mo? " tanong muli saakin ni juen " Yung isla sa gitna ng dagat" sagot ko rito " Ay oo nga noh ngayon ko lang napansin"

"Maganda noh ang sarap tingnan" nakangiting sagot kong muli rito " Mas maganda ka parin" banat nito na ikinalingon ko " Nakakalukong tingin naman ang ipinukol nito saakin.

PAK!

"Aray! Sino yon?" daing ni juen ng may tsinelas na tumama sa ulo niya. Sabay kaming napalingon sa isang gilid kung saan nakatayo ang isang babae na kasing edaran lang din namin " Ahh ikaw pala ha! " ani ni juen sabay tayo na hinihimas pa ang parte ng ulo na tinamaan ng tsinelas.

Tumayo ako para pigilan ito dahil baka sugurin niya ang babae. Ngunit hindi ito nag pa pigil at dire diretso lamang sa pag lalakad papalapit sa babae.

"Tek-" pag pigil ko na hindi na natapos

BLAGGGG!

Aguy jusko po nahuloggg! Log! Log!

Pipigilan ko sana siya, may nakita kasi akong hukay sa direction na pupuntahan niya. Kaya lang ay huli na, agad na nilapitan namin ito na ngayon ay nakasobsob sa buhanginan.

 UNEXPECTED FAN MEET; Series #1✓Where stories live. Discover now