CHAPTER 2

149 104 5
                                    

Kluen POV             
         
Agad na mapatakbo akong makita ko ang nilalang na nakahoodie kanina, ang buong akala ko pa naman ay nakaalis na ito dahil hindi ko na ito mahanap pa.

Buti na lamang ay hindi ako umupo dahil kung nakaupo ako roon ay sa malamang hindi na ako nakakaalis pa ng buhay.

Sa ngayon ay nandirito na ako sa bahay, katatapos ko lang kumain ng dinner.

At ngayon ay inaayos ko na ang hihigaan ko, para makapag pahinga na kaagad ako, sobrang sakit na kasi ng likod ko gawa siguro ng pagkakahulog ko kanina sa kanal.

Jusmeyo marimar napapangiwi pa ako sa tuwing gagalaw, mukha yatang nabaliaan ako.

"A-aray aray naman kuya Alyon! "

Daing ko ng matama sa pintuan ang likod ko ng bigla itong buksan ni kuya Alyon.

"Ano ba kasing nangyari sayo uwen?"

"Wala kana roon kuya"

Sagot ko rito hindi ko sinabi ang totoo dahil baka asarin lamang ako nito kapag sinabi kong nahulog ako sa kanal.

"Baka rayuma lang yan uwen!

Sigaw pa ni kuya alyon ng makalabas ng kwarto ko.

"Cheee!"

Kahit kailan talaga napaka pang asar ni kuya, kita niyo yun hindi ko na nga sinabi na nahulog ako sa kanal naasar padin ako ng gurang na yon.

Maya maya lamang ay natapos narin ako sa wakas mag ayos ng higaan, kaya nakahiga narin ako sa malambot kong kama.

At maya maya lamang din ay bumigat na rin ang talukap ng mga mata ko.

KRING! KRING!

Nagising ako sa alarm clock na nasa gilid ng kama ko, agad na tumayo ako para makapag handa na sa eskwela.

"Ma, Nasan si kuya alyon?"

"Kaalis lang may dadaanan pa raw siya, kaya nauna na"

〒_〒

Itchusera talaga ang gurang na iyon ni hindi manlamang ako isinabay, sa malamang ay makikipag kita lang iyon sa girl friend niya.

Wala tuloy akong kasabay sa pag pasok.

╯﹏╰

Bigla kong naalala yung kahapon, hindi kaya inaabangan na ako nun para ipapatay o kaya baka ipa kidnap ako.

╯﹏╰

Iniisip ko kung papasok ba ako o hindi, dahil baka pag hindi ako pumasok ay bumagsak naman ako sa exam namin ngayon.

Kung hindi lang masungit ang teacher namin doon ay baka umabsent nalang ako.

"Ah eh ma? Pwede ba akong sumabay sayo? "

"Ay naku anak, magka ibang direkston ang pupuntahan natin baka ma late tayo parehas pag nagkataon"

Ay oo nga pala.

Kasalanan to ni gurang eh, kung isinabay niya ako hindi sana magkakaganto.

Maya maya pa ay nag paalam na din saakin si mama na aalis na siya, kaya naman nag bihis na rin ako para hindi ako ma late sa klase.

Inayos ko na ang mga gamit kong dadalhin at maya maya lang ay nag simula na rin akong maglakad.

"Hysst bakit ba kasi ganto, Napakatahimik naman ng daan na to"

≥﹏≤

Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay sumulpot na lamang ang taong iyon sa harapan ko.

 UNEXPECTED FAN MEET Series #1Where stories live. Discover now