Simula

171 4 0
                                    


Chubby

Tilian at hiyawan ang madidinig mo mula rito sa kinaroroonan ko. Napa angat ang tingin ko sa isang stadium malapit sa pinagtatrabahuan ko. Doon nagmumula ang hiyawan at tilian.

"E-X-O We Are One!!'

Mayroon mga malalakas na tunog na hanggang dito sa kinaroroonan ko ay madidinig. Mukhang nagbibigay na sila ng ment base sa naririnig ko.

"Thank your for coming, EXO-Ls!"  The one guy said.

"EXO-Ls are pretty." The familiar voice said.

I smiled a bit. Even I can't see him I know his voice. His angelic voice. Kahit ilang taon na ang nagdaan ay hindi ko pa rin makakalimutan ang kanyang boses. Parang saulo ko ang lahat sa kanya at dala dala ko hanggang ngayon.

"Kyaaaaaa! Kim Minseok! Kim Minseok!" Tili ng mga fans.


"Na Hee, makintab na yan pinupunasan mo." 

Napatingin ako kay Ji Woo. Isa sa katrabaho ko sa restaurant malapit sa stadium kung saan nagco-concert ang sikat na boy band group na EXO.

Tumingin siya sa stadium at ngumiti na akala mo'y nangangarap.


"Sayang at mahal ang ticket tapos sold out na agad! Next time talaga mag-iipon ako! Gusto kong makita si Jongdae!" Kinikilig na sabi ni Ji Woo.

"Are you fan of them?" Tanong ko.

Tumingin ito sa akin na akala mong may mali akong sinabi. "Duh! Taga-bundok ka ba Na Hee? Lahat ng mga ka-edad natin fan na fan ng EXO!" Sabi niya.

Hindi na ako kumibo at kinuha ko ang basahan at nilagay ko sa lalagyan. Nagtungo ako sa storage room. Pagkasara ko ng pinto ay nilabas ko ang isang picture. Picture namin ni Kim Minseok. Nakasuot siya ng makapal glasses at mahaba ang kanyang buhok na halos matakpan na ang kanyang mukha.

Kung titingnan mo siya ngayon ay hindi mo maipagkakaila na ang laki laki ng pinagbago niya. He's not Kim Minseok I know. He's Kim Minseok from EXO. The popular boyband group in Korea and Worldwide.

"Na Hee, tawag na tayo ni Boss! Mag-uuwian na daw yung mga fans sa stadium baka dito magsi- kainan." Sigaw ni Ji Woo mula sa labas.

Kaagad ko tinago ang picture sa suot kong apron at lumabas na. Naging abala kami dahil maraming fans ang nagtutungo sa restaurant namin after concert.

Paglabas ko ay nakita ko ang ibang crew na pinapalabas ang ibang costumers. Humihingi ng paumanhin. Bakit kaya?  Napatingin ako kay Ji Woo na kinikilig sa tabi. Nilapitan ko siya.

"Bakit pinapalabas ang ibang costumer?" Tanong ko.

Hindi naman lahat ang pinapalabas yung mga costumer na tapos na at nagkukwentuhan lang.

Kinikilig na binalingan ako ni Ji Woo. Para siyang nanalo sa Lotto sa itsura niya pa lang.

"Dito raw kakain ang EXO!" Kinikilig niyang sabi.

Wala na ako nadinig sa sinabi ni Ji Woo. Nagblanko agad ang isip ko. Hindi naman sila rito nag-didinner kapag natapos ang concert nila. Bakit ngayon rito sila kakain?

"Nadidinig mo ba sinasabi ko, Na Hee?" Niyuyugyog na niya ako.

Nabitawan ako ni Ji Woo nang dumating ang manager namin. Pinapila kami. Wala sa sarili akong sumusunod. After ten years magkikita kami ni Minseok. Iniiwasan ko talaga na magkrus ang landas namin at ngayon ay magkikita kami.

"Namumutla ka ata, Na Hee?" Puna ni Ji Woo.


"Huh? P-pagod lang.." Hilaw na ngisi ko.


FlippedWhere stories live. Discover now