CHAPTER 12: Amazons

Magsimula sa umpisa
                                    


Napalingon ako kay Aragon na nakaupo sa may hindi kalayuan, pinagmasdan niya ang paglipad palayo ni Fangless. Kanina pa niya ako hindi kinakausap ng maayos, and it bothers me. Nung una ko siyang nireject hindi naman niya ako iniwasan ng ganito. Tumayo ako at pasimpleng lumapit sa kanya.


"Thank you," bulong ko, hindi man lang siya lumilingon sa akin.


"What for?" cold niyang tanong kasabay ng pagpulot ng bato tsaka niya ito inihagis palayo.


"For saving us, hindi ko alam na may iba ka palang kakayahan." I said. Hindi niya ako sinagot. Tiningnan ko siya, napansin kong may sugat siya sa kanyang braso. "Oh God, you're hurt!" Umupo ako at inilabas ang panyo ko sa aking bulsa, itinali ko ito sa braso niya upang takpan ang kanyang sugat.


"Leave it," utos niya pero hindi ko siya sinunod.


"Are you okay?" I asked facing him. His brown eyes met mine.


"I'm fine," muli siyang umiwas ng tingin. He stood up and walked away from me. Sinundan ko pa din siya. Umupo siya sa may malaking bato, I sat beside him.


"You don't seem to be good," I touched his face but he slapped my hand and grabbed me by my arm.


"Do not touch me, who the hell do you think you are?" Nagulat ako sa ginawa niya. Galit ba siya sa akin dahil nagsabi ako ng totoo sa kanya na may iba akong gusto? Ganun na lang ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya? Naramdaman kong tumulo ang aking mga luha.


"I'm sorry," I looked down as tears rolled down my cheeks. Tumayo ako at tumakbo palayo. Narinig kong tinawag niya ang aking pangalan pero hindi ako lumingon. I covered my face with both hands and cried.


Ilang saglit pa ay naramdaman kong may humila sa akin. It was him, Aragon. He grabbed my chin and wiped my tears with his thumb tsaka niya ako niyakap.


"I'm sorry I was rude," he whispered, humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. "Mahal lang kasi kita kaya masyado akong nasaktan. Sorry," dagdag niya.


"Aaaaaah," he suddenly exclaimed, kumalas siya sa pagkakayakap. Napahawak siya sa kanyang leeg. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang may tinanggal siyang nakabaon sa kanyang leeg, it looks like a needle.


Napalingon ako sa paligid, may nahagilap ang aking mga mata na hugis ng tao na nagtatago sa likod ng isang malaking bato. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay nakaramdam ako ng pagtusok ng karayom sa aking leeg.


"Yeri," mahinang saad ni Aragon. Ilang segundo lang ay bigla na lamang siyang natumba sa aking harapan. Nakaramdam na din ako ng pagkahilo. At bumagsak na din ang katawan ko sa lupa. The needle was poisoned. We're not alone in this place.

****

POINT OF VIEW: Bridget Maxride


Nagising ako sa ingay. May mga naghihiyawan na parang tribo.


Bigla na lamang may umatake sa akin kanina.


Napahawak ako sa aking ulo. Medyo nahihilo pa din ako.


"Bridget!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Ayos ka lang ba?" si Yeri. Nahimasmasan ako nang makita kong nakatali siya sa isang poste. Napatingin ako sa aking katawan, maging ako ay nakatayong nakatali sa isa ding poste. Sa tingin ko ay hapon na pero maliwanag pa din. Hinanap ko si Claudea, wala pa din siyang malay, nasa tabi siya ni Yeri.


"Nasaan tayo?" nagpapanic kong bulong sa kanya.


"Hindi ko alam." Tiningnan namin ang paligid. May mga tents and huts, it's like an encampment, ang buong akala ko ay walang naninirahan sa lugar na ito. Napatingin ako sa may gitna ng area, nandoon sina Aragon, Alastair at Dylan, nakatali ang kanilang mga kamay. May mga nakapalibot na mga torch sa kanila. May lumapit na isang babae at sinindihan ang mga ito.


"cemo poceti oracion!" sigaw ng isang babae. Naghiyawan ang lahat. Hindi ko alam kung tribo ba sila. Hindi ko maintindihan ang salita nila. Their clothing is made from furs and skins from animals, may mga hawak din silang armas like spears and axes.


Lumapit yung babae kay Dylan na ngayon ay gising na. Napakurap ako nang makitang nag-iba yung kulay ng mga mata nung babae. May mga itim na ugat nanagsilabasan sa kanyang mukha. Nanginig ako sa takot. "What are they?"


Hinawakan nung babae si Dylan sa kanyang chin. "Hutangina wag na wag niyo akong gagalawin!" Dylan exclaimed. Nanlalaban siya.


"Ja cu kontrolirati svoj um , da cete uciniti ono sto ja kazem..." narinig kong binanggit ng babae, bigla na lamang naging mahinahon si Dylan. And next to that...Dylan started to kiss the girl.


"Anong nangyari? What the heck did she do with Dylan?"


"H-hindi ko a-alam, mind manipulation?" nangangatog kong sagot. Nakita kong naghubad ng saplot yung babae. "Shit, don't tell me..."


"Fuck," narinig ko ang boses ni Alastair. Dahan dahan niyang ini-angat ang kanyang mukha. For some reason, kinabahan ako para sa kanya. Alam kong hindi siya normal na tao...na may kakaiba siyang kakayahan matapos ang lahat ng nakita ko kanina...pero, wait concerned na ba ako sa kanya?


Habang hinuhubaran nung babae si Dylan at nakikipaghalikan ito ng matagal at agresibo, may isa namang babae ang lumapit din kay Alastair.


"Ja cu kontrolirati svoj um , da cete uciniti ono sto ja kazem..." muli kong narinig ang binanggit na orasyon nung isang babae kanina. Kalmadong tumingin si Alastair sa babae na nasa kanyang harapan ngayon. Dahan-dahang inilapit nung babae ang kanyang mukha kay Alastair. She kissed him like he was hers.


Nakaramdam ako ng inis nang makita kong tumugon din ng halik si Alastair. Pinakawalan nung babae si Alastair sa kanyang pagkakagapos. Alastair slid her hand on the girl's breast.


"I can't look at it," bulong ni Yeri. "Baka sumunod na si Aragon." Nagsimula na siyang umiyak. "Oh God, ano ba itong nangyayari sa amin."


Naiiyak na din ako ngunit mas ramdam ko ang galit. I don't know why! Honestly, it's weird. Muli akong napatingin kay Alastair.


"Come back to your senses, arrogant perverted bastard! Alastair wake up!"


I could not believe myself I shouted those words.

****later****

COMMENT.VOTE.FOLLOW

Thank you sa support. Labyu all. <3 Bless you. PS: pagpasensyahan ang spacing ganyan talaga pag sa tab nagaupload ng update.

Dead Man's Secret ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon