Hanggang sa maka-uwi ako. Iniisip ko kung anong ibig ipahayag ni Seth. Alam kong gusto niyang ako ang makatuklas. Pero ano nga ba talagang purpose ng lahat ng prosesong iyon?

Matapos kong ipark ang kotse ay pumasok na ako ng bahay. Kinabahan ako bigla kasi walang kailaw-ilaw. Binuksan ko ang ilaw sa salas at tinungo agad ang kwarto ni Kath. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko ng hindi ko siya nakita doon.

Tumakbo akong papuntang kwarto ko. Nakahinga ako ng ayos nang makita kong himbing na himbing sila sa pagtulog.

Hinalikan ko si Kath sa noo niya pati rin si Jordan. Nagbihis na ako ng pambahay dahil magluluto pa ako ng hapunan. Hindi ko na gigisingin si Kath kasi alam kong mas pagod ang nararamdaman niya kesa akin.

Paglabas ko nakita kong naka-upo si Jordan at nagkukusot ng mata.

"Good Evening Jordan." bulong ko sa kanya.

"Dada." tinaas niya ang dalawang kamay niya akmang nagpapabuhat.

Dahan dahan ko naman siyang inangat para hindi magising si Kath. Inayos ko ang kumot ni Kath saka kami bumaba.

Iniupo ko si Jordan sa high chair niya. Kumuha ako ng biscuits para habang nagluluto ako may ngina-ngata siya.

"Stay there ok? I'll cook dinner for Mommy." hinalikan ko ang pisngi niya saka ako pumunta ng ref para kumuha ng mga sangkap.

Lulutuin ko ay bulanglang or pumpkin soup para sosyal. Pero simple lang siya at walang cream. Iyon ay lutong gulay galing sa Batangas. Nagsaing na din ako. Inihiwalay ko ang pangalawang hugas ng bigas kasi iyon ang gagamiting sabaw.

Habang hinihintay kong maluto parehas ay umupo muna ako sa tapat ni Jordan. May nakita akong clip ng damit sa ibabaw ng ref, lumapit ako kay Jordan at kini-clip ko sa buhok niya. Humaba na kasi.

"Tumataba ka na talaga anak. Paniguradong bigat na bigat sa'yo ang Mommy mo." tumingin siya sa akin at napangiti ako kasi ang cute niya kahit puros amos ang paligid ng bibig niya.

Naalala ko ulit ang sinabi ni Seth. Tsk.

"Ano kayang ibig sabihin ng Ninong Seth mo? Ano ba talaga ang purpose noon? Bakit nga ba nanliligaw ako?" sabi ko habang pinupunasan ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Mama mi." bulalas ni Jordan.

"Ang mommy mo ang purpose?" itinaas niya ang dalawang biscuit, circle iyon. Kaya nag-form ng parang "oo".

"Po? Oo? Hayy. Bakit nga ba sa'yo ako nagku-kwento. Hindi mo naman naiintindihan si Daddy eh. Wait baby, ihahanda lang ni Daddy ang dinner ni Mommy tapos gigisingin natin siya."

Nilagay ko sa magkahiwalay na bowl ang sabaw at kanin. Binuhat ko na si Jordan at umakyat kami papuntang kwarto.

Kathryn's Point of View

"Gisingin mo si Mommy. Ha?" narinig kong nagsalita si DJ sa may left side ko.

My God, nakatulog ako. Tsk.

Naramdaman kong may pumalo sa muka ko. Sakit!

"Aray!!" napabangon ako habang sapo ang left cheek ko.

"Jordan!! Bakit mo pinalo si Mommy? Tsk." umupo siya sa tabi ko at hinilot ng marahan ang pinalo ni Jordan. "Masakit pa ba?" namula ako kasi ang lapit na ng muka niya sa akin.

"H-hindi na. Ahm. Mag-luluto na ako ng dinner. Usog ka muna." tumayo siya at inalalayan pa ako.

Bubuhatin ko sana si Jordan pero inunahan na ako ni DJ. Sabay-sabay kaming bumaba papuntang kusina.

Napatigil ako kasi may luto nang pagkain.

"Sana ginising mo ako para hindi ka na napagod sa pagluluto." umupo siya sa tabi ko habang kanlong si Jordan.

"Hindi, ayos lang. Wala masyadong ginawa sa opisina. Kain ka na. Gusto mo ba ng pritong tilapia? Ipag-hahanda kita. O tuyo bagay dyan sa sabaw. Wait ipagluluto kita." tumayo siya sa kinauupuan niya pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"Daniel, hindi mo ito kailangang gawin. Ako ang nagtatrabaho sa'yo kaya ako dapat ang gumawa ng mga ito." umupo ulit siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw ang nagtatrabaho sakin oo, pero ikaw ang mahal ko. Kaya dapat lang pagsilbihan kita." akmang hahalikan niya ang kamay ko pero agad kong binawi.

"DJ, sigurudo ka bang mahal mo talaga ako?" tumitig siya sa mata ko.

"Mahal kita. Sigurado ako." napa-iwas ako ng tingin sa sinabi niya. I feel so guilty again. "Can I ask you something?" tumingin ako ako sa kanya at tumango. "Mahal mo din ba ako?" shit.

"I..."

~'~'~'~'~

Votes, comments and being a fan is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora