Kabanata 17

772 19 1
                                    

Kabanata 17

Macy

"Macy, hindi ka pa ba kakain?" Kanina pa tawag nang tawag sa akin si Archie dahil lampas na ng oras ng tamang pagkain. "Malamig na pagkain mo."

"I am going to wait for Mayor Silas." I kept on telling them but they kept on insisting that I should just eat because Silas told us to eat.

E! Matigas ang ulo ko kaya bakit ko siya susundin? Saka gusto kong magpabebe sa kanya ngayon. At the same time, I want him to feel that I am serious about our relationship even though I wasn't really serious.

Magpapanggap na lang din naman ako ay lulubusin ko na para tuluyan siyang mahulog sa akin at mahihirapan na siya kung sakaling isagawa ko na ang plano ko. Hindi ko rin naman sigurado kung seryoso siya sa akin. I might be just his past time.

"Yiee. Concern na concern talaga kay Mayor." Siniko ako ni Uno sa tagiliran habang inaasar ako. "Ikaw ha. May lihim ka talagang pagtingin sa kanya, ano?"

"Shut up." I rolled my eyes. "It is just hindi pa siya kumakain mula kaninang breakfast. Paano kapag nahimatay siya dyan? Nakakahiya naman tapos ang dami pa niyang kakausapin. Puno ang schedule niya hanggang gabi tapos lilipad pa tayo mamayang madaling araw para bisitahin ang mga nasalanta ng bagyo."

"Kasalanan mo rin kasi. Hindi mo tinimplahan ng gatas tapos hindi mo sinabayan kumain kaya hindi tuloy kumain." Si Ron ang nagsabi, ngiting-aso.

"Huh? Why me? Why does it look like it's my fault? Hawak ko ba ang plato at kutsara?" Masungit na sabi ko sa kanila.

"I guess so. Napansin lang namin na sa one week na hindi mo pagsabay sa kanya sa breakfast ay hindi niya nauubos ang pagkain tapos hindi rin nagalaw ang baso niya ng gatas kaya kasalanan mo," paliwanag ni Uno.

I blinked while pointing at myself, pretending that it doesn't make sense. "Okay, I don't get it."

"Wala naman. Just an observation," Uno shrugged, smiling at me.

Tinaasan ko siya ng kilay at naghihintay ng sasabihin niya pero wala na rin siyang sinabi. Tapos itong si Archie at Henrich naman ay pinipilit pa rin akong kumain to the point na nag-offer na silang subuan ako. Anong akala nila sa akin ay bata?

"Fuck you, guys!" I showed them my middle finger. "Get lost."

"Just try this one. I cook this," ani Henrich habang sinusubo sa bibig ko ang kutsara na may lamang kanin tapos ulam na kare-kare.

"Favorite mo 'to, 'di ba?"

"Imbento ka naman. Sino nagsabi?"

Medyo maingay na kami roon sa gilid pero wala pa namang nakakapansin dahil busy rin silang lahat na magpack ng mga goods na dadalhin sa mga nasalanta ng bagyo sa kabilang rehiyon. Sila kasi ang mas naapektuhan kaya gusto rin tumulong ng mga Valle gamit ang sariling pera nila.

That is also why I wasn't able to eat breakfast with Silas these few days. Actually, kasalanan din naman niya dahil siya ang nagsabi na sumama ako sa mga pinsan niya na babae na magpack ng mga goods para raw makilala ko sila.

As if we are going to last forever. Well, he is my boss so I just said yes. His family doesn't even know that we are dating...yet.

"Try mo na nga kasi." Pamimilit nila. Kukunin ko na nga sana ang kutsara para isubo sa sarili ko kaso napansin ko si Silas na nakatingin sa gawi ko. Nasa kabilang side kasi siya kausap ang mga pinsan niya.

Bilang isang demonyong nilalang ay hinayaan ko si Archie na subuan ako.

"Fuck it." I immediately threw up near the trash bin upon tasting the food. "It's so salty."

CASA VALLE #1: Trapped by the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon