'Ah,' reply niya. Impossible na ganito na 'to kabilis kausap. Naka-titig lang ako sa screen. After a few seconds, lumabas na iyong typing bubbles. Sinasabi ko na nga ba na hindi pwede na ganon lang ang sagot niya. 'Dapat ba parang baby ka kapag kakausapin?'

Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ko iyong salitang baby.

Sa dinami-dami ng salita sa English dictionary, bakit baby pa ang napili niyang salita?!

Tsk! Madadagdagan na naman iyong Google search ko.

'Ewan ko sayo,' sagot ko sa kanya bago pa kung san mapunta iyong sasabihin niya. Mas okay kausap 'to si Atty. Marroquin kapag alanganing oras. Parang buang siya kapag normal na oras. Dami sigurong trabaho sa office.

'San ka ba pinakahirap? Obli?'

'Yes,' sagot ko habang iniinom iyong iced coffee ko. At least mas relaxed na ako ngayon kahit subukan niya akong bwisitin.

'Kailan ulit midterms?'

'In two weeks.'

'Exact dates?'

'Ayan. Okay na?' message ko sa kanya pagkatapos kong i-send iyong mismong calendar ng midterms na post ng school namin.

'Thanks,' he replied. 'Needless to say, you should still study on your own. I can see you Friday night to Sunday night for the review since malapit na iyong exams mo.'

'Di ba abala sa work mo?'

Grabe naman kasi. Bilang public lawyer, ang dami niya kayang ginagawa. Monday to Friday diretso 'yon. Tapos gusto niya, Friday night hanggang Sunday night ay tutulungan niya ako? Wala na siyang time magpahinga non.

Pahaba na nang pahaba iyong Google search ko.

'Di naman. Mas kailangan mo ng tulong.'

Hayop na 'to.

'Magtthank you na sana ako kaso buti di ko sinabi.'

'Sa personal mo na lang sabihin.'

'Di ako nagtthank you sa personal. Shy type ako.'

'Di halata. Kahit sa personal, makapal mukha mo.'

'Sa yo lang kasi epal ka.'

'I see.'

Nanlaki iyong mga mata ko nang mapansin ko na 30 minutes na pala ang lumipas! Puro kapahamakan lang talaga ang dala sa akin ni Atty. Marroquin! Pagdating ko tuloy sa office, tinanong ako ni Judge kung san ako nanggaling. Kinailangan ko pang galingan iyong pag-arte ko na may LBM ako at masakit ang tiyan ko. Naawa ata sa akin kaya pina-uwi na ako agad.

Sobrang nakaka-tempt kung didiretso na ba ako sa bahay o pupunta sa school. Ethics lang naman subject ko ngayon. Kapag umuwi ako, pwede rin naman akong mag-aral don... Saka hindi naman sigurado kung papasok si Sir. Medyo pala-absent kasi 'yon.

Hmm... Sa bahay na nga lang ako mag-aaral tutal deserve ko rin naman magpahinga.

Pagdating ko sa bahay, nagluto agad ako ng pagkain para hindi na ako bababa mamayang gabi. Malapit na talaga akong bumili ng sarili kong microwave at ref.

'Coverage niyo ng midterms ay Obli lang?'

'Yes. Mamaya mo na isipin. Willing to wait. Unahin mo clients mo. Sayang tax ng mga Pilipino.'

'Nagrequest ng resched yung prosecution. Bakit naman kita uunahin kaysa sa mga mamamayang pilipino?'

Kapal talaga ng mukha nito! Imbes na makapagrelax ako ay binu-bwisit na naman ako.

Alter The GameWhere stories live. Discover now