Sumunod na lang rin ako sa pagpasok sa loob ng resthouse. Ang mga tauhan na nila Zares magpasok ng mga gamit namin.

"Athena! Sayo muna si Baby Eiv, please." Nakatingin lang ako sa kapatid ko habang sinasabi niya ang katagang iyon. Bakit parang feeling ko may something sa lahat ng kilos nila? Para silang may pinaplano lahat.

"Oh, sure! Baby, come to Tita Mommy."

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso nalang sa kwartong nakalaan para sakin. Actually, lahat kami ay may kanya-kanyang kwarto. Malaki naman kasi tong resthouse nila Zares. Ang mga parents namin ay doon sa resthouse namin manatili.

Siguro nagtataka kayo kung bakit kami nagbabakasyon? Wala lang, to take a break lang. Ang mag-asawang Zares at Kaede ang may pakana ng lahat ng ito.

Athena

Nilalaro ko lang si Baby Eiv dahil may gagawin daw sina Kaede at Zares. Buti nalang hindi mailap sa ibang tao ang baby nila kaya madali lang sakin pakisamahan si baby Eiv.

"Tita mwami, ahh!" Dala-dala ni Baby Eiv ang cup na may lamang ice cream at sinubukan niya akong subuan kaya ngumanga ako.

"Yum! Yum! Yum!" Nguya ko sabay kurot sa pisngi ni baby na madungis na dahil sa ice cream.

Nang matapos, kumuha akong tissue para punasan ang madungis na pisngi ni baby. "You happy?" Tanong ko.

Tumango-tango naman ang bata. "Yesh! I'm hapwi!" Aw, so cute!

Galing sa kitchen, pumunta kaming living dahil nandun sina Astheria at Levin. Si Teri at Nally naman ay nasa garden yata. "Hey, baby!" Bati ni Astheria.

"Hi!" Bati pabalik ni baby Eiv.

Umupo kami katabi ni Astheria at kinandong ang bulilit. Si Levin naman ay seryoso lang na nanonood ng TV sa tabi ni Astheria.

"Tita, I want Tito pwogi." Biglang kalabit sakin ni Eiv.

"Tito Pogi? Who's that, baby? Tito Levin ba?" Tanong ko habang nakaturo kay Levin na napataas ang kilay. Pero nagtaka ako dahil umiling ang bata. "Ha? Teka, tanongin ko mommy mo. Sis, pakibantay muna si baby Eiv." Ang dami ba naman kasing Tito ni baby Eiv.

Umalis muna akong living para puntahan sana si Kaede. Sakto namang napadaan din si Kaede kaya tinawag ko muna. "What is it? May ginawa ba si Kaezryll?"

"Wala naman. May sinasabi lang siya. Sino ang tinutukoy niyang Tito Pogi? She wants her Tito Pogi daw eh. I'm a bit confused kasi puro naman mga gwapo ang mga Tito ni baby Eiv." Napasimangot ako.

Natawa si Kaede kaya mas lalong nagtaka ako. "She's pertaining to Kuya Daren." Sabay ngiti ng may kahulugan.

"Um, g-ganun ba..." Oo ng si Daren! Bakit nawala siya sa isip ko?

"Pasensya ka na, Athena. Sobrang close lang kasi ng anak kong yun kay Kuya. Pwede bang pakidala nalang muna siya kay Kuya. He's upstairs, second room." Pakiusap ni Kaede. Of course, who am I to refuse the cute little kid?

"Ano ka ba, walang problema yun!"

"Pasensya na..."

"Kaede, no worries. Wag mo ng alalahanin yun, hm? It's not a big deal, anyway."

"Thank you so much, Athena! Bye muna, pupuntahan ko sina mommy sa kabila." And she winked at me before she left.

Ako naman, nagtatakang bumalik sa living. "Baby, let's go to Kuya Pogi na."

"Yey!" Daling yumakap sakin si baby Eiv kaya natatawang binuhat ko siya.

Nagpaalam kami sa dalawa at umakyat na ng hagdan. Habang papaakyat ako, pakaba ng pakaba ang nararamdaman ko kaya  napalunok ako. Kalma ka lang, Athena. You're just here because of baby Eiv, okay? And I thought you want him back? Bakit tila nauurong ka ata ngayon? It's time to talk to him, right? Bahala na sa kung anong maging reaksyon niya.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now