Chapter 8

18 14 0
                                    

Nakarating kami sa Mall nauuna mag lakad yung dalawa sa unahan ko habang ako naman naka sunod lang sa kanila. Tumitingin sila sa Boutique ng mga damit at nag punta na rin kami sa National Bookstore. May bibilhin kase si Penny na gagamitin nya sa next na pasukan. Ka sunod naman kami ni Jeff.

"Matagal pa naman ang pasukan bakit na bili kana agad ng mga gamit?" tanong ni Jeff habang tinutulungan si Penny mag hanap ng magandang Notebook.

"Eh kase hindi pwedeng biglain ko ang pag bili ng mga gagamitin ko. Nagpapa dala kase ako ng pera kila Nanay. At kapag naman tinabi ko yung pambili baka kalaunan magastos ko lang din." sagot ni Penny.

"Pero kase kasama natin ngayon si Marco...kaya naman okay lang kahit dagdagan mo ang bibilhin mo." sabi ni Jeff bago tumingin sakin. " Nandito rin naman ako".  Bulong pa ng loko. Hindi naman din sya narinig ni Penny dahil abala ito.

"Ayy nako hindi na...nakaka hiya na rin kilala tito at tita. Tapos pati kay Marco magpapa bili pa ko ng kailangan ko? Kaya ko naman pag ipunan". sabi ni Penny sabay lingon samin ni Jeff.

"Eh kung ganon...edi ako ang mag babayad ng iba mong bibilhin."  malakas ang loob na sabi naman ni Jeff.
Aba naman minsan ang himala ay nasa puso ng tao ha. Napa ngisi tuloy ako.

"Yun naman pala Penny. Dahil nandito naman ako at si Jeff... sige kami ang mag babayad ng iba mong kailangan para makatipid ka".  sabat ko naman habang naka ngiti.

"Oo tama yun. Kami ni Kuya Marco mo ang bahala sa iba. Tapos kain na rin muna tayo bago umuwi. " naka ngiting sabi ni Jeff. Ha! anong kaming dalawa ang tinutukoy nya? Sya lang ang pag babayarin ko.

At yun na nga ang nangyari pumili si Penny ng ilan sa mga extra na kailangan nya at binayaran naman ni Jeff. Masama ang tingin sakin ni Jeff habang naka upo sya sa harapan namin ni Penny. Ako naman naka ngiti sa harapan nya.

Naisipan namin na dito na lang sa Foodcourt kumain para sabi nga ni Jeff..makaka tipid.

"Salamat nga pala Jeff sa paglibre mo sakin sa mga gamit ko. Wag ka mag alala babawi ako sayo pag nag ka extra ako. Ililibre din kita. " sabi ni Penny habang binubuksan ang paper bag.

"Hindi na okay lang yun..tsaka kung may balak kang bayaran ako kahit di kita sinisingil..siguro pag mayaman kana.." natatawa na sabi ng tukmol.

"Sige basta babawi ako. Sayo din Marco.  sabay tingin sakin ni Penny.

"It's okay..I don't mind. Basta pag butihan mo lang sa pag aaral". sagot ko naman bago uminom ng tubig.

"Tsaka syempre mag enjoy ka din. I enjoy mo lang ang buhay at pag aaral".  sabat naman ni Jeff. Aba naman talaga. Akala mo talaga mabuting estudyante sya. Kung may basher man ang tukmol na to? Aminado akong ako na yun.

Nagpaalam muna ko sa dalawa na pupunta muna ko ng C.R. Pero bago ako maka punta dun may napansin ako. Babae na naka puting hoodie jacket, may suot na itim na backpack , Naka pantalon na itim, naka hair bun ang itim nyang buhok, may naka sabit na headphone sa leeg, at may dala rin syang gitara na naka sabit sa likod nya. Napapa tingin sa kanya ang mga nadadaanan nya. Nasa kabilang banda sya kaya medyo malayo ako. Pero kahit saang banda mapapa tingin ka sa kanya pag naka salubong mo at mapansin sya.

Hindi ko masyadong makita ang mukha nya pero parang pamilyar. At yung tibok ng puso ko ng mapansin ko sya...yung tibok ng puso ko sa tuwing nasa malapit yung babaeng gustong gusto ko makita.

Kaya naman pinag patuloy ko ang paglalakad. Hindi patungo sa Cr. Kundi ang hakbang patungo sa kanya.

Sigurado ako. Dinadala ako ng tibok ng puso ko sa kanya. Sya lang ang nag papatibok ng puso ko ng ganito. Sya yun at naniniwala ako.

Binilisan ko ang lakad ko kase nawawala na naman sya sa paningin ko gaya ng dati. Sa dami ng tao ay nahaharangan na sya. Nakaka bangga na ko pero hindi ko magawang mag sorry.

Ang gusto ko lang ay makita sya ulit. At sana maka usap.

Nakita ko syang Huminto sa pag lalakad. Pero naka talikod sakin. Huminto rin ako saglit bago mag simula ulit na humakbang patungo sa kanya.

Ilang hakbang na lang malalapitan na kita. Ang sabi ko sa isip ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.

Pero napahinto rin ako agad ng sa kinatatayuan nya ay may lumapit..lalaki.

Nilingon at hinarap nya ang lalaki na matangkad, naka suot ng pormal attire. Naka polo na blue at naka tupi ang manggas nito hanggang braso. Naka tuck in ang polo sa black na pantalon nito.

Nahulog ang puso ko ng niyakap sya ng lalaki. Ganun din ang ginawa nya. Yung yakap na parang namiss nila ang isat isa.

Hindi na ko naka alis sa kinatatayuan ko kahit na makita ko na tumingin sya sakin. Naka tingin sya sakin. Nakita nya ko. Hindi ako maka paniwala.
Kaso binalik nya din ang tingin nya sa lalaking yumakap sa kanya. Hindi ko man nakita ang mukha ng lalaki na niyakap nya...nakita nya naman ako.

Patuloy na naka tayo kung saan ko sya huling nakita. Nawala na sila sa paningin ko. Tumalikod ako paalis ng mall at dumiretcho sa parking lot. Nag text na lang ako kay Jeff na nasa parking lot na ko at dito ko na lang sila hihintayin.

Sa loob ng sasakyan iniisip ko yung nangyari. AFTER one year nakita ko sya ulit. Akala ko ang huling beses na makikita ko sya ay yung naka sabay ko sya sa LRT. At sampung buwan bago yun nangyare. Tapos ngayon naman nakita ko sya ulit after one whole fucking year. At hindi lang yun. May kasama syang lalaki, niyakap pa nga nya eh. Sa mismong harapan ko.

Pero ano naman Marco!?

Sino ka ba Marco sa akala mo!? Sa tingin mo may pakialam sya sa nararamdaman mo!?. Hindi ka nga nya kilala. At sa tagal ng panahon ngayon ka lang ulit nya tinignan sa mata.

Ang tanga! Bakit hindi ko man lang naisip at hindi man lang talaga pumasok sa isip ko na pwede yun!. Hindi pumasok sa isip ko ang mga what if's .

What if nung una ko syang makita sa bus meron na syang boyfriend!?

What if nung nakita ko sya sa LRT sila parin ng Boyfriend nya!?

What if nakita ko sila ngayon dito sa Mall after one year tapos kasal na pala sya sa iba!??

What the fuck!?? Bakit hindi pumasok yun sa isip ko? Masyado ko bang inisip na gusto ko lang syang makita? At pano kung makilala ko sya tapos ang problema mahal ko nga kaso may iba na pala!?

Para tuloy akong naiiyak sa sobrang pagka badtrip. Sino ba nag pa uso ng WHAT IF na yan!? sa tingin ba nya nakaka tulong yan sa mental health ng tao!! kaasar.

Pinatong ko ang mga braso ko sa manibela at pinatong ko rin ang ulo sa braso ko. Nakayuko at para kong bigla na lang naligaw.

Pero may mga What if's naman na hindi nakaka sakit masyado diba? Gaya na lang ng...

What if yung niyakap nya na lalaki Kaibigan nya pala? Kung ganun nakaka badtrip naman at napaka friendly nya. Pero sa bagay nag papahiram nga sya ng pera sa taong hindi nya kilala.

What if Boyfriend nya pala yun o kaya asawa? Grabe parang mas lalong nakaka badtrip kung ganun nga. Parang naghihintay lang ako sa wala.

What if Kapatid nya yun? Kuya nya? OO Tama!!!! Sa lahat ng what if ito ang hindi nakaka badtrip!

Oo tama! Hindi ako pwedeng mag conclude agad habang hindi ko napapatunayan na ganun nga.

Pero paano ko naman yun malalaman? Kung naabot ng sobrang tagal bago ko ulit sya makita. Sana makita ko ulit sya. At pina pangako ko sa lahat ng bato sa buong mundo. Na once na magtagpo ulit ang landas namin..

Tatakbo na ko palapit sa kanya

 My Perfect StrangerWhere stories live. Discover now