Chapter 1

56 19 5
                                    

Sinag ng araw na tumama sa aking mukha ng magising ako isang umaga. Grabe ang antok ko dahil sa puyat kagabi dahil na rin need ko na mag review para maipasa ang exam mamayang 8am.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya naman inilagay ko ito sa tenga ko ng malaman kung sino ang lapastangan na tumatawag.

"O sino to?" Sabi ko
"HOY! loko! Kakagising mo lang!? Anong petsa na at malalate kana!! " Sigaw ng nasa kabilang linya.

Sa gulat ko ay napatingin ako sa orasan at nakita ko na 7:30am na pala. Pinatay ko na agad ang tawag at dumiretso sa banyo para mag asikaso. Naligo at kung ano ano pa. Nakapag bihis na ko lahat lahat ng tumatakbo ako pababa ng hagdan para maka alis na ng tinawag ako ni mama.

"Nagmamadali ka? Maaga pa ha" sabi ni mama na naka apron pa na pink at may hawak na sandok ng kanin.

"Ma, sorry po hindi na ko makaka kain may exam po kami ngayon at kelangan ko ng mag madali. Sorry po masarap yung almusal! Byebye loveyou!" Mabilis na pag kaka sabi ko sabay takbo na sa labas.

Suot ang uniform at id ko inayos ko na rin ang kwelyo ko. At ngayon ready na sa pag sisimula ng araw na ito. I'm Marco Rei Velasquez, 20 yrs old and 3rd year Architecture Student sa UST . Kasama ang mama at papa ko sa bahay. May isa akong kapatid na babae sya ang ate ko. Favorite ko na ate yun kase sya lang ang ate ko at wala kong choice.
So anyways takte nalimutan ko pala mag alarm kagabi ano ba naman yan! Para saan pa ang pag rereview ko kagabi at pag pupuyat kung hindi naman pala ko makaka pasok dahil sa pagka late! Kainis!.
Nag mamadali sumakay ng bus nakipag siksikan pako para lang may maupuan. Grabe napaka hassle naman talaga. Hindi pa ko nakaka pasok hindi pa nag uumpisa ang araw ko grabe na haggard ko ha!. Nakaupo na ko sa tabi ng bintana ngayon grabe ang inet sa labas buti na lang aircon itong bus. Inayos ko yung bag ko at inilagay ko sa unahan ng katawan ko para maka kuha na rin ng pambayad sa konduktor. Dahil abala na rin sa pag hahanap ng wallet ko Hindi ko napansin yung konduktor na nakalapit na pala sakin at inaantay na ang bayad ko. Kaso shit diko makita yung wallet ko. Ano ba Naman yan!.

"Boy saan ang baba mo?" Sabi ng konduktor na semi kalbo at naka puting tshirt na kala mo si bato dela rosa.

"Dyan lang po sa may Espana manong" sabi ko habang pa simpleng nakapa sa loob ng bag ko. Takte wala nga yata dito yung wallet kainis talaga.

"Kanina ka pa nakapa dyan sa may bag mo parang di mo mahanap yung kinakapa mo boy" naka kunot noo na sabi nya.

"Manong pasensya na po parang nalimutan ko po yata yung wallet ko eh." Naka yuko na sabi ko sa kay manong. Grabe nakakahiya putek talaga. 30 mins lang ang byahe ko bago maka dating sa campus pero parang di ako hahayaan bumaba ni manong.

"Ayy nako boy lumang palusot na yan mag bayad ka o bumaba kana lang. Ganon lang yon" sabi ni manong na medyo naiinis na. Naiinis din naman ako pero di ko pinahalata ha!

Maya maya pa ay nag salita ang katabi ko. Napatingin ako sa kanya at sa itsura nya. Naka itim na hoodie jacket, maputi ang balat nya, may bag sya na itim na backpack syang dala naka kalong sa hita nya habang may suot na earphone . Napa lunok ako kase bakit naman ang ganda nya?

"Manong baka pwedeng balikan nyo na lang yung katabi ko at maningil muna kayo sa bandang dulo may mga bagong sakay naman." Sabi nya habang naka tingin kay manong konduktor. Walang expression ang mukha nya pero hindi naman galit ang pag sasalita nya.

"O sya sige boy babalikan kita dyan" huling sabi ni manong bago naningil sa likuran.

Sinubukan ko ulit kapain sa bag ko pero wala talaga. Nagulat na lang ako ng mag salita ang katabi ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.

 My Perfect StrangerWhere stories live. Discover now