Malaki ang respeto ko sa kaniya, aaminin ko na nahuhulog na ako sa kaniya. Sino ba naman ang hindi eh ang ganda niya, nasa kaniya na ang hinahanap ng isang lalaki.

Pag-uwi ko ng bahay ay nagulat ako dahil nagsisigawan sila Mama at Papa.

"Ma, ano pong nangyari?" Hindi niya ako sinagot ay pumunta na siya sa kuwarto nila. Napatingin naman ako kay Papa na nakahawak sa ulo niya na parang naiinis.

Hindi ko na lang sila pinansin at dumeritso na sa kuwarto ko para makapagpalit ng damit dahil basang-basa ako.

"Hi Cian." Gulat akong napatingin kay Lea ng sabayan niya ako maglakad papunta ng room.

"Hinatid ka ng Daddy mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Yup, ayaw ako isabay ni Pamie eh," malungkot niyang sagot.

"Suyuin mo lang ng suyuin, lalambot din yun," sagot ko naman.

"Oo nga pala, bakit basa siya nung nakaraan? Ayun nilalagnat dahil nagpaulan." Napatingin naman ako sa kaniya na nagtataka, hindi binanggit sa akin ni Pamie na may sakit siya.

Napailing na lang ako dahil sa inis, wala din naman akong magawa dahil hindi niya naman ako boyfriend. Pero dapat talaga di na lang kami kumain nun kung uulan din lang ng malakas.

"Ba't magkasama kayo?" Gulat na tanong ni Josh ng pumasok kami sa room.

"Nakita ko lang siya sa pathway habang naglalakad." Sagot naman ni Lea at umupo na sa upuan niya.

"Nagselos ka naman kaagad," pang-aasar ko kay Josh.

"Selos ka diyan, sino nagsabi?" Hindi ko na siya pinansin at napailing na lang.

Kinabukasan ay maaga akong umuwi dahil dadaan ako sa park kung saan nandoon ang mga bata na tinuturuan ko mag badminton.

"Kuya Cian, may dala ka bang pagkain?" Tanong ni Jimmanuel pagdating ko.

"Pagkain na naman Jimmanuel? Kaya ka hindi pumapayat eh," pang-aasar ni Vimmia.

"Sus, nilait mo pa eh crush mo din naman siya," sabat naman ni Kurt, hindi nakasalita si Vimmia dahil tinawanan na siya nila.

"Wala akong pagkaing dala eh." Sagot ko naman. Tila nanlumo naman ang pagkatao nila ng sabihin ko yun.

Nagsimula na akong turuan sila maglaro hanggang sa napansin ko ang isang kotse na papalapit sa amin, at hindi nga ako nagkakamali, kay Pamie yun.

Nang makita ng mga bata na papalapit siya ay agad nila itong sinalubong, nakakatampo na itong mga bata, palibhasa wala akong dalang pagkain hindi na nila ako nilalapitan.

Habang kumakain yung mga bata ay naglaro muna kami ni Pamie na nauwi sa pustahan.

"Anything?" Tanong ko, may pumasok na kalukuhan sa utak ko kaya nginisihan ko siya.

"Anything," sagot niya naman.

"Kapag natalo kita ngayon din, girlfriend na kita." Matapang kong sabi na ikinagulat nilang lahat. Naglapitan pa yung mga bata na hindi pa tapos kumain.

"Go kuya, kaya mo yan!" Si Mia habang tumatalon pa.

"Angas nun ha," natatawang si Kurt.

"Teka hindi pa ako pumapayag ha, ang daya naman nun," reklamo ni Pamie na hindi na maitsurahan ang mukha.

"Wala na, deal is a deal Ate Pamie," natatawang si Lloyd.

Ganiyan ang gusto ko sa mga bata eh, ako ang sinusuportahan.

"Wala bang second option?" Tanong ni Pamie. Malamang na kinakabahan siya. Hindi naman ito totoo eh, ayaw ko pa din talaga magkaroon ng girlfriend lalo na't masakit yung ginawa sa akin ng past girlfriend ko.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now