C-4

74 4 0
                                    

8:00 PM...

ILANG BESES ng tumayo si Kyo sa kinauupuan niyang silya. Nakailang beses na rin niyang sinipat ang pulsuhan. Wala siyang balak sa ganitong tagpo dahil alam niyang maghhihintay lamang siya kay Wendy.

Pumayag siyang ilagay sa sala na 'di naman kalakihan ang mga pagkaing iba't ibang putahe na ipinadala ng kaniyang ina at luto naman ng mga katulong nila.

Second year wedding anniversary nila ngayong araw ni Wendy. It's been an hour but it's still not come. Plano lang naman ng kaniyang ina ang lahat at never maging kasama siya. Ayaw niyang maghintay ng matagal dahil nuong first wedding anniversary nila ay halos hindi na nito maalala sa sobrang busy nito.

Wendy is a flight attendant. Matagal na niyang kakilala si Wendy dahil anak ito ng kaniyang Tita Lina na matalik na kaibigan ng kaniyang ina. Arrange marriage ang naging pagsasama nilang dalawa. Pero ito ang babaeng madaling mahalin dahil sobrang sweet nito na gustong -gusto niya sa isang babae. Hindi nagtagal nabunyag din na may gusto sa kaniya si Wendy—kwento ng ina nito sa kaniya. Hindi lang iyon, ito ang klaseng babae na hindi mahilig manamit ng maiiksing kasuotan na kulang na lamang ay lumabas ang mga maseselang bagay. Sa sandaling kasama niya ito, natutunan niya itong ibigib. Ngunit hindi ganoon kalaki dahil wala ng hihigit pa sa magmamahal niya sa dating nakarelasyon ng pitong taon. Pitong taon na biglang na lang naglaho sa paningin niya.

Flashback...

"Kanina ka pa?" Tanong ni Nat habang nakatayo at nakasilip sa bintana ng kotse.

Sinundo niya si Nat sa pinapasukan nitong ekswelahan. Habang siya naman ay kalalabas lang ng school. At dahil may sarili siyang sasakyan mabilis niya itong napuntahan.

"Medyo." Nangingiti niyang sagot sa nobya. "Halika na, pumasok ka na sa loob." Anyaya na niya.

"Ang sabi ko naman sa'yo kasi magtetext ako pag palabas na 'ko. Naghintay ka tuloy." Wika ni Nat habang humahakbang papasok sa loob ng kotse.

Sinarado muna ni Kyo ang pintuan para kay Nat at pagkatapos pinaandar ang makina ng sasakyan bago sumagot.

"Okay lang 'yun. Hindi naman nakakapagod maghintay, saka nasa loob lang naman ako ng kotse ko."

Tumango na lang si Nat sa inusal niya.

"Bakit nanahimik ka mahal? Kumusta nga pala ang sem n'yo? Ilang buwan na lang ga-graduate ka na." Nakatingin na sabi ni Kyo kay Nat. Habang ang dalaga ay hindi maitatangging malungkot ang mukha.

"Okay naman." matamlay na sagot nito.

"Su daws! Okay, pero ang mukha." bulalas ni Kyo saka biniyayaan ang nobya ng halik sa pisngi.

"Huy! Tingnan mo nga 'yang minamaneho mo! Marami pa tayong pangarap, no! Wala pa tayong lahi!" Suway nito sa kaniya.

Tanging napangiti na lamang siya kay Nat. Sa t'wing gagawin kasi niya iyon, iyon at iyon lagi ang naririnig niya sa bunganga ng nobya.

"Nextweek anniversary na natin mahal." paalala niya kay Nat. Na Hindi naman niya tinapunan ng tingin ang dalaga.

"Oo nga. Ang bilis ng mga oras at araw. Dati lang nagkukwentuhan tayo sa canteen. Doon ba sa elementary, tapos nung mag highschool tayo crush mo na pala ako, tapos niligawan mo na ako, tapos ayun na!" Natatawa nitong paalala sa panahong mga bata pa sila.

"Seven years na puno ng pagmamahal ko sa'yo Nat. Mag aaral ako ng mabuti, para pag may pamilya na tayo mabibili ko lahat nagg gusto natin para sa magiging anak natin." Nakangiti at bakas na bakas sa mukha niya ang determinasyon Ng sabihin iyon kay Nat.

IKA - SIYAM NA UTOS जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें