Kabanata 9

1.6K 40 0
                                    

PASADO alas syete na'ng gabi bago kami nakarating dito sa restaurant kung saan nagpabooked ang mommy for family dinner. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan bumaba. Lihim akong napangiti dahil kinilig lang naman ako ng kaunti pero ayaw kong magpahalata.

"Thank you Mc," sabi bago.

"Simpleng bagay," saad niya kaya napailing na lang ako at nauna nang maglakad papasok sa restaurant.

"Doctora," ngiting tawag ko sa babaeng kasabay kong papasok rin sa entrance ng restaurant. Napatingin ako sa likod ko kasi naramdaman kong may kamay na humawak sa gilid ng baywang ko.

"Doctora, " seryosong sabi naman ni Mc at pasimpleng pinisil ang baywang ko at hinapit ako papalapit sa katawan niya.

"Major Sanchez, " ngiting sabi rin ni doctora Fajardo sa kaniya.

"Hindi ko alam na magkikita pala tayo dalawa rito Major?" tanong niya.

"No worries doctora,"mabilis na sagot naman ni Mc Llishan.

"Excited kana magka-anak, no?" tanong niya kaya umangat ang tingin ko kay Llishan kasi ngumiti lang naman siya.

"Anyways you both healthy ng partner mo,"dugtong pa ni doctora kaya I bow my head dahil nagulat ako. Hindi ko maiwas mag-isip dahil hindi naman ngilid sa kaalaman ko na going pa rin ang relationship nila ng girlfriend niya pero masakit pa rin sa akin.

"Ikaw doctora Psalm kailan mo balak magka boyfriend?" ngiting tanong niya sa akin.

"Ang ganda-ganda mong bata wala ka naman boyfriend," segunda niya pa.

"Wala pa po sa isip ko," maikling sagot ko dahil nawalan na ako ng gana. Iyong kilig at excited ko naglaho na sa pinagsasabi ni doctora Fajardo.

"Buti pa itong si Major pursegido," hirit niya pa at tinapik ang balikat ni Llishan. Pilit na lang akong ngumiti. Nakakasakit sa puso pero wala akong magawa kung plano ni Llishan at ng girlfriend niyang bumuo ng pamilya.

"Kumusta naman pala ang dalawang..."

"Andito po sila daddy, doctora, "imporma ko at pinutol ang gusto niyang sabihin. Ayaw kung pag-usapan ang mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon dahil sapat na ang lihim ko na hindi pwedeng malaman ng ibang tao.

"Oh, I miss your daddy," excited niyang sabi at nauna nang maglakad kaya sumunod naman kami. Tinungo namin kung saan sila mommy kaya nagulat pa sila nang makita si doctora Fajardo.

Doctora Fajardo is a former friend of ours dahil siya ang doctor ng mga Bachelors sa OB Gyne. Nag excuse muna ako para ayusin ang sarili ko sa restroom dahil nag uusap pa naman sila daddy sa table namin.

Humarap ako sa salimin at tinignan ang sarili ko. Nagpowder muna ako at naglagay ulit ng liptint na siyang gamit-gamit ko ngayon para hindi ako nagmumukhang zombie. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang sarili ko sa salamin.

"Ang hirap magmahal kapag hindi ka kayang mahalin ng taong panalangin mo," bulaslas ko at tumingala. Ayaw ko nang umiyak dahil napapagod na ako at isa wala pa si Bella na comforter ko dahil busy siya sa Alvarez niya.

Binuksan ko ang pabango na regalo sa akin ni Bella Marieh na kasing amoy ng RED SERIES na pabango ni mommy dati. Iyon na din ang pabango no'n na binibili ng daddy ko mula baby pa ako hanggang ngayon naman sana pero noong nakuha na ni Bella ang scent ng perfume ko gumawa siya ng kasing amoy nito kaya ito na ang ginagamit ko.

No'ng okay na ang pakiramdam ko ay binuksan ko na ang pinto at lalabas na sana ako nang pumasok si doctora Fajardo kaya ngumiti ako sa kaniya at gano'n rin siya sa akin. Humarap ulit ako sa salamin para ayusin ang buhok ko.

"Kumusta na kayo huja?" tanong niya.

"Okay lang po doctora. Salamat pala, " magalang na sagot ko rin habang sinusuklay ang buhok ko.

"Wag mong kalimutan ang control plant mo subrang isang taon kanang nagpalagay iyan, "turo niya sa braso ko.

"Sige lang po doctora pupuntahan na lang po kita sa clinic mo," ngiting sagot ko rin dahil plano ko talagang palitan ito at mahirap na baka mabuntis na wala na naman sa plano kawawa lang kung mag exist pa sila sa mundo na walang pagmamahal galing sa nagpunla.

"Catcher ka pa naman, " patawang sabi niya at hinampas ang balikat ko. Hay nako, itong doctora na ito talaga may pakachismosa rin, sabi ko na lang sa sarili ko.

"Hindi naman ho doctora at baka naswertehan lang, " ngiting sagot ko.

"Kayong mga bata talaga eh. Si major Sanchez naman sinama na ang girlfriend para matignan raw kung healthy sila pareho."

"Pero ikaw umiwas naman na mabuntis," sabi niya pa.

Alangan, mahirap magbuntis kapag hindi mahal. Sa sagot pa sana ako ng magsalita naman siya, wala ng katapusan ang chismis niya. Mas lalo pa akong na sasaktan sa mga sinasabi niya sa akin.

"Pero iyong batang iyon doctora matagal nang pabalik-balik sa akin dahil problema niyang hindi pa raw sila nagkakababy eh healthy naman siya kaya kahapon hindi na siguro matiis kaya pati iyong girlfriend niya sinama na niya," inporma niya sa akin. Ngiti lang ako ng ngiti sa kaniya dahil ayaw kung magsalita baka masaktan lang ako kung magsasalita pa ako.

"Disididong magkaanak kaya pabalik-balik siya sa akin, "tawang sabi niya at humarap sa salamin.

Malungkot na lang akong tumango at nagpaalam sa kaniya. Tama naman talaga ang decision ko magpalagay ng Contraceptive Implant dahil kapag hindi ko ginawa iyon baka sisihin na naman ako kung magkaroon kami ng anak dahil hindi naman ako ang gusto niya simula noon pa. Hindi rin ako ang gusto niyang magiging ina ng anak niya kaya tama lang talaga ang ginawa ko ayaw ko ng madagdagan pa ang galit niya sa akin dahil lahat ng ginagawa niya puros pakitang tao na lang sa harapan ng mga magulang ko.

Nawalan na ako ng gana talaga dahil sa mga sinabi ni doctora Fajardo. Bumalik ako kung saan sila mommy kaya na gulat ako dahil hindi lang pala kami kundi andito rin sila Tito Alvo at ang pamilya niya.

"Tito, tita, "masayang tawag ko at humalik sa pisngi nila.

"Alvo Jr, " tawang tawag ko sa pangalan ng anak nila bago umupo sa tabi ni Mc na nakatingin lang sa akin.

"Maraming salamat sa time niyo De-Gracia, uuwe na rin kasi kami sa States nextweek, " sabi ni tito Alvo kay Daddy sakto naman na dumating ang mga pagkain namin.

"It's our pleasure to be with your Family again, Alvo, "sagot naman ng Daddy habang inaayos ang mga pagkain namin sa mesa.

Kumain na kami ng sabay at may kasamang kwentohan pa at ka sabay rin ang rhythm musical kaya masarap sa pandinig ko. Alam ko pati rin sila mommy at si Tito Alvo naappreciate nila ang romantic music na pinapatugtog. Hanggang sa na tapos kaming kumakain at kwentohan tawaan na lang. Hindi ako masiyadong nagsasalita dahil wala ako sa mood at sasagot lang ako kapag tinatanong nila ako kung ano-ano minsan si Mc lang rin ang sumagot.

"Daddy," rinig kong tawag ni Mc kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Can I go first?" tanong niya at tumingin kay mommy.

"May importante kasi akong gagawin sa camp," paalam niya kaya tumango ang daddy pati ang mommy ko.

Gusto rin mauna at sumabay sa kaniya pero na isip ko na baka magtatanim lang siya ng punla sa girlfriend niya kaya pinigilan ko ang sarili kong magsalita at isa pa kailangan kung pumunta sa hospital muna for some reason pero mamaya na lang sabay na lang kami nila mommy.

"Sige anak at mag-iingat ka, " seryosong sagot ni Daddy kaya tumayo na siya. Hindi na rin ako nagsalita dahil alam ko naman na pupuntahan niya ang girlfriend niya hindi sa camp.Tinatakpan ko na lang siya sa pamilya ko para wala ng gulo. Nagbigay siya ng halik sa tutok ng ulo at pinisil pa ang magkabilaang balikat ko.

"Sa bahay niyo na muna po si Psalm daddy at daanan ko na lang po siya kapag tapos na po ang gagawin ko sa camp, " Bilin niya kay daddy kaya tumango ulit si daddy.

"I have to go, Babz. I love you, "malambing niyang wika kaya ako naman tumango na lang at pinagmasdan ang likod niya papalayo hanggang nawala na siya sa paningin ko.

A/N: Good afternoon po. Yeah. Basahin mabuti ito ah para alam niyo ang takbo ng story. Hindi kayo malilito kapag nakuha niyo iyong mga hint diyan na nilalagay ko simula umpisa. Shalom! 😊

A Painful Mistake (BOOK 1)Where stories live. Discover now