Sergio sighed, "You know I can listen," he said. "We have all night, I guess."

I chuckled, "Maliit lang 'yun," sambit ko. "Sabi nga no'ng mga kaklase ko nakikipagbiruan lang. E 'di 'yun na lang inisip ko. Kaso kahit isipin ko 'yun... ayaw mawala eh."

Saglit kaming nabalot ng katahimikan habang nakatayo lang at nakatitig sa langit.

"You know... I'm not really good at words but... wait right here."

Ngumiti ako.

Kahit naman ako hindi magaling sa words.

Kaya siguro dismiss lang ako nang dismiss na ayos lang ako.

Tapos pag alanganin na naman parang back to square one.

"Mads," tawag ni Sergio dahilan para mapalingon ako. Ang weird... Ngayon lang may tumawag sa'kin ng Mads kahit mas weird 'yung Lula. Minsan na-bully pa'ko no'ng HS kasi Lola na raw ako agad. Pero kasi pinagsamang pangalan 'yun ng mga magulang ko kaya kahit gano'n, pinangatawanan ko na lang.

Pero cute rin matawag ng Mads.

Parang may nickname ako sa kaniya.

Baliw amputa. Kinilig sa nickname.

Natawa ako nang makitang sine-set up niya 'yung fairylights sa likod ng pick up niya. Kaya pala nagdala ng pick up mukhang may balak na talaga siyang mag-Rizal ngayon.

"Plano mo talaga 'to noh?" natatawa kong sambit habang umaakyat. Mabilis naman niya akong inalalayan.

He shrugged, "If I tell you that this is really spontaneous, maniniwala ka ba?"

I chuckled, "Maniniwala na lang ako," sambit ko. "Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"

"I have quite a record at home so they'd just probably think I'm somewhere..." he says at napatingin sa'kin dahilan para mapairap ako. "Seriously... were you really thinking of it that way when I told you that?"

I stuck out my tongue, "Bahala ka mag-isip," sagot ko at naupo sa tabi niya. Medyo malamig dahil siguro gabi na, pero nagulat ako nang maramdaman kong tinakpan niya ng blanket 'yung likod ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya... kaso wrong move dahil sobrang lapit niya pala sa'kin.

Napalunok ako nang mapansin kong napatingin siya sa labi ko.

"S-Sorry," nauutal kong sambit at mabilis na lumayo nang kaunti. Biglang nanuyo 'yung lalamunan ko dahilan para maubos ko kaagad 'yung binigay niyang bottled water kanina. Bakit ba biglang ang init?!

"I have soda," sambit ni Sergio bago tinanggal 'yung blanket na nakatakip do'n sa tinatago niyang mini ref.

"May dala kang mini ref?" tanong ko dahilan para matawa siya. Seriously... kung anu-ano na lang yata binibili nila online dahil lang wala silang mapaggastusan.

"Contrary to what you're thinking, we're not that much of a spender," depensa niya. "Coke or Royal? Are you hungry? I think I also have some biscuits here... Oreo?"

"Royal na lang," natatawa kong sagot. I just simply thanked him nang abutan niya ako ng Royal at oreo. "Ano 'yan... May sari-sari store ka ba dito sa pick-up mo?"

Sergio chuckled, "Ready lang ako lagi," sagot niya kahit sobrang slang ng pagkaka-tagalog niya dahil sa accent. 'Di ko alam kung may third eye ba'to pero napansin niya agad na medyo nahihirapan akong buksan 'yung Royal kaya mabilis niyang kinuha sa kamay ko at binuksan, pati 'yung pack ng oreo binuksan niya na rin.

"Thank you," nahihiya kong sambit. Mamaya iniisip na pala niya sinasadya ko lang para buksan niya. Pero totoo naman kasing ang hirap buksan no'ng bote ng Royal! Tahimik na lang akong kumain ng Oreo at inunti-unti 'yung softdrinks. 'Di ako softdrinks girl pero ilang ulit ko na rin yatang paulit-ulit na dinebunk 'yung idea na nakaka-cause ng UTI ang softdrinks... kahit E. coli naman 'yung number 1 cause o kaya S. saprophyticus. Pero softdrinks? Diabetes pwede pa.

the stars above us (medtech series #2)Where stories live. Discover now