BOOK 3 - CHAPTER 25

Start from the beginning
                                    

Nang malapit na kami sa building ng IGC, naging masikip bigla ang daan dahil sa mga taong tila nagwewelga sa labas, bitbit ang kung ano anong mga karatula at banners. Bigla na namang nanghina ang puso ko.

"May protesters pa rin pala?" sabi ko.

Saglit na tumingin si King sa mga tao at pagkatapos ay sa akin. "No, I don't believe so. I reckon they're your fans, Ricco."

"Fans? Fans ko?" hindi makapaniwala kong tanong. Muli kong tinignan ang mga taong nagwewelga, bagamat hindi ko naririnig ang mga isinisigaw nila. Oo nga, karamihan sa mga banners, may picture ko pa. At ilan sa mga sign, nakalagay ang "PROTECT RICCO ANDRE", "RICCO ANDRE DOESN'T DESERVE THIS INJUSTICE", "WE BELIEVE IN YOU, RICCO ANDRE", at kung ano ano pa.

"That signifies people still have faith in you. You just need to seek support in the right places. You will never be alone, Ricco."

Dahil sa sinabi niya ay tumulo ang luha ko.

*

Sa lobby ng IGC building ginanap ang press conference. Nakakaoverwhelm ang attendance at presence ng kung sino sinong tao, karamihan ay hindi ko man lang nakadaupang palad sa buong panahon na CEO ako ng IGC pero naroroon nang mga oras na iyon.

Umupo ako sa bandang gitna ng mahabang mesa, na nakareserve para sa CEO. Nakapwesto sa tabi ko si Azalea na agad na pinisil ang braso ko.

"How are you, Kuya? Namiss kita." bulong niya.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Let's talk later."

Napatingin ako kay Mr. Lim at nahuli ko ang pasimpleng mapanglibak na ngiti. Kahit anong sabihin ni King sa akin, hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang makaramdam ng hindi maganda dahil doon.

"The CEO's here. Let's start." sabi niya. Namatay ang ugong ng mga paguusap at ang atensyon ng lahat ay napunta sa amin. Nagsimula nang magkislapan ang mga camera at nagtipon na ang mga media personnel sa gitna at nakahanda na ang mga microphone at cellphone.

Tumayo ang isang binata at hinawakan ang mic. Siya siguro ang spokesperson pero sa totoo lang, first time ko lang nakita ang pagmumukha niya.

"Ladies and gentlemen, esteemed members of the press, thank you for joining us today. Your presence is appreciated as we address a matter of significant importance. Today, the IGC board of directors announces changes in executive leadership." sabi nito.

"I stand before you to convey the decision of the board to initiate a change in leadership at Ibarra Group of Companies. After careful consideration and extensive deliberation, the board has decided to part ways with our current CEO -"

"Excuse me." sabi ko, para putulin ang mapalabok na pananalita ng kung sino man iyon. "If I may..."

Nagkaroon ng kaunting commotion at kitang kita kong naningkit lalo ang mga mata ni Mr. Lim. Nasa akin na ang atensyon ng media ngayon at kabi-kabila na ang flash ng mga camera. Hinanap ko sa crowd si King at nakita kong nakangiti siya habang tumatango. Tama ang ginagawa ko.

"I wish to keep this announcement concise. I have asked our Finance Chief, Mr. Jerome Lim, to coordinate a press conference today to formally communicate my decision to resign from my position as the Chief Executive Officer of the Ibarra Group of Companies. Although this decision has been pending for some time, Mr. Lim, along with the board of directors, advised me to delay the announcement. There were crucial transactions that still needed to be completed under my leadership, and there were important documents that still required my signature."

Hindi mapakali si Mr. Lim. Sumesenyas sa spokesperson na ituloy nito ang naihandang speech. Pero hindi ko binigyan ng pagkakataon na mangyari iyon.

"Last Tuesday, while I was away, the employees suddenly decided to stage a strike to oust me from my position. This was puzzling to me because I had made my intentions clear long ago that I wanted to resign and emphasized the urgency of finding a replacement for the position."

Mon Amour (My Love)On viuen les histories. Descobreix ara