"But, there's a problem with this kind of ability. Katulad ko, I am not able to use my power kapag ganito na ako si Nuraya. So the tendency is, we have to be extra careful lalo na kapag nasa Yoso na tayo or else, mabubuko agad tayo and we have no other choice but to reveal ourselves," she added. She snapped her fingers once again and she's back from being herself. Umupo ulit siya sa tabi ni Kai.

"Bihira lang ang may kakayahan na katulad nito. I didn't know na isa pala si Hera sa mayroong mimicry ability," she said. Oo nga ano? Ang akala ko ay puro bolang kristal lang ang alam niyang gawin tapos 'yon pala ay may iba pa siyang alam? Ang tindi talaga ni Hera.

"Kaya kailangan nating mag-ingat. Sa palagay ko ay hindi lang si Hera ang kasabwat ni Valgemon." Bigla naman akong nagtaka sa sinabi ni Thea. Bukod kay Hera ay may iba pang traydor?!

"Kailangan nating magmadali dahil kulang na tayo sa oras," sabi ni Thea. Napagdesisyunan namin na bukas kami mag-uumpisa sa pag-eensayo. Si Thea ang magsisilbing teacher namin dahil siya pa lang ang nakakaalam kung paano ba namin gagamitin ang mimicry chorvaness namin. Nagulat na lang kaming lahat noong biglang sumigaw ang nanay ko.

"Ariaaa!" Jusko naman! Hindi ba alam ni mama na nasa matinding part na ang kwentong ito at talagang nagagawa niya pang umeksena?! Dahil hindi ako sumagot kay Mama ay siya na ang umakyat sa kwarto ko.

"Aria, anak! Tingnan mo itong pusang ito. Ang cute! Mas cute pa sa persian cat, 'di ba?" Wow ha? At kailan pa nahilig ang nanay ko na 'to sa pusa?! Sabi niya sa akin noon ay mas trip niya pa ang aso paano raw kasi ay nangunguha ng ulam ang mga pusa kahit pa tinatakpan mo na tapos ngayon, cute daw?! 'Yong totoo?!

"Grabe ka, Ma. Para pusa lang e. Saka saan niyo ba kinuha 'yan? Mamaya niyan, hanapin pa 'yan ng may-ari." Bigla namang pinitik ni Mama ang ilong ko kaya natawa sina Kai.

"Anong kinuha?! Binili ko 'to! Ang mahal kaya ng pusa na 'to pero keri lang kasi ang cute niya talaga. Pangalanan ko kayang Aria the second ito?" sabi ni Mama at halos mahulog na ako sa kama ko. Ano raw?! Aria the second?! Nang-iinsulto ba ang nanay ko na 'to?!

"Ma naman! Hindi na makatarungan 'yang ginagawa mo sa akin!" pagrereklamo ko pero hindi ako pinansin ni Mama. Talagang halata ang pagkahumaling niya sa pusang hawak-hawak niya. Ang weird ng nanay ko na 'to.

"Hoy ikaw," Itinuro ni Mama si Fire na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko. "Mag-usap tayo," she said. Bigla naman akong kinabahan. Bakit kailangang kausapin ni Mama si Fire?! Anong sasabihin niya? Anong pag-uusapan nila? E bakit ka ba kasi napapraning diyan, Aria?! Hayaan mo silang mag-usap!

"Sige po," sagot naman ni Fire at saka pa siya ngumiti.

"Oo na gwapo ka nang bata ka kaya 'wag ka nang ngumiti. At oo, swerte na ang baliw kong anak sa'yo. Nakakaloka. Hoy ikaw Aria, lumabas ka na muna," sabi ni Mama pero agad akong sumimangot. Magsasalita pa lang sana ako ay ibinigay na niya sa akin 'yong pusa na hawak niya.

"Makipagkwentuhan ka muna kay Aria the second. Sige na, labas na." Halos ipagtulakan ako ni Mama palabas ng kwarto ko. Lumabas na rin sina Thea at Kai. Pumunta na sila sa sarili nilang mga kwarto pero ako ay hindi. Natural, kwarto ko kaya itong kung saan nag-uusap sina Fire at Mama. Nakakaloka!

Akala naman ni Mama ay hindi ko malalaman ang pag-uusapan nila e may soul innate power nga ako na makarinig kahit malayo sa akin ang taong nag-uusap basta ba nakafocus lang ako do'n. Hindi talaga nag-iisip itong nanay ko na 'to.

"Ginang Arianne, ano po ang pag-uusapan natin?" pag-uumpisa ni Fire. Minsan iniisip ko na napakapormal na nilalang ni Fire. Parang hindi siya bagay sa attitude kong echosera.

"Tungkol sa anak kong si Aria," sagot naman ni Mama. Ano na naman ito? Hindi ba nga, nag-usap na kami ni Mama tungkol dito noong nakaraan? E bakit kailangan pa ulit pag-usapan? Nakakaloka!

"Sige po. Ano po ba ang pag-uusapan natin tungkol kay Aria?" Ngayon ko lang napagtanto na may magalang na kaluluwa pala itong si Fire o nagpapa-good points lang siya kay Mama? Aba malupit!

"Ayaw ko siyang mamatay," sabi ni Mama. Aysus naman oh! Pati ba naman kay Fire ay mag-eemote si Mama? Jusko naman talaga!

"Ako rin naman po, Ginang Arianne. Ayaw ko rin na mamatay si Aria," sagot naman ni Fire. Ay hala sige. Ipush niyo lang 'yang pag-uusap ninyo tungkol sa kamatayan ko! Kumukulot na naman ang bangs ko. Maiparebond nga ito mamaya.

"Kaya nga kinakausap kita ngayon dahil may hihilingin sana ako sa'yo." Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Feeling ko ay hindi maganda ang hihilingin ni Mama kay Fire. Hindi kaya sasabihin ni Mama na layuan na ako ni Fire? Kasi nga 'di ba, noong ako ang kinausap ni Mama ay hindi talaga pumayag ang kagandahan ko. Hindi kaya, si Fire naman ang pipilitin niya ngayon?!

"Ano po iyon, Ginang Arianne?" Pigil ang hininga ko na marinig kung ano ba ang kaechosan na hihilingin ni Mama kay Fire.

"Ipangako mo muna na gagawin mo ang ano man na hihilingin ko sa'yo." Ay ang taray ng nanay ko na 'to! Siya na nga itong humihiling ay siya pa talaga ang super duper ultra demanding! Nakaka-stress ng ngala-ngala ang nanay ko na 'to! Masyadong sigurista!

"Sige po. Kahit ano po basta 'wag lang tungkol sa dapat kong iwanan si Aria dahil hindi ko po iyon magagawa." Halos mag-split ako dahil sa sinabi ni Fire. Talagang feel ko na may lumutang na mga puso sa buong bahay namin at may mga nahuhulog na confetti with matching lobo na kulay pula rin. Feel na feel ko tuloy ang valentine's day dahil sa banat ni Fire. Susme naman e! Gano'n na ba talaga ako kaganda para hindi kayanin ni Fire na iwanan ako? Oo Aria. Gano'n ka nga ka-assuming! Chura nito!

"Hindi naman iyon ang sasabihin ko. Nakakaloka ka naman bumanat. Bakit ko naman sasabihin na iwanan mo si Aria? Edi parang ang sama kong nanay no'n dahil parang sinabi ko na rin na iwanan siya ng kasiyahan niya. Wala naman akong ibang gusto para sa anak ko kundi ang maging masaya. Halata naman siguro 'yon kung paano namin ituring ang isa't-isa, hindi ba? Naisip ko kasi noon na mas maigi kung ituturing din akong kaibigan ng anak ko. Kaibigan na nasasabihan niya ng problema niya. Kaibigan na kahit anong simpleng pangyayari sa buhay niya ay nasasabi niya sa akin. Ayaw ko kasing matulad kami sa kung anong naging relasyon ko sa nanay ko," my mom said. Parang biglang naging seryoso ang aura ng paligid dahil sa sinabi ni Mama. Umupo ako sa sofa at saka ako nakinig ng maigi sa mga sinasabi ni Mama kay Fire.

"Kami kasi ng nanay ko, hindi ganito ang relasyon. Ang laki ng gap namin. Ni hindi ko masabi kung ano ba ang gusto ko. Sabagay, hindi niya rin naman kasi ako tinatanong. Laging kontrolado lahat ng galaw at desisyon ko. Kapag sinabi nilang ganito ang gawin ko, iyon ang gagawin ko. Nagmistula akong robot na sunod nang sunod sa kung anong sasabihin nila. Hindi ko kailanman naranasan ang maging totoong masaya sa kanila. Hanggang sa dumating si Aire. Right then, I have found out my happiness kaya sinabi ko rin sa sarili ko na kahit anong mangyari, kahit pa tutol ang pamilya ko sa amin ay pinaglaban ko pa rin si Aire. At nakikita ko ang sarili ko kay Aria ngayon. She wants to fight for you, for her happiness at ayaw kong tumutol doon dahil alam ko kung gaano kahirap na wala kang kapamilya na sumusuporta sa'yo." Halos umiyak ako dahil sa sinabi ni Mama. Hindi ko naman kasi alam na may ganito palang dramatic past ang nanay ko.

"Noong nawala si Aire, si Aria na ang naging ibig sabihin sa akin ng kasiyahan. Siya na lang. Kaya sana, iingatan mo ang kasiyahan ko. 'Wag mo siyang hayaang mapahamak sa Yoso. At sana, 'wag mo siyang hayaan na mamatay. Ayaw kong mangyari 'yon, Fire. Bilang isang ina, kung pwede nga lang ay ako na lang ang pumalit sa pwesto niya na dapat mamatay. Mahirap para sa isang ina na malaman na ang anak niya ay maaari nang mamatay sa oras na bumalik na siya sa Yoso. Hindi ako kailanman mapapanatag. Kahit uminom pa ako ng ilang lata ng Lactum ay hinding-hindi ako mapapanatag. Kaya naman, ipangako mo sa akin na babalik kayo dito ng anak ko nang buhay. Gusto ko pang makita ang kabaliwan ng anak ko. Gusto ko pa siyang mabatukan sa t'wing nagrereklamo siya sa mga iniuutos ko sa kaniya. Gusto ko pang pitikin ang ilong niya kapag sumisimangot siya. Gusto ko pa siyang makayakap. At gusto kong gawin lahat ng iyon na buhay ang anak ko." Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Mama. Nararamdaman ko ang paghihirap ng kaniyang kalooban. At mahirap para sa akin na ako pa ang dahilan ng paghihirap ni Mama ngayon.

Pero sapat na ang sinabi ni Fire para mapanatag din ang loob ko. Knowing that I have him beside me, hindi ako dapat kabahan. Hindi ako dapat matakot. Hindi ako mamamatay.

"H'wag po kayong mag-alala, Ginang Arianne. Babalik po kami ni Aria dito nang buhay. Hindi po ako mangangako dahil gagawin ko po iyon. Walang sinoman sa amin ang mamamatay," Fire said and that makes me to cry out of unexplainable happiness.

Miss Ai

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon