Lumabas akong restroom na parang walang nangyari. "Ang tagal mo naman." Nakasimangot ni sabi ni Kaede.

"Sorry.." nag peace sign ako.

"Nevermind, let's go!"

"Mabuti pa nga. Baka nabo-bore na ang asawa mo kakahintay sayo." Lumabas kaming mall at hinatid si Kaede sa kotse nila.

"Sabay ka na samin." Aya niya.

"Hindi na, dala ko ang sasakyan ng kapatid ko." Usal ko at tumango si Kaede. "Ingat kayo and thank you, Kaede."

"Anytime, ingat ka rin!" She playfully kissed my cheek kaya natawa ako.

"Bye, baby!" Kaway ko kay baby Eiv at kumaway siya pabalik. Tinanguan lang din ako ni Zares kaya ngumiti ako saka sila tuluyang umalis.

Bumuntong-hininga akong tinungo ang kotse habang bitbit ang pinamili ni Kaede para sakin. Ang dami naman nito! She spoiled me so much! Napailing ako saka sumakay.

***

"Pasensya na po, ma'am Lenny kung ngayon lang ako nakapasok ulit." Nahihiyang humingi ako ng pasensya dahil sa ilang araw na pag-absent ko sa trabaho.

"No need to worry, dear. I heard what happened so I understand. Ayoko na ngang magtrabaho ka ehㅡ"

"Po? Please po, wag niyo akong sesantihin! Hindi na po mauulit!" Agad kong bulalas.

"No, that's not what I meant." Tumawa pa si ma'am Lenny. "What I mean is, gusto kong wag ka munang pumasok para makapagpahinga ka."

"Naku, ayos na po ako, ma'am."

"Good to hear that. Anyways, please pass this to my son for me. I have an emergency meeting so we won't be able to meet here. Okay lang ba sayo, Athena?" Son? Daren? Hindi agad ako nakakilos. "Athena? Are you sure you okay?"

"Ha? Um, opo! Sure po, ibibigay ko po to sa anak niyo." Tinanggap ko ang blue print na pinapabigay ni ma'am Lenny sa anak niya.

"Thank you so much, dear. I'm sorry but I have to go!"

"Sige po, ma'am, ingat po kayo!" Ma'am Lenny just smiled at me genuinely. Ang swerte ko at ang bait ng amo ko!

"Hoy, ano yan?" Sulpot ni Mika.

"Pinapabigay ni Ma'am Lenny kay D-Daren."

"Ows? Gusto mo ako na magbigayㅡay wag na pala." Dali siyang tumalikod na ikinataka ko.

Ilang customer pa ang nagdaan kaya nilagay ko muna sa table ang blue print. Naging abala rin ako buong araw at kahit ni anino ni Daren wala akong nakita. Oo na! Aaminin kong nanghinayang ako dahil di ko man lang siya nakita!

Maya-maya pa'y, may tumawag sakin. "Hello?"

["I'm sorry, Athena but can you go to Daren nalang? He's very busy at wala siyang panahong makapunta jan kaya naman, makikiusap ako sayong dalhin nalang sa lokasyon kung saan nagtrabaho ang anak ko. Ayos lang ba sayo?"]

"A-Ayos lang po, ma'am."

["Thank you. I'll text you the address na lang. Saka wag ka nang mag-alala jan, sinabihan ko na si Mika at sila na ang bahala jan."]

"


Sige po, ma'am. Ibababa ko na po." Binaba ko ang linya saka napatingin kay Mika.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now