II

9 2 1
                                    

II: "Welcome to Blue Lake Forest"

“BLUE LAKE FOREST?” Nagtatakang tanong ni Laiee.

“Lake ba to o forest?” segunda ni Damier habang nagkakamot ng ulo. “0Teka, ano ba yung blue? Yung lake o yung forest?” dagdag tanong niya pa na ikinabungisngis ng kaniyang mga kasama.

“Tanga, syempre yung lake!” ani Keiffer saka kinutusan si Damier na ngayon ay mukhang wala pa ring ideya sa nangyayari.

“May asul bang lake? Diba walang kulay yung lake? Ano nga ulit yung lake?” sunod-sunod na tanong ni Damier na ikinahagalpak ng tawa ng kaniyang kasamahan.

“What the hell, D? You don't know what lake is?!” biglang sabat ni Zydon habang nanlalaki pa ang mga mata.

“Maka-english dre, ‘kala mo kung sino yung pinanganak sa America,” pasaring ni Damier.

“Pupunta na tayo sa campsite o mag-aasaran nalang tayo dito sa bukana?” taas-kilay na tanong ni Zenaia na ikinangiwi ng lahat.

“Nyenye, kill joy!” Pabulong na sigaw ni Zydon sa kapatid na babae.






“THIS place is a creep,” Sheirah uttered. “Blue Lake Forest but I can’t see something blue,” nakangiwing dagdag niya habang naglalakad sila patungo sa campsite.

“You always speak English. May lahi ka ba’ng foreigner?” asked Walter nang magkapanabay sila sa paglalakad. Nilingon siya ni Sheirah na bahagya pang tumingala upang makita ang kaniyang mukha.

Ngumiti si Sheirah at bahagyang tumango. “I do have. I grew up in Britain so I’m not really fluent with your language, but I can understand it very well.”

Bahagyang umawang ang bibig ni Walter. “Really? Pareho pala kayo ni Yzhreign...” mahinang ani Walter na hindi narinig ni Sheirah dahil bigla itong hinila ni Xaerri. Napabuntong hininga si Walter saka mabilis na sinabayan si Gray na nangunguna sa paglalakad.

“I really can’t understand why it was named Blue Lake Forest?” tanong muli ni Sheirah na agad sinagot ni Micco.

“Come on, Rara, maybe the lake is blue? Because it’s impossible na magiging blue ang forest dahil originally, green and brown lang talaga siya.”

Napalingon ang lahat sa kaniya.

“What?” nagtatakang tanong ni Micco.

“D— Did I heard it right? Nag English ka?” pang aasar ni Zenaia na tinawanan naman ng magkakaibigan, kabilang na si Micco na natatawa ring iniling-ilingan ang sinabi kanina.

“What?! Rara? You’re shit, Micco! I am the one who made that nickname for her kaya ako lang ang tatawag sa kaniya nang ganun!” singhal ni Xaerri na agad binatukan si Micco. “If you want, create a nickname for her na ikaw lang ang tatawag! Hindi yung makikigaya ka,” dagdag pa niya. “Hello? Where's the originality?” mataray na anas muli ni Xaerri at agad na hinila si Sheirah palayo kay Micco na kunot noo lamang siyang tinignan.




“THANKS GOD! We’re here!” Laiee exclaimed, still panting heavily.

“Okay, so let’s set our campfire na para naman hindi madilim dito sa site natin mamayang gabi,” said Xaerri as she sat on her knees. “Ayusin na natin ang mga tent,” dagdag wika niya.

“Damn! I forgot my tent! Naiwan sa sasakyan, lintek!” Gray brushed his hair when he realized that he forgot to get his tent.

Ngingisi ngising ani Keiffer habang inilalabas ang tent na dala. “This fucktard, you’re only twenty pero napakamakakalimutin mo na.”

“Old man gray has dementia,” panggagatong ni Khairro na malakas pang tumawa. Napailing iling si Walter habang may sinusupil na ngiti sa mga labi habang inaayos ang kaniyang tent.

“You wanna be my tent mate, successful Viguerra?” napangiwi si Walter nang marinig ang boses ni Gray. Nilingon niya ang kaibigan at inungusan.

“I knew it, I knew it, I knew it! Fucker!” tiim-bagang na ani Walter na sinabunutan pa ang sarili. Natawa naman ang mga kaibigan niya.

Ngingisi ngising nagtanong muli si Gray. “You wanna?”

“As if I have a choice, Lolo Gray,” pagdidiin ni Walter dahilan para makatanggap siya ng isang napakasamang tingin mula sa kausap.





“TANGA! Di kasi ganyan!” bulyaw ni Laiee sa kapatid na si Aiji. Nagtatalo na naman sila.

“Ang ingay mo, ah! Oh! Ikaw gumawa ng campfire!” bulyaw naman pabalik ni Aiji saka ibinigay ang hawak na lighter.

Umingos si Zenaia. “Kahit kailan talaga, tsk. Mga isip bata.”

“Oh, diba? Madali lang! Kalalaking tao, di marunong gumawa ng campfire. Akala ko ba boyscout ka?!” singhal ni Laiee nang matapos gumawa ng campfire.

“Edi ikaw na magaling! Ikaw naman palagi, eh!”

Napakamot ng batok si Walter nang marinig ang malalakas na bulyawan ng magkapatid na Hapon. “Parang mga bata. Tsk,” iiling-iling na aniya sa sarili at naglakad patungo sa bag niya nang mahagip ng kaniyang paningin ang white tulips na binili niya kanina. ‘I miss you so much, my love. Kailan ka ba babalik?’ tanong ni Walter sa isip habang pinakatitigan ang bulaklak na hawak. Akma niya iyong ilalagay sa ugat ng puno malapit sa pinagtayuan niya ng tent nang may mahagip na kung ano ang kaniyang mata.

May dumaan...



Masyadong mabilis...




Ibinalik ni Walter ang kaniyang tingin sa kaniyang kamay at natigagal nang makitang wala na...

Wala na ang bulaklak na kanina lang ay hawak niya!

Nasaan na?!

Ibinaba niya ang tingin sa kaniyang paanan at kunot noong pinulot ang isang maduming polaroid photo. Pinagmasdan niya iyon at agad na napangiti nang makilala kung sino ang nasa litrato. Nagtataka siya kung paanong nandoon ang larawang iyon, pero napawi ang kaniyang pagtataka ng pangungulila sa taong kay tagal na niyang hinahanap.

Ang nasa litrato ay si Walter, kasama ang kasintahan nito. Kapwa sila masaya habang nakatingin sa mata ng isa't isa. It was their photo two years ago. It was when Walter proposed to her and she said yes. Walter was the happiest man alive the moment she answered him with a big yes.

Walter was about to keep it in his pocket when he saw a hand written message at the back of the polaroid photo.




You’re a blessing to me, honey. A dream come true and the most precious thing I wanted to treasure. I will always adore you, and I am so grateful to God for giving me you. I love you, my love...

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tit for TatWhere stories live. Discover now