70

13 1 0
                                    

Pagkapasok ko pa lang sa Imus Library ay nakita ko agad sila Gwy at mga kaibigan niya na busy magbasa ng kani-kanilang mga libro at notes. Sa bungad lang sila nakapuwesto kaya hindi na ako nahirapang hanapin sila.

Lumapit ako at kinalabit si Gwy. Umangat ang tingin nito sa'kin at nagpalitan kami ng ngiti. Umupo ako sa bakanteng chair na katabi niya. 

"Buti nakarating ka nang safe. Review well." Sabi ni Gwy sa'kin habang nililigpit ang ibang mga gamit niya sa lamesa para magkaespasyo ang mga ilalapag kong notebook at pens that I'll be using to study.

Mahina akong bumulong ng pasasalamat sa kanya at nginitian niya lang ako bago binalik niya na ang kanyang buong atensyon sa notes na binabasa. Napansin ko na maganda ang handwriting ni Gwy nang pinasadahan ko saglit ng tingin ang mga nakasulat sa notebook at sticky notes niya.

Pagkatapos kong maayos ang mga gagamitin ko sa pag-aaral ay nagsimula na rin akong mag-review pero nagpagala-gala paminsan-minsan ang mga mata ko. May iba rin kasi akong pakay dito eh bukod sa pagbabasa. Si Marga. Yung newest crush ko.

Finafollow ko kasi ang public twitter account niya at nakitang nag-post siya na nag-aaral siya rito ngayon sa Imus Library. Hindi ko nga lang alam kung saang banda siya.

Isang oras na ang nakalipas ay hindi ko pa rin talaga siya nakikita. Sumuko na lang ako at nagseryoso na lang sa aking pag-aaral.

"Guys, let's take a break muna. Eat tayo sa labas." Biglang anunsyo nung kaibigan ni Gwy na Hera ata ang pangalan.

Sumang-ayon naman sila Felize at Adora habang si Gwy naman ay nakatingin sa'kin, inaantay ata ang desisyon ko o kung anuman ang sasabihin ko.

"Sige. Sama ako." I told them na ikinasaya naman ni Gwy.

Dumaan kami sa likod ng building para makalabas. Pupunta kasi kami sa may dulo kung saan nakahilera ang mga nagtitinda ng iba't-ibang Street food.

"Copi, anong bibilihin mo?" Tanong ni Gwy na kasabay ko sa paglalakad. Nasa unahan naman yung mga kaibigan niya.

"Kung ano na lang magustuhan ko." Sagot ko naman.

"Pero anong favorite mong Street food?" Tanong niya ulit habang ang dalawang kamay ay nasa likod at mukha siyang maligalig na bata dahil para siyang natalon habang naglalakad.

Gusto ko matawa sa ka-cutean niya pero pinigilan ko.

T-teka..

Gago?

Anong cute?!

Nairita ako bigla nang sobra sa aking sarili kaya naman naiinis akong naglakad nang mabilis. Sinusubukan naman akong habulin ni Gwy at medyo nakakasunod siya dahil mahaba ang kanyang mga legs. May katangkaran din kasi siya. Kaya naman napagdesisyunan kong tumakbo na lang.

"Taya ka, Gwy! Habulin mo ako!" Natatawa kong sigaw habang pinapanood siya na natakbo na rin. Palayo na ako nang palayo dahil sobrang bilis ko tumakbo.

Napatigil lang ako nang makitang tumigil din si Gwy at mukhang hinahabol ang hininga niya. Napayuko pa siya habang kumakapit ang dalawang kamay niya sa kanyang mga tuhod.

Nagmadali akong lumapit sa kanya.

"Huy, ayos ka lang?" Tanong ko habang nakapamaywang.

Hinihingal siyang napatingin sa'kin saka biglang ngumisi at mahinang dumapo ang kamay niya sa dibdib ko sabay sabing, "Taya!"

Nagulat pa ako noong una pero tatakbo na sana siya, ngunit mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya, hinigit siya papalapit, at binuhat siya.

Ilang beses kong pinakunwaring aambahin na ihagis siya kaya naman napapayakap siya sa'kin nang sobrang higpit. Patawa-tawa naman ako dahil ang laugh trip ng reactions, pagsigaw, at paghingi niya ng saklolo.

BubblesWhere stories live. Discover now