63

13 1 0
                                    

Pagkatapos ng exam namin ay lumabas na kami agad nila Jang at Theo sa aming classroom.  

"Saan tayo? Uwi na ba agad?" Tanong ni Jang habang naglalakad kami.

"Hindi pa ako makakauwi. May study session kami ni bro Speed pero sa canteen na lang. Hindi na sa student council." Sagot naman ni Theo.

"Hantayin ka na lang namin matapos." Tumango lang si Theo at si Jang naman ay saglit na napa-angal ngunit kalaunan ay sumang-ayon na rin sa sinabi ko.

Dumiretso kami ng canteen at nakita namin agad si kuya Speed na mag-isang nakaupo sa pang-apatan na table. Nagkalat ang mga papel, libro, pens, at marker sa lamesa. Nayuko siya habang nagbabasa ng kung ano.

Pagkalapit namin ay napaangat ang tingin niya sa'min. Medyo nagtagal nga lang ang titig niya sa'kin ng ilang segundo. Nailang naman ako.

Naalala ko na naman yung sinabi ni Theo na may gusto si kuya Speed kay Gwy. Ano kaya nangyari sa 12 am confession niya? Nareject kaya siya? 

Kahit nangangati akong magtanong ay pinigilan ko na lang dahil bilin ni Theo sa'min ni Jang na magkunwaring walang alam patungkol sa binunyag na crush ni kuya Speed sa kanyang tutee noong nakaraang Biyernes.

Sinamahan na namin sa pag-upo si kuya Speed. Katabi niya si Theo na katapat ko habang katabi ko naman si Jang na katapat naman si kuya Speed.

"Kamusta exam niyo?" Bungad na tanong ni kuya Speed habang ina-adjust niya pa ang salamin niya gamit ang kanyang index finger.

Napa-thumbs na lang kami pareho ni Jang na ikinangiti niya naman.

"Ayos naman, bro. Thanks to our study sessions, sure ako na pasado ako." Pagmamalaki ni Theo habang sinusuntok pa ang kanyang dibdib. Nagtawanan kami. Mukha siyang gorilla sa ginagawa niya.

"That's good to hear! Congratulation agad."

"Salamat!"

Nagsimula na ang study session kaya naman nanahimik na ang aming table. Dahil sa pagkailang at boring na nararamdaman ko ay pumuslit muna ako saglit at pumunta ng court. Nagbabakasakaling may mga nagpapractice ng volleyball doon. 

Halos pumalakpak ang mga mata ko nang makita ang taong kanina ko pa hinahanap. Ang bagong crush ko pagkatapos ng ilang buwan na pagiging aromantic! Si Marga Steffon! Panis! Alam ko agad ang kanyang buong pangalan dahil sinabay ko sa pagrereview ang pangsostalk ng social media accounts niya kahapon.

Nanonood lang ako sa isang gilid. Kunwari kuryoso lang sa practice nila at nagpapalipas oras pero ang totoo ay gusto ko lang ipakita ang napakaguwapo kong mukha. Alam kong mapapansin niya ako. Sobrang pogi ko kaya. No one, not even my enemy, can deny that fact.

Pero sa kasamaang palad, ilang minuto na akong sumusubok magpapansin pero ni hindi niya man lang ako binalingan kahit isang beses. Focus na focus masyado sa bola at practice nila. Hindi pa rin ako nagpatinag kaya naman lumapit na ako at umupo sa isang bench na sobrang lapit lang sa kanila, sa kaniya.

Ang ganda niya talaga. Parang wala atang makakapantay sa ganda niya sa paningin ko. Naging crush ko siya noong nakita ko siyang tumutugtog at kumanta doon sa may cafe na pinuntahan naming pito nila Jang nung nasa Boracay pa kami. Mukha siyang celestial being.

Siya talaga yung pinapatungkol ng mga tweets ko kaso sinasabay ko na lang kapag nagpopost si Gwy ng pics para magkaroon at matuloy pa rin ang progress ng plano ko sa babaeng 'yon.

Come to think of it, hindi ko pa nakikita si Gwy sa school buong araw. Nasaan kaya yun? Baka nasa student council? Pakialam ko naman. Bahala siya diyan.

And speaking of the devil, nakita ko si Gwy habang nakikipag-agawan ng papel sa isang lalaki. Nagtatawanan pa sila. Nandoon sila sa stage ng court. Mukhang may ginagawang project. Nakita ko rin si Adora na nakaupo habang busy mag-gupit ng mga colored papers. Bumalik muli ang paningin ko kay Gwy at sa lalaking kaharutan niya. Napatayo ako bigla nang madulas si Gwy at napa-out of balance. Sinalo naman siya nung lalaking mukhang parrot na kanina pa siya binibiro. Nagpapauto naman kasi si Gwy. Parang tanga.

Napakunot ang noo ko dahil mukha silang nasa typical telenovela. Ang tagal nilang naka-ganon. Kumalas lang si Gwy nang marinig ang hiyaw nila Adora at iba pang mga taong nakakita sa nangyari. Inaasar sila habang yung iba naman ay kinikilig. 

Napakrus ako ng braso habang pinapanood siya. Nahihiya namang nagpagala-gala ang mga mata ni Gwy sa mga taong inaasar siya at kinikilig sa kanila. Hanggang sa maligaw ang paningin niya sa'kin. We stared at each other for  more than five seconds. Kumalas ako at napailing na lamang sabay lakad paalis. 

Bumalik na lang ako sa canteen at naabutan ko sila Theo na nasa gitna pa rin ng kanilang study session. Naabutan ko rin si Jang na busy magscroll sa kanyang cellphone habang yakap ang kanyang bag. Nilapitan ko siya at binulungan.

"Bili tayo milk tea." Bumaling lang siya sa'kin saglit at umiling. 

"Ayoko. Katamad maglakad." Pag-iinarte ni Jang.

"Libre ko tanga."

"Tara!" Maligayang wika ng aking kaibigan.

"Hayop ka." Natawa lang si Jang sa sinabi ko.

Nagpaalam kami kay Theo at tango lang ang tinugon nito sa'min. Aral na aral ang tropa. Palibhasa kasi gustong magpapansin sa valedictorian niyang crush.

Nakalabas na kami ni Jang ng school at dumiretso na sa bilihan ng milk tea. Sa kasamaang palad nga naman ay nakita ko sila Gwy, Adora, at yung maharot na lalaking mukhang parrot. Mukhang bibili rin sila. 

Hindi ko sila pinansin kahit alam kong nakatingin sila sa'kin lalo na si Gwy. 

"Ate, dalawang matcha cheesecake milk tea nga po tapos dalawang okinawa." Suyo ko sa babaeng tindera. Agad niya namang inasikaso yung mga order ko pagkatapos kong iabot ang bayad ko pati masuklian.

Tumabi ako kay Jang sa isang gilid na medyo malayo kanila Gwy.

"Bakit 'di mo pinapansin si Gwy? Kanina ka pa tinitignan oh." Bulong sa'kin ng kaibigan ko na hindi ko naman pinansin.

Ewan ko pero naiirita ako sa buong pagkatao ni Gwy ngayon. I mean lagi naman akong iritado sa presensya niya pero mas lumala nga lang ngayon. Hindi ko alam kung bakit at wala akong gana alamin kung anuman ang rason. Araw-araw naman akong galit sa kanya, wala namang bago.

Nakaalis na sila lahat-lahat ay hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Gwy kahit isang beses.

Naiirita talaga ako sa kanya.

BubblesWhere stories live. Discover now