I sighed saka naman may umubo sa kwarto. I took a glance at Darenㅡoo, andito pa siya. My sister asked his company dahil daw pupunta muna si Astheria sa kompanya ni Levin pero babalik daw agad siya. Sinabihan ko nga siya na kaya ko nang mag-isa eh and of course my sister wouldn't allow me to be alone.


"Mom, akala ko ba napag-usapan na natin to?" My mom stares at me like I can't do anything about what she said. "Please?" I begged. "I like it here. Please? Dad, please?" Oo na, ako na daddy's girl!


["It's just that, you're not fully recovered yet so we would worry about you if you're going to stay there longer."]


Nataranta akong napatingin kay Daren dahil sa sinabi ni Dad. At nakahinga din ng maluwag nang makitang parang wala siyang narinig samin.


"I know, I'll be careful next time. I promise, I'd be a good girl." I even lifted my right hand.


["Haynaku, ano bang dapat naming gawin sayo? O siya, please, anak, mag-ingat ka naman. Pinag-alala mo kami ng Daddy mo! Call us if you need anything. And don't you dare keep from us if anything bad will happen, do you understand me?"]


Naging strikta bigla si mommy. "Yes, po. Bye, mom and dad. I love you all." My family say their i love you's and bid their farewell.


Dahan-dahan kong binaba ang phone ko dahil sa alam kong magiging awkward na naman ang atmosphere. Kaya nga hindi ako sang-ayon na si Daren ang iniwan ni Astheria eh! Pwede namang tawagan nalang si Skier o di kaya si Jamie!


"Just tell me if you're hungry." Biglang salita niya na nakapagpatense sakin. Eto na naman ang puso kong marupok, hays!


Tumango ako at napilitang ngumiti. "Um, ano, Daren, baka busy ka. A-Ayos lang sakin na ano... na iwan mo nalang, ayos lang sakin, pramis!"


Nanliliit ang mata niyang nakatitig sakin. "Are you sure?" Dahil sa tanong niya, agad akong tumango-tango. Hay, salamat naman at mukhang aalis nga siyaㅡ  "Nah, your sister asked my company so I should do what she asks." Prenteng aniya habang nakatitig parin sakin na nakapagpalis ng ngiti ko.


Bagsak ang balikat kong umayos ng higa. Kailan ba ako makakauwi?


Daren

Napawi ang ngiti ko nang mapagtantong nakangiti na pala ako. Remember, you're just here because Astheria asked you to accompany her sister, nothing else, okay?


Napabuntong-hininga ako. Nakatagilid nang higa si Athena at nakaharap sakin ang likoran niya kaya hindi ko kita ang mukha niya.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now