CHAPTER FOURTEEN

44 5 2
                                    

Habang naglalakad sina Yurie at Sendoh ay nasalubong nila sa daan sina Fujima at ang girlfriend nito na si Nicole...

"Girlfriend mo?." Tanong ni Fujima.

Hindi naman makasagot si Sendoh..

"Obvious naman eh." Ngiting sabi ni Nicole na inawakan pa si Yurie sa balikat.

"Anong obvious? Obvious na hindi sila?." Tanong ni Fujima sa kanyang girlfriend na si Nicole.

"Umalis nalang nga kayo.." Naiinis na sabi ni Sendoh sa dalawa.

"Ikaw naman hindi mabiro." Sabi ni Fujima kay Sendoh.

"Porket kayo na ginaganyan nyo na ko." Sabi pa ni Sendoh kina Fujima.

"Ako nga pala si Kenji Fujima at ito naman ang girlfriend kong si Nicole Sato.." Pagpapakilala ni Fujima kay Yurie.

"Ano nga ba ang pangalan mo?." Tanong ni Fujima kay Yurie.

"Ako nga pala si Yurie Rukawa.." Pagpapakilala ni Yurie at nagulat sina Fujima at Nicole.

"Kung ganon ikaw ang nakakabatang kapatid ni Kaede Rukawa?." Tanong ni Fujima.

Tumango naman si Yurie.

"Buti nalang at pumayag si Rukawa na maging kayo ni Sendoh." Sabi ni Fujima.

"Hindi naman kami." Sabi ni Yurie.

"Hindi kayo?." Tanong ni Fujima.

"Wag monang ulitin." Sabi ni Sendoh.

"Oh siya aalis na kami." Sabi ni Nicole at umalis na sila ni Fujima.

Pinagpatuloy na nila Yurie at Sendoh ang paglalakad.

Hindi naman makatingin si Sendoh kay Yurie dahil naiiya ito sa mga pinagsasabi nito kanina.

"Akira Sendoh." Tawag ni Yurie kay Sendoh.

"Ano yon?." Tanong ni Sendoh na napatingin kay Yurie.

"Tanong kolang kung bakit lahat ng mga taong nagkakakilala sayo ay sinabi nilang lahat na tayo kahit hindi naman tayo.." Sabi ni Yurie.

"Oo nga.. Bakit kaya?." 😏 Sabi ni Sendoh na napaawak pa sa kanyang batok.

Nang bigla nalang hinalikan ni Yurie sa pisngi si Sendoh.

Nabigla si Sendoh sa ginawa ni Yurie.

Nakarating sila sa bahay nila Rukawa at agad pumasok si Yurie sa loob at sinara kaagad ang pinto..

Napangiti na lamang si Sendoh abang naglalalakad palayo sa bahay nila Rukawa..

Kinabukasan..

Nagsalubong sina Yurie at Sendoh..

"Pasensya kana sa ginawa ko kaapon." Naiiyang sabi ni Yurie kay Sendoh.

"May sasabihin sana ako sayo---.." Napatigil si Sendoh.

Aamin na sana si Sendoh kay Yurie na gusto nya ito ngunit dumating si Rose.

Nagpaalam sina Yurie at Rose kay Sendoh dahil mauuli na sila sa klase..

Pagkarating nila sa classroom sakto lang ang dating nila Yurie at Rose.

Umupo na sila sa upuhan nila at nagsimula na ang klase.

"Ano kaya ang sasabihin ni Sendoh?." Tanong ni Yurie sa kanyang sarili.

Lunch break..

Naglalakad sina Uozumi at Ikegami nang nakita nila si Sendoh na nakaupo sa ilalim ng puno na malalim ang iniisip.

Nilapitan nila si Sendoh at kinausap.

"Ang lalim yata ng iniisip mo Sendoh?." Tanong ni Ikegami.

"Aamin na sana ako sa kanya kanina kaya nga lang biglang dumating si Rose." Sabi ni Sendoh.

"Madali lang naman umamin ng nararamdaman sa isang babae." Sabi ni Ikegami.

"Umamin ka naba sa isang babae?." Tanong ni Uozumi kay Ikegami.

"Noong middle school kaya nga lang nabasted ako." Sabi ni Ikegami na nalungkot.

"Eh ikaw Uozumi umamin ka naba sa isang babae?." Tanong ni Sendoh.

Hindi naman makasagot si Uozumi..

"Hoy Uozumi.." Tawag ni Ikegami kay Uozumi dahil natahimik na lamang bigla itong si Uozumi.

"Ah? Ano kase.." Hindi matuloy-tuloy ni Uozumi ang kanyang sinasabi.

"Nakakatakot namang umamin.." Sabi ni Sendoh sa kanyang sarili.

"Aamin ba ko? Baka mabasted lang ako." Sabi pa ni Sendoh sa kanyang sarili.

"Umamin kana sa kanya baka maunaan kapa ni Fukuda." Sabi ni Ikegami kay Sendoh.

"Si Fukuda?." Takang tanong ni Sendoh.

"Kilala mo naman si Fukuda madaling ma-inlove sa mga babae." Sabi ni Ikegami.

"Cge aamin nako sa kanya mamaya.. Bahala na." Sabi ni Sendoh at tumayo.

Nagtungo na sa basketball gym sina Sendoh, Uozumi at Ikegami.

Habang nasa locker room ang mga player maliban kay Hikoichi ay dumating si Yurie na mag-isa.

"May kailangan kaba?." Tanong ni Hikoichi kay Yurie.

"Pwede bang pakibigay ito kay Sendoh.. Sabihin mo sa kanya na pinapabigay ko." Sabi ni Yurie kay Hikoichi at binigay kay Hikoichi ang isang plastic na may lamang inumin at pagkain.

Pagkabigay ni Yurie kay Hikoichi ay agad siyang umalis para hindi siya makita ni Sendoh..

YOU AND MEWhere stories live. Discover now