CHAPTER SIX

59 6 1
                                    

AKIRA SENDOH Point Of View..

Habang naglalakad ako ay nasalubong ko sina Shinichi Maki, at Satoya Kisaki, tinanong ko sila kung saan sila pupunta sinagot naman nila ang tanong ko pupunta daw sila sa shoyo para kamustahin doon si Fujima.

Pagkaalis nilang mag-asawa pinagpatuloy kona ang paglalakad hanggang makarating ako sa bahay nila Rukawa. Balak ko kaseng manligaw😊.

Kumatok ako sa pinto ng ilang beses bago ako pinagbuksan ng pinto, si Kaede Rukawa ang nagbukas.

"Anong ginagawa mo rito?." Tanong ni Rukawa.

"Manliligaw sana.." Hindi pa ko tapos magsalita sinara ni Rukawa ang pinto.

"Umuwi kana wala kang mapapala rito." Sabi ni Rukawa na binuksan ulit ang pinto.

Pinilit ko talaga na makapasok sa bahay at nang nakapasok nako wala nang nagawa si Rukawa napatingin na lamang siya sakin nang kung ano Ewan koba bakit ayaw nya ko eh mabait naman ako..

Nagluluto pala siya noong kumatok ako sa pinto kaya pumunta siya sa kusina at sinundan ko naman at napansin ko na wala si Yurie.

Tinanong ko si Rukawa kung nasaan si Yurie at hindi naman niya sinagot ang tanong ko sa kanya.

"Ano bang problema nito?." 😒Tanong ko sa sarili ko.

"Kailangan moba nang tulong?." Tanong ko kay Rukawa na iniba ko ang usapan.

Iniwan na lamang bigla sakin ni Rukawa ang niluluto nya pupunta daw siya sa banyo para maligo kaya wala na akong choice kundi aluhin yung niluluto ni Rukawa hindi pa naman ako marunong magluto ano kaya ang lasa nito.

Habang inahalo ko ay may bigla nalang yumakap sakin mula sa likod.. Si Yurie ang yumakap sakin mula sa likod tinawag nya kong kuya kaya naisip ko na baka inakala niya na ako si Rukawa hindi nya alam na ako.

Hindi kase nakatirik ang buhok ko kaya hindi nya ko nakilala nang umarap ako sa kanya nagulat siya nang nalaman niya na hindi ako si Kaede Rukawa.

Nakasando lang siya at mahikling short nakita kami ni Rukawa nang nagsosorry sakin si Yurie.

"Okay lang." Sabi ko kay Yurie na hindi ko pinakita na kinilig ako nang niyakap nya ko.

Sino ba naman ang hindi kikilig kapag niyakap ka ng crush mo yieee😆..

"Bakit ganyan ang suot mo? Magpalit ka nga." Sabi ni Rukawa kay Yurie.

Bumalik sa kwarto si Yurie para magpalit at napansin ni Rukawa na nakangiti ako.

"Ano bang nagyare?." Tanong ni Rukawa na hindi ko sinagot.

Bahala siya mag-isip kung ano ang nagyare ganti ko sa kanya yon dahil hindi nya sinasagot ang mga tanong ko sa kanya kanina.

Ilang saglit lang ay nakabalik na si Yurie, niyaya ako ni Yurie na sumabay sa kanila na kumain..

Habang kumakain kaming tatlong nakatingin lang sakin si Rukawa yung tingin na para bang gusto nya kong patayin 😃...

"Bakit ganyan ka makatingin sakin Rukawa?." Tanong ko kay Rukawa at umiwas lang siya ng tingin.

"Dalihan mo kumain hahatid kita sa RYONAN." Sabi ni Rukawa kay Yurie.

"Pwede naman siya sumabay sakin Rukawa doon rin naman ako nag-aaral." Sabi ko kay Rukawa na hindi na naman pinansin ang sinabi ko.

"Sasabay nalang ako kay Sendoh kung okay lang sayo kuya sayang naman kase oras mo kapag inatid mopa ko." Sabi ni Yurie.

Kahit sinabi na yon ni Yurie hindi parin pumayag si Rukawa na sasabay nalang sakin si Yurie.

"Ako ang maghahatid sayo." Sabi ni Rukawa na hindi na nagbago ng isip.

Pagkalipas ng ilang minuto natapos na kaming kumain kaya nagtungo na si Yurie sa banyo para maligo at ako naman ay nagpahalam na kay Rukawa.

"Aalis nako bayaw babalik nalang ako bukas sana bukas pumayag kana na ako ang maghatid sa future wife ko." Sabi ko kay Rukawa at umalis nako.

SA RYONAN HIGH SCHOOL
Basketball gym..

Naiinis na si Uozumi dahil wala pa si Sendoh, sinabihan naman niya si Sendoh na maaga pumunta sa gym dahil maaga ang practice.

"Sabi nang maagang pumunta dito eh." Sabi ni Uozumi.

"Magkaklase kayo ni Sendoh, hindi ba Fukuda at Koshino? Bakit hindi nyo siya kasama pumunta dito?." Tanong ni Ikegami kina Fukuda at Koshino.

"Simulan nyo na ang practice sayang ang oras." Sabi ni coach Taoka.

Nagsimula na ang practice kahit wala si Sendoh at pagkalipas ng 30 minutes dumating si Sendoh sa gym.

YOU AND MEWhere stories live. Discover now