CHAPTER THREE

93 7 1
                                    

Pagkatapos ng practice match nanalo ang SHOHOKU isa lang naman ang lamang ng SHOHOKU sa RYONAN pagkatapos ng practice match ay umalis kaagad si Yurie kasama si Rose.

"Sayang natalo ang RYONAN." Malungkot na sabi ni Rose.

"Nakita ako ni kuya Kaede kaninang lumabas tayo sa locker room." Sabi ni Yurie.

"May problema ba don?." Tanong ni Rose.

"Nangako kase ako kay kuya Kaede na hindi ako makikipag-usap kay Akira Sendoh." Sabi ni Yurie.

"Hindi nya naman alam na nakipag-usap ka kay Sendoh." Sabi ni Rose.

"Sa SHOHOKU dapat ako nag-aaral ngayon dahil yun ang gusto ni kuya at ayaw nya mag-aral ako dito." Sabi ni Yurie.

"Pumayag lang ang kuya mo nang pinangako mo sa kanya na hindi mo kakausapin si Sendoh?." Tanong ni Rose.

"Oo, kaya naman anong gagawin ko sigurado hindi nya ako kakausapin mamaya." Sabi ni Yurie.

"Kala koba hindi ka niya pinapansin sa bahay nyo bakit ka nag-aalala ngayon?." Sabi ni Rose.

"Oo nga no'h hindi nga pala niya ako pinapansin sa bahay." Napaisip si Yurie.

Hindi nila napansin nasa likuran na nila si Kaede Rukawa kaya naman ng nagsalita si Rukawa ay nagulat ang dalawa.

"Tapos naba ang klase mo? Sabay na tayo umuwi." Sabi ni Rukawa.

"Tapos na ang klase namin kukunin ko nga ang mga gamit ko doon sa classroom para makauwi na eh." Sabi ni Yurie na kinakabahan.

Nagtungo na si Yurie sa classroom kasama si Rose at abang si Rukawa ay naghintay sa gate.

Abang naghihintay si Rukawa kay Yurie ay nakita siya ni Sendoh kaya naman nilapitan nya ito.

"Umalis na ang mga kasama mo hindi ba?." Tanong ni Sendoh.

Hindi siya pinapansin ni Rukawa.

"Hoy bayaw pansinin mo naman ako." Sabi ni Sendoh.

May naisip si Sendoh para kausapin siya ni Rukawa sinabi nya kay Rukawa na liligawan nya si Yurie.

"Subukan molang na ligawan siya." Sabi ni Rukawa.

"Payag kaba?." Nakangiting tanong ni Sendoh.

"Hindi." Tipid na sagot ni Rukawa at dumating na si Yurie.

"Anong pinag-uusapan nyo?." Tanong ni Yurie.

"Wala, tayo na." Sabi ni Rukawa at umalis na sila ni Yurie.

Kinabukasan..

SHOHOKU HIGH SCHOOL..

Nasa iskuwelahan ng SHOHOKU si Yurie kasama niya si Kaede abang naglalakad silang dalawa ay masama ang tingin ng mga babaeng fans ni Kaede Rukawa na nag-aaral sa SHOHOKU.

Nakarating na sa gym sina Kaede at Yurie. Lahat ng mga tao doon sa loob ng gym inakala nila na girlfriend ni Rukawa si Yurie.

"Ang cute naman ng girlfriend mo Rukawa." Sabi ni Ayako.

"Hindi mo man lang sinabi samin na may girlfriend kana pala Rukawa." Sabi naman ni Mitsui.

"Hindi ko siya girlfriend." Sabi ni Rukawa, na kinagulat ng lahat.

"Ano hindi mo siya girlfriend?." Tanong nila Ayako.

"Kung hindi mo siya girlfriend ano mo siya?." Tanong naman ni Miyagi.

"Nakakabata kong kapatid." Sagot ni Rukawa.

"May kapatid ka pala Rukawa ba't hindi namin alam." Tanong ni Mitsui.

"Malay ko sanyo." Polosopong sabi ni Rukawa.

"Ako nga pala si Yurie Rukawa, 16 years old, nag-aaral ako sa RYONAN HIGH SCHOOL." Pagpapakilala ni Yurie.

"May kapatid ka palang maganda." Sabi ni Miyagi sabay hakbay kay Rukawa.

"Kala kopa naman girlfriend mo hindi pala." Sabi naman ni Sakuragi.

Pumunta sa locker room si Kaede Rukawa kaya naman nagkaroon ng pagkakataon na kausapin nila Miyagi, si Yurie.

"Ako nga pala si Hisashi Mitsui.
"Ako naman si Ryota Miyagi.
"At ako naman si Hanamichi Sakuragi.

"Bakit sa RYONAN HIGH SCHOOL ka nag-aral?." Tanong ni Mitsui, kay Yurie.

"Baka doon nag-aaral ang boyfriend nya." Sabat ni Sakuragi.

"Doon nga pala nag-aaral si Akira Sendoh. At narinig ko si Sendoh na tinawag nyang bayaw si Rukawa." Pabulong na sabi ni Mitsui, kina Miyagi, at Sakuragi.

"Talaga ba? Tinawag nyang bayaw si Rukawa?." Pabulong na tanong ni Miyagi.

"Girlfriend kaba ni Akira Sendoh?." Tanong ni Sakuragi kay Yurie.

"Nagliligaw naba sayo si Akira Sendoh?" Tanong naman ni Miyagi kay Yurie.

"Wag kang mag-alala kami na ang bahala kay Rukawa." Sabi naman ni Mitsui.

Hindi nasagot ni Yurie ang mga tanong nila Sakuragi at Miyagi sa kanya dahil dumating na si Rukawa.

"Hindi kaba papasok ngayon?." Tanong ni Rukawa kay Yurie.

"Susunduhin kaba ni Sendoh dito?." Tanong ni Sakuragi kay Yurie.

"Bakit naman siya susunduhin dito?." Tanong ni Rukawa.

"Dahil boyfriend nya si Sendoh." Sagot naman ni Sakuragi.

"Hindi nya boyfriend si Sendoh." Sabi ni Rukawa at inatid si Yurie sa labas ng iskuwelahan ng SHOHOKU.

"Sinasabi kona nga ba dapat hindi na kita sinama dito." Sabi ni Rukawa kay Yurie.

"Advance pala mag-isip mga kaibigan mo kuya." Nakangiting sabi ni Yurie.

"Hindi ko sila kaibigan." Sabi ni Rukawa.

Umalis na si Yurie para pumasok sa iskuwelahan ng RYONAN HIGH SCHOOL..

YOU AND MEWhere stories live. Discover now