CHAPTER FIVE

73 5 1
                                    

Nagsimula na ulit ang practice at si Yurie ay nakaupo sa tabi nila Rose at Alisa, abang nag-uusap hindi naman makapaglaro ng maayos si Sendoh dahil tumitingin ito lagi kay Yurie kaya naman natamahan ito ng bola kaya naman nainis si Uozumi.

"Hoy Sendoh, wag ka ngang tingin ng tingin sa kapatid ni Rukawa, tumingin ka sa bola wag sa kanya." Galit na sabi ni Uozumi.

"Ngayon lang nagyari toh Sendoh." Sabi ni Fukuda.

"Nanonood kase Crush nya kaya hindi makapaglaro ng maayos." Sabi naman ni Koshino.

"Simulan na natin ulit ang practice, wag kang tingin ng tingin sa kapatid ni Rukawa baka matunaw." Biro ni Uozumi kay Sendoh.

Samantalang nag-iintay naman si Kaede Rukawa kay Yurie sa gate ng RYONAN HIGH SCHOOL dahil alas 5 na oras na ng uwihan ng mga istudiyante na nag-aaral sa RYONAN..

"Tapos na ang practice natin ngayong araw pwede na kayong umuwi." Sabi ni Uozumi sa mga player.

Kasama ni Yurie sina Sendoh, Fukuda, Koshino, at sina Rose at Alisa na lumabas ng gym.

Habang naglalakad sila palabas sa gym ay tinanong ni Sendoh si Yurie.

"Pupunta kaba sa practice namin bukas?." Tanong ni Sendoh.

"Bakit mo natanong?." Tanong ni Yurie.

"Para..

"Para daw ganahan siya sa practice." Mainang sabi ni Fukuda.

Nang nakalabas na sila sa RYONAN ay nakita nila si Rukawa.

"Kanina pa ko nandito." Sabi ni Rukawa at kinuha ang kamay ni Yurie para lumayo ito kay Sendoh.

"Hoy Rukawa long time no see.." Bati ni Alisa kay Rukawa.

"Umuwi na tayo." Sabi ni Rukawa kay Yurie na hindi pinansin si Alisa.

"Tama nga ang sinabi sakin ni Yurie, mahirap pala kausapin si Kaede Rukawa hindi siya namamansin." Sabi ni Rose sa kanyang sarili.

Umalis na sina Rukawa, at Yurie..

Pagkarating nila Yurie sa bahay ay kinausap siya ni Rukawa.

"May sinabi ba sayo si Sendoh?." Tanong ni Rukawa kay Yurie.

"Wala naman tinanong niya akong kung manonood ako ng practice nila bukas." Sabi ni Yurie.

"Ano naman ang sinagot mo sa kanya?." Tanong ni Rukawa...

"Hindi ko nasagot." Sabi ni Yurie.

"Magbihis kana para makakain na tayo." Sabi ni Rukawa kay Yurie at nagtungo na si Rukawa sa kusina at si Yurie naman ay nagtungo sa kwarto para magbihis.

Silang dalawa lang ang magkasama sa bahay ang kanilang mga magulang ay iniwan sila pero umahasa parin si Yurie na babalik ang mga magulang nila.

Habang kumakain sina Yurie at Rukawa ay tinanong ni Yurie si Rukawa.

"Babalik ang mga magulang natin hindi ba kuya?." Tanong ni Yurie kay Rukawa.

Hindi naman makasagot si Rukawa.

"Ilang taon narin nang umalis sila." Sabi ni Yurie.

"Kumain ka nalang diyan." Sabi ni Rukawa.

"Babalik pa sila hindi ba kuya? Miss na miss kona sina Mama, at Papa." Sabi ni Yurie, na may pumatak na luha na nagmula sa kanyang mata.

"Tapos nako ikaw nalang ang mag-ugas sa pinagkainan natin, papasok nako sa kwarto ko para matulog." Sabi ni Rukawa at pumunta na sa kwarto.

"Hindi na sila babalik kahit kailan dahil may sarili na silang pamilya." Mainang sabi ni Rukawa nang nakapasok na siya sa kwarto nya.

Pagkatapos kumain ni Yurie ay nag-ugas na siya ng pinagkainan at pagkatapos nyang mag-ugas ay pumunta na siya sa kayang kwarto at nakita niya ang litrato ng kanyang ina at ama kasama siya at si Rukawa.

"Hihintayin ko kayo." Sabi ni Yurie, abang awak ang litrato.

Sa bahay nila Sendoh..

Kumakain na si Sendoh kasama ang kanyang ate na si Alisa at ang ina at ang kanyang ama.

"Ma. Alam nyo ba may nagugustuhan na si Akira, kaya nga lang yung kapatid nung nagugustuhan nya ay mukhang ayaw kay Akira." Sabi ni Alisa abang kumakain.

"Pano na Akira mukhang walang pag-asa na may happy ending sanyo ni Yurie at kung maging kayo nga ay siguradong hindi ka tatanggapin ni Rukawa." Bulong ni Alisa, kay Sendoh.

Hindi naman makasagot si Sendoh at nagtungo na lamang ito sa kanyang kwarto.

At kinabukasan abang naglalakad si Sendoh ay nasalubong niya sa daan sina Satoya at Shinichi.

"May pupuntahan ba kayo?." Tanong ni Sendoh sa dalawa.

"Dadalawin lang namin si Fujima para kamustahin." Sabi ni Shinichi at umalis na ang mag-asawa na sina Shinichi Maki, at Satoya Kisaki-Maki..

YOU AND MEWhere stories live. Discover now