“Free time mo ngayon? Kasi hindi ba sabi mo kulang ang time mo para mag pabalik-balik sa school?” Tanong ko.

Huminto si Zhen sa pagkain para tumingin sakin. “Wala akong planong kumain ng lunch then I saw you. Alam kong hindi ka pa kumakain kaya inaya na kita,” sagot niya tapos ay muling itunuon ang atensiyon sa pagkain na nasa harapan niya.

“So. . . kumain ka dahil sakin?” 

Mahina siyang natawa sa kalagitnaan ng pagnguya. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom. “Kind of. Biglaan lang din,” simpleng sagot niya.

Biglaan? “What do you mean biglaan?” Kyuryos na tanong ko dito. Ayaw kong maging assuming pero sa dinami-rami ng aayain niya maglunch ay ako pa. 

“Focus on your food. Masamang pinaghihintay ang pagkain,” seryosong aniya kaya hindi na ako nagsalita pa. Ang scary niya talaga kapag seryosom

Habang kumakain ay hindi ko maisawang tumingin sa counter kung nasaan si Tita Eve na naga-asikaso ng mga orders. Pansin ko kasi na panay ang pasimpleng tingin niya kay Zhen.

Pagkatapos naming kumain ay pakiramdam ko sasabog ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Kinuha ko na ang  wallet ko sa bag para magbayad.

“Ako na ang magbabayad.”

“Ha?”

“Ako na ang magbabayad,” mas binagalan niya ang pagsasalita para maintindihan ko ang sinasabi niya kahit naintindihan ko naman. Hindi lang ako makapaniwala.

“Sure ka? May per-” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

“Ako na.” Wala na akong nagawa ng tumayo na siya at pumunta sa counter para magbayad. 

Nanatili akong naka upo at napagdesisyunang ayusin ang pinagkainan namin. Pinagpatas-patas ko lang ang mga pinggan at tsaka kutsara at tinidor. May tissue rin dito kaya pinunasan ko na ang mga tumulong sabaw sa lamesa.

Namintig ang tainga ko ng marinig ang pangalan ko mula kay Zhen. Hindi ganoon kalayo sa counter ang puwesto namin kaya kahit paano ay rinig ko sila. Medyo natatabunan lang ng ingay sa paligid ang boses nila dahil marami ring customers na kumakain dito,

Nakangiting bumalik si Zhen sa lamesa namin. Pinuri niya pa ako dahil nilinis ko ang pinagkainan namin. Inaya na niya akong lumabas dahil rumadami na ang taong pumapasok sa karinderya. Ang akala ko ay babalik na siya sa school pero inaya niya pa akong kumain ng ice cream.

Pumunta kami sa convenience store na malapit lang din dito at bumili ng ice cream cone. Katulad kanina ay hindi niya ako pinagbayad kaya medyo nahihiya na ako.

“Salamat sa ice cream,” Pagpapasalamat ko nang makalabas kami sa convenience store. Humanap kami ng mauupuan para doon muna mag-stay.

“Kamusta ang studies?” 

“Okay lang. Still hoping na this year ay makapasa na ako,” sagot ko. 

“Hindi mo ba mamimiss ang school?” Tanong ni Zhen habang tinitignan ang kabuuan ng school mula sa inuupuan namin.

“Mamimiss pero hindi naman puwedeng hindi ako aalis dito. This is my last and final try. Kapag hindi pa rin ako nakapasa ay titigil na ako,” may halong lungkot sa tono ng boses ko. Hindi ko rin kasi maitago ang panghihinayang sa mga nakaraang taon na nasayang.

“You’re quitting?” 

Napailing ako dahil sa sinabi ni Zhen. Actually, na-insulto ako. “Ang tagal ko na dito, Zhen. Ready na akong mag-step up pero itong lugar lang na ito ang pumipigil sa akin  na umabante.” Pilit akong ngumiti. 

Teacher's PetWhere stories live. Discover now