05

33 6 7
                                    

"Good morning beshy ko! Bakit naman ang aga-aga mukha kang pinagsakluban ng heaven and earth?"

"Tsk"

"Ay wow, so pati ako idadamay mo sa init ng ulo mo? Too early for that. Huwag muna tayo pumasok sa school maaga pa naman, kain muna tayo don." Hinawakan ako ni Sab sa braso at hinila sa kakabukas lang na karinderya hindi kalayuan sa school namin. Wala pa ito dito kahapon, ah?

"Magandang umaga. Aga niyo, ah," bati saamin ni kuyang naga-ayos ng mga upuan. Ang laki pa ng mga ngiti niya.

"Ito po iyong bagong bukas na karinderya?" Tanong ko.

"Ahh oo. Medyo nahirapan nga kami sa paghahanap ng puwesto, mabuti na lang at may available dito," sagot ni kuya. Tingin ko ay nasa 50 plus na siya dahil puti na ang iilan sa buhok maski ang balbas niya, may kalakihan rin ang tiyan pero infairness ang puti niya, ah. Naka gluta ba si kuya? "Alam kong gwapo ako neng," pabirong aniya.

Mahina akong natawa bago umupo. "Ang ganda dito, ano?" Saad ni Sab habang inililibot ang tingin sa paligid.

Totoo naman, maganda talaga dahil malinis. Dati itong tindahan ng milk tea kaya naka tiles pa tapos ang pader sa harap ay gawa sa glass. Malawak itong lugar, sana ay hindi ito mag flop.

"Hello, good morning," bati sa amin ng isang babae. Ang hinhin ng boses niya at ganda rin ng mga ngiti niya. "Pasensiya na kayo sa asawa ko at saydang madaldal lang talaga iyon. Ako nga pala si Eva at iyong asawa ko naman ay si Ant. Kayo ang pinaka una naming customer dito," dagdag niya pa. Asawa pala siya nong lalaking naga-ayoa dito kanina.

"Hala yes po. Kayo po ang new owner nitong lugar?" Tanong ko at ngumiti.

"Kami nga. Nakakatuwa nga dahil ang lapit sa school, sadyang pinagpala kami sa puwesto na ito kahit ngayon pa lang siya magbubukas."

"Favorite place na po namin agad ito," saad ni Sabrina.

"Oh siya, ito ang menu. Kapag ready na kayo um-order ay tawagin niyo lang ako o kaya si Ant. Sige na, maiwan ko na kayo." Ini-abot sa amin ni Ate Eva ang dalawang menu.

"Mukhang mabait sila, ano?" Tanong sakin ni Sab at itinapik pa ang menu na hawak niya sa menu na hawak ko.

"True, dalawa lang kaya sila dito?" Tanong ko pabalik.

"Ang sabihin mo ay kung may anak ba sila. Kasi kung meron mukhang gwapo o maganda kasi tignan mo sila, ang puputi at kinis ng balat," ani Sab habang tinitignan ang mag asawa.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagbasa na ng kung anong puwedeng piliin sa menu. Lahat naman mukhang masarap pero kumain na kasi ako bago umalis ng bahay kaya lugaw na lang siguro.

"Tita-" agad kong tinakpan ko ang bibig ko at hinarap si Sab na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Ginagamit niya pa ang menu para takpan ang mukha niya.

"Ready na kayo mag-order mga anak?"

"Yes po tita-I mean, ano Ate Eva." Ano bang problema ng bibig ko at feeling close ito? Nakakahiya!

"Okay lang na tita ang tawag niyo sakin, mas gusto ko iyon." Kahit paano ay nabawasan ang hiya ko.

"Thank you po," saad ko at ngumiti. "Lugaw lang po ang sakin. Ikaw Sab?"

"Yieee ikaw ahh, lugaw," panga-asar niya sakin kaya inirapan ko siya. "Hmm? Ahmm- ito pong egg silog mukhang yummy tsaka po jumbo hotdog, tita."

Nang matapos kunin ni Tita Eva ang orders namin ay tsaka ko kinurot si Sab sa kamay. "Aray!" Aniya kaya agad kong inalis ang kamay ko. "Ang sakit Krisan! Ano nanamang trip mo?" Mangiyak-ngiyak na saad niya habang hinihimas ang parte na kinurot ko.

Teacher's PetМесто, где живут истории. Откройте их для себя