Chapter 2: Andrew, as Trinah's savior

Start from the beginning
                                    

Nagkukulong lang siya sa kuwarto at nagpipinta, isang favorite hobby niya kung minsan. Lumalabas lang siya ng bahay kapag kinakailangan. Kung nakaharap siya sa mga tao ay nagsusuot siya ng mask para hindi mahalatang nahihiya siya.

Her boyfriend, Aticc, accidentally took off her mask the time na namamasyal siya sa park. Siya pa lang ang taong nakakakita ng kagandahan niya. Hindi taga- Dalandan si Aticc, it is just happened na pinagtagpo raw sila ng tadhana. That's how they meet and know each other. Kaya, hindi dapat ako matakot ibandera ang mukha ko as Amie since pinahiram nila ang identity na ito sa akin.

Ang totoo, masayang-masaya si Amie na nabangga ko siya ng kotse at napaospital ko siya dahil sa paraang iyon natakasan niya ang kasal na hindi naman gusto niya. Siyempre, malaya na niyang minahal ang lalaki niya kahit patago sa kaniyang pamilya. Ang pagkabangga ko sa kaniya ang tanging excuse na lang niya para mabuhay nang masaya habang ako ay sunod-sunuran sa utos ng parents niya. Well, okay lang naman iyon sa akin. Besides, wala na akong pamilya at gusto ko nang subukin din ang buhay mayaman.

Matapos niyang isinalaysay lahat ng details, kinumusta niya ang pagpapanggap ko. Mabilis ding kumalap sa kaniya ang balitang engage na ako kay Andrew at kita ko sa mukha niya ang ngiting abot-langit.

"Trinah, I'm sorry kung ikaw ang pumasan ng lahat ng problema ko. Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka, ibibigay ko iyon sa iyo." 

Masakit isiping ginamit lang niya ako para sa sariling kapakanan niya ngunit may kasalanan din naman ako. Kung hindi ko lang nilakasan ang pagmamaneho ng kotse ko noon, siguro hindi 'to nangyari sa akin o siguro patay na rin ako kung nabangga man ako sa ibang vehicle. It is my second life na kumbaga, kaya sinulit ko na lang ang mga oras ko para makatulong sa nangangailangang kaibigan.

Days had passed nang mabilis, not so memorable to me dahil napre-pressure na ako sa upcoming wedding ko. Sa tuwing nakikita ko ang gown, singsing, accessories, at iba pang gamit pangkasal,  parang dinudurog ang puso kong sana naging totoo na lang ang lahat. Sana, hindi na lang ako naging substitute bride. 

But, one day before the day of the wedding ceremony, para akong nae-excite dahil nakita ko ang mga bride's maids at groom's men na masayang-masaya habang lumalakad ng isle. Praktis pa lang iyon para dama ko na ang sincerity nila. Makasana-all na lang ako para sa kanila.

However, nang nagtipon-tipon kami para sa isang special na salu-salo kasama ang mga taong kabilang sa ceremony, may napansin akong lalaking nakamask na sumilip sa may pintuan. Malayo siya sa table namin pero tanaw ko siyang minamasdan kami habang kumakain.

Then I move fastly at pinuntahan siya directly nang hindi nagpapaalam sa mga kasamahan ko. Nagmamadali akong tumakbo umaasang maabutan ko pa ang stalker na iyon.

Mabilis man siyang kumilos sapagkat naglaho siya bigla sa paningin ko, ngunit matalas ang mga mata ko. I knew where he was hiding. I felt deep inside na may koneksyon siya sa akin kaya ko siya sinundan at gustong makita.
I took off his mask at nagulat akong makitang ang stalker ay ang exboyfriend ko.

Kinuwelyuhan ko siya and I asked him directly with a harsh words, "Anong ginagawa mo rito sa Villa namin, huh? Sinusundan mo ba ako?"
Tinawanan lang niya ako at itinulak para makawala sa higpit nang pagkakuwelyo ko sa kaniya. "I'm sorry, Trinah. Hindi kasi ako makahinga sa ginawa mo sa 'kin."

"Then tell me kung bakit ka narito sa lugar ko! Binabantaan kita..." Dinuro-duro ko siya at tinaasan ng kilay. "Huwag na huwag mong guluhin muli ang buhay ko. MALIWANAG BA?" Akmang tatalikod na ako nang biglang hinablot niya ang kanang kamay ko at pinasandal sa mga balikat niya. 

Eksaktong ganoon ang posisyon namin nang naabutan kami ni Andrew. Dali-daling isinuot ng former boyfriend ko ang kaniyang mask upang hindi makita ni Andrew ang buong mukha niya. Planong tatakas siya sa amin pero bago iyon, binulungan niya ako ng mga salitang, "May panahon ka rin sa akin."

Napakatalas nang tingin ni Andrew sa akin na para bang sina-psycho niya ako sa nakita niya. Paano ba kasi, sino bang hindi magtatakang pabigla-biglang umaalis ako sa mga pagtitipon. Kaya, siya rin na kunwaring concern ay sinusundan at hinahanap ako palagi.

"I'm sorry, Andrew. Hindi ko iyon kilala. It's just that I am—"

"I don't care whatever it is, Ann. Just go back inside. Hinahanap ka nila sa akin."

Naunang pumasok ako sa loob ng villa at ang akala kong nakasunod lang siya sa akin ay hindi pa pala. Inikot-ikot muna ni Andrew ang buong lugar wari'y may hinahanap siya. May nakita siyang pamilyar na tao pero hindi naman siya gaanong kasigurado kung kilala niya ang taong iyon.

Alas tres ng hapon nang naisipan kong mamasyal muna sa buong village since tapos naman akong tinuruan ni Amie sa mga gagawin ko. Besides, wala na akong dapat ikatakot. I am now Amie Adamo, ang tinitingalang babae sa buong bayan.

Isinama ko ang isang lady guard namin sa pamamasyal para may makausap ko. Dahil mahilig ako sa fastfood, bumili ako nang kaunti para may makain habang nanonood ng palabas sa plaza. Habang pabalik na sana ako sa upuan ko, bigla akong na out-of-balance sa suot kong sandals. Naitapon ko ang dala kong pagkain but I'm safe since I landed to someone's body.

Nag-abot ang aming mga mata na para bang nag-uusap nang tahimik. Ang guwapo niya, maputi, matangkad, at balingkinitan ang mga mata. Mas cute siya tingnan nang nag-smile na siya sa akin.

"Okay ka lang, Miss?" tanong niya sa akin, habang inalalayan akong tumayo.

"Ah... O-oo," utal na sagot ko.

Kinilig na sana ako sa sweet na boses niya, ngunit ang mga kasunod na pangungusap niya ang hindi ko nagustuhan. Ang hambog talaga ng taong iyon.

Sinabi pa niyang, "Sa susunod Miss, huwag kang mag high heels kong hindi mo man lang kaya. Nakakaperwisyo ka kasi. Buti na lang hindi ka masyadong mabigat, nabuhat pa kita nang maayos. At heto pa, stop staring me. Hindi ka maganda."

Trinah, The Substitute BrideWhere stories live. Discover now