Chapter seventeen

109 5 1
                                    

Maya't maya bumaba yung halos kalahati ng crew kasama nayong Captain nila sa limang maliit na bangka. Babangkain lang nila yung papuntang Isla. Hindi naman gaanong malayo yung mismong barko sa Isla.

Maya't maya ay tahimik lang yung paligid. Tulog kasi yung iba, napagod sa pakikipaglaban kagabi.

Kunti lang yung nasa labas ng barko.

May naglalaro ng baraha

May kumakain ng mansanas

May nagpapatulis ng kutsilyo

Habang yung iba ay may kung anong ginagawang mga gawain.

Napatingin ako sa langit

Ang ganda ng sinag ng araw

Napakaganda rin  yung kulay asul na dagat

Napatingin ako sa Isla

Grabi ang ganda nito

Napakalinis at napakaputi yung mga buhangin.

Marami din akong nakitang mga puno.

Hindi ko talaga gaanong aninag kung ano pa yung mga nandoon pero ito lang ang masasabi ko

ang GANDA TALAGA

Pagkatapos kong magmasid sa paligid ay napangiti ako.

Pagkatapos magpatulis ng kutsilyo yung isang pirata ay napatayo na siya.
Nakangiti siyang nilalaro yung kutsilyo niya habang naglalakad patungo sa loob ng barko. Hindi pa siya nakakaabot doon ng bigla kong sinipa yung isang paa niya ng dumaan siya saamin. Na out balance siya dahilan para maitapon niya yung kutsilyo.

Kasabay ng pagbagsak niya sa sahig ang pagsalo ko sa kutsilyo gamit yung isang paa ko. Madalian kong ipinasa ito sa kamay kung nakatali sa likod... and in one slash... natangal yung lubid.

Hindi na ako nagpaligoy pa at isinama ko rin yung kay Haron. Nang makawala na si Haron ay sakto ring napatayo yung pirata kaya mabilis kong inihagis yung kutsilyo diritso sa dibdib ng kaaway.

Gulat yung mukha ni Haron nang hilahin ko siya para tumakbo.Agaw attention yung nangyari kaya napatayo nayung ibang pirata. Hindi pa sila nakalapit saamin ng walang pagdadalawang isip kaming tumalon pababa ng dagat.Lumangoy kami papuntang Isla pero hindi pa kami nakakalayo ng pinaulanan kami ng mga pana. Natamaan yung kaliwang braso ko pero hindi ko na inintindi

ANG IPORTANTE

MAKATAKAS KAMING DALAWA

***

Nang makarating na kami sa dalampasigan ay hingal kaming napaupo. Dali-dali kong tinanggal yung pana sa aking braso sabay napanga-nga sa sakit.

"Clair okay kalang?! "

Nagaalalang saad ni Haron. Tumango lang ako pagkatapos pinunit  yung kunting tela sa damit ko at itinali sa aking sugat.

Pagkatapos mabilis akong tumayo sabay sabi

" Let's Go! "

At 'yon, basa kaming tumakbo papuntang gubat. May dalawa kasing bangka na puno ng pirata ang sumunod saamin.

Kaiinniiissss......ayaw talaga kaming lubayan. Nang nasa gubat na kami ay tumutunog yung mga patay na dahon sabay sagi sa mga damuhan, habang hila ko patakbo si Haron. 

Marami-rami din yung pirata na sumusunod saamin.... Pero ang mas pinag-aalala ko ngayon ay kung makasalubong namin yung captain nila,  kasama yung kalahating pirata dito sa gubat.

Maya't maya bigla akong nadapa dahil sa damit kong 'to.

KAINNIISSS..... !!!

" Clair! "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wake Up as a Villain PrincessWhere stories live. Discover now