Chapter ten

181 8 0
                                    


Then I saw Sedrick

salubong nanaman yung kilay niya na angry bird.

Akala ko ba okay na kami?

Hindi ko na siya pinansin. Tumalikod na ako at aakma na sanang umalis ng mapatigil ako ng magsalita siya.

" tigilan mo na yang panggagamit mo "

Seryoso niyang sabi dahilan para inis akong mapaharap sa kanya.

" Ilang beses ko ba-- "

Hindi ko natuloy yung sinabi ko nang magsalita nanaman siya.

" alam kong alam mo na ikakasal tayo balang araw. Mga bata palang tayo ay palagi na kaming bumibisata sa kaharian niyo. Matalik na magkaibigan yung mga ama natin kaya noon palang, 'yon nayong bukang bibig nila tuwing magkakasama sila. Gustohin ko man o hindi wala nadin naman akong magagawa. Kaya tama na. Hindi mo na kailangang gamitin yung damdamin ni Haron pala lang mag selos ako. "

What?!

Ako?! Ginagamit si Haron?

Saan naman niya napulot yung idea nayon?

Gusto ko na talagang magsalita ng naunahan nanam niya ako.

" wag na tayong magtalo. Gabi na at baka magising pa si Haron. Matulog kana may practice kapa bukas. "

Nakakaiiiiniiisss taalllaaagggaaaaa

Wala akong nagawa kung di bumuntong hininga at pinakalma yung sarili ko. Tiningnan ko muna siya ng masama bago tumalikod at nagsimulang maglakad. Masakit payong paa ko pero pinilit kong maglakad ng maayos para hindi niya mahalata.

***

kinabukasan sa empty room

Hanggang ngayon hindi ko parin makuha yung tamang pagcurtsy. Yung sa paglalakad nakuha ko na kahapon. Hindi na nahuhulog yung libro but...nang mag curtsy na ako, hayysss...ganon parin.

(Pack!)

Ayon nahulog nanaman yung libro.

" pffffffff "

Inis akong napatingin kay Haron ng mapatawa siya. Pero ng pagtingin ko ay dali-dali siyang nagkunwaring nagbabasa ng libro sabay pigil ng kanyang tawa.

Walang hiya, tinawanan ako?!

Naisipan ko kasing mag practice muna habang wala pa sina Camel at Sedrick. Hindi ko akalaing sumunod pala yung luko kaya ito. Nakaupo siya sa sahig habang nakasandal sa pader at kunwaring nagbabasa.

" Hoy! Anong tinatawa-tawa mo jan? "

" H-ha hindi ako tumatawa "

Sabi niya habang mas inilapit yung mukha sa libro.

Ayy...nnaakkuu kunwari patong isang 'to

E halata namang pinipigilan niya yung tawa niya.

Lumapit ako sa kanya at pilit na inalis yung libro sa mukha niya. Hindi din naman nagpatalo yung luko at mas hinigpitan yung paghawak sa libro.

Ahhhhh ganooonn......lumalaban kana?

Sige......

At 'yon para kaming mga bata na ewan.

( pack! )

Napatigil kaming dalawa ng marinig namin yung malakas na pagsara ng pinto. Nakita ko si Camel at yung nakasalubong nanamang kilay ni Sedrick.

NAKAKAINIS NAYANG KILAY NAYAN HA...

Bakit ba palagi ko nalang yang nakikitang nakasalubong?

KAPAG AKO NAPUNO SA KILAY NAYAN, KAKALBUHIN KO TALAGA YAN!

Wake Up as a Villain PrincessWhere stories live. Discover now