Chapter five

250 16 0
                                    

• Sa Banquet hall •

Tahimik kaming kumakain ng bigla nalang magsalita si Haron.

Napahinto ako sa pagkain

" mahal kita dahil ikaw ay ikaw" seryoso niyang sabi habang nakatingin saaking mga mata. Ang badoy pero sege nga....pakikinggan ko. Nagulat yung mga kasama namin sabay tingin saamin habang Ako ay napatingin din sa naluluha niyang mga mata.

" Hindi ko alam pero sa tuwing lumalapit ka...hindi na ako makapag-isip ng tama. Oo alam kong ginagamit mo lang ako, pero hindi ko maiwasan yung ngiti sa tuwing pinapansin mo ako. Oo.. TANGA AKO..alam ko 'yon. Pero hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang sabihin mong lumayo na sayo. Dahil Clair, gusto kita! Hindi ko namang hinihingi na gustohin mo rin ako. Ang saakin lang, wag mo sanang ipagkait saakin na mahalin ka..."

Tumulo nayong luha niya...

Kalmado akong napaiwas ng tingin

" ganon ba?" Walang reaction kong sabi sabay kuha ng baso at uminom ng tubig. Tahimik lang ang lahat. Inilagay ko na yung baso at seryosong tumingin ulit Kay Haron.

" sige, may exam tayo next month diba? Kung magagawa mong turuan 'tong dalawa kong kaibigan sa math at science, then kapag tumaas yung grade nila, payag akong maging girlfriend mo "

Sabi ko then ngumisi

Biglang tumayo si Sedrick at kunot noong tumingin saakin.

"Ano nanamang laro to Clair?, hindi ka ba naawa sa kanya? Hanggang kailan mo siya paasahin?"

Inis na sabi ni Sedrick saakin. Mahinahon lang akong napatingin sa kanya.

" Sinong may sabing laro 'to? Hindi mo ba nakikitang seryoso ako? Bakit hanggang ngayon ba ay iniisip mo paring may gusto ako sayo? Gumising ka nga.... WALA NA AKONG KAHIT ISANG KUNTING PAGTINGIN SAYO, GETS MO? "

Then I smirk

" Sinong niloko mo? hindi nga ba laro? Bakit? May nararamdaman ka ba kay Heron? Diba wala? Ano ngabang tawag sa relasyong isa lang yung may gusto? Ano nga ba Clair?"

Napatayo na ako sabay cross arm.

Ang hirap talagang makaintindi 'tong taong  'to

Napatingin ako ng seryoso sa mga mata niya sabay sabi

" Kahit kailan talaga napaka slow mo. Hindi mo parin ba magets? I......PREFER TO BE WITH SOMEONE.......WHO WILL LOVE ME, THAN BE WITH SOMEONE....WHO DOESN'T EVEN SEE MY WORTH. Hindi lahat ng kinasal ay nagmamahalan. Magisip ka nga, I'm just being practical. At sandali nga lang ba't ka ba nakikialam? Beside hindi pa naman kami...mind you own business SLOW-WITTED PRINCE."

Sabi ko at umupo na ulit at kumain. Hindi na siya nakaimik pa. Wala siyang nagawa kung di mapakuyom nalang at pagkatapos nag walk out.

THE ENEMY HAS BEEN SLAIN

GAME OVER PRINCE SEDRICK.

Uminom nanaman ako ng tubig at pagkatapos napangiti.

Pansin kong naloloka nayong Head mystrees namin dito. Isang araw palang pero ang daming gulo nayong hatid ko. haha sorry kayo ...dahil simula palang 'to. Kung si Clair ay Isang bitch well ako isang phsyco. Guguluhin ko talaga 'tong kwento nato. Sabi nga ng motong kinalakihan ko... WIN OR DIE

***

"Clair, nababaliw kana ba?"

"Si Haron?"

"Are you joking?"

Wake Up as a Villain PrincessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora